Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Update po tayo sa magiging sistema ng pagpapatupad ng Service Contracting Program sa PUVs.
00:05Kausapin po natin si LTFRB Board Member Attorney Greg Pua.
00:09Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
00:13Magandang umaga po, Ma'am Connie, at magandang umaga po sa lahat po na nakikinig po sa inyo.
00:17Sir, explain lamang yung magiging sistema at paano tunan po sa Service Contracting Program na ito.
00:22Opo. Alinsunod nga po sa utos po ng ating Pangulo na tulungan ng ating mga kasamahan sa transportasyon at ating
00:31mga commuter.
00:32Sa utos po ni Secretary Banoy Lopez po, magpapatupad po starting April 15 ng Service Contracting.
00:40Net Service Contracting po ito kung saan babayaran po ng gobyerno ang per kilometro ang tatakbuhin ng mga public utility
00:48vehicles na kasama po rito.
00:49In exchange naman po, sila po ay magmimigay naman po ng 20% discount sa mga patahero po natin.
00:57Ang monitoring po natin dito ay meron po tayong GPS monitoring at meron din po tayo,
01:02doon pa sa mga public utility vehicles naman na may hihirapan na maglagay ng GPS,
01:09tinitignan po natin ang manual monitoring.
01:12Okay, papaano po yung manual monitoring, sir?
01:14Kasi yun nga yung sinasabi po ng ilang mga grupo po na mga jeepney drivers.
01:19Kung ito ay pang araw-araw nilang gagawin sa loob po ng tatlong buwan,
01:24ano ang magiging monitoring talaga para maipatupad po ito?
01:28Yun po yung challenge dito, Ma'am Coney, kasi kailangan po namin maglagay ng LTFRB personnel
01:35sa bawat end-to-end ng mga ruta po kung saan i-check po nila
01:40yung may pipirmahan po yung ating mga personnel sa dulo sa point A to point B.
01:47Ito po, ginawa na rin naman po ito dati pero naging problema po dito,
01:53mas tumatagal po ang payment kasi syempre may mga discrepancy.
01:56Pakalawa po, meron pong mga korupsyon na maaring mangyari.
02:00Kaya as much as possible, iniiwasan po sana namin ang manual monitoring
02:05and we encourage our public utility operators na gumamit po ng GPS.
02:12Yung kanila naman po problema na mataas daw po ang sinisingil ng mga GPS provider,
02:18kinausap na po natin ang mga GPS provider kahapon at sinasabi po natin,
02:23dapat maximum of 500 pesos per month lang ang kanilang singlin.
02:28Wala naman pong umalma at yun po ay sana'y gagawin po nila.
02:34Pero attorney, paglilinaw lang, ito pong 500 pesos na rental sa GPS per month
02:41ay manggagaling at nakapaloob na daw ito dun sa 800 million na budget para sa kanila.
02:47Hindi naman ito manggagaling dun sa mga operators po ba?
02:50Sa operators po ito manggagaling kasi sila po ang gagamit po nito,
02:57mag-coney.
02:58Yung mga public utility, traditional po kasi yan, wala po yan.
03:02Pero yung mga modern jeeps and mga buses, meron na pong mga GPS po yan.
03:07Sa traditional po, dun sa previous service contracting,
03:11yung mga operators din po ang nagpapakabit po ng kanilang mga GPS.
03:16Nakuiba po ang nai-announce kanina sa radyo eh.
03:18Pero anyway, yung mga kailangan po na mga requirements ba para maging parte po sila
03:25ng mga programa po na ito, ng service contracting program,
03:28meron po ba kayong mga listahan para sino yung mga po pwede mag-qualify?
03:33Opo. Unang-una po, ilalabas po namin yung mga ruta.
03:37Kasi ang tinitignan po natin dito ay yung mga ruta na mag-feed po sa ating mga mass transit
03:42like LRT, MRT, and busway.
03:45So, dun sa mga operators na nandun naman po sa mga rutang ito,
03:51ang requirements lang po dito ay currently registered.
03:54At sana po ay may GPS na rin po para mas mapabilis ang kanilang pagtistimula.
04:01Okay.
04:02Sabi po ng transport group na piston,
04:03hindi raw sila nakonsulta sa ipapatupad na service contracting program.
04:08Ano po ang inyong reaksyon at balak pa ho ba ninyo magpatawag ng iba pang mga meeting
04:13para po sila ay makapagbigay ng opinion?
04:17Ito po, ay amin naman po tinatanong ang bawat mga operators
04:21kung ano po ang kanilang mga hinakailangan na tulong
04:25para po sa at para po maibigay ng gobyerno.
04:29Yung service contracting naman po ito,
04:31this is not the first time po nagagawin po ang service contracting.
04:34As early as 2020, nagkaroon na po tayo ng service contracting.
04:38At yung net service contracting po,
04:40in-implement po yan ng 2023-2024.
04:43Ang kaibahan lang po ngayon,
04:44dun sa net service contracting,
04:46ay mayroon pong 20% discount na dapat pong ibigay
04:49sa ating mga pasahero para maramdaman po naman nila
04:53yung beneficyo po ng tulong na binibigay ng gobyerno.
04:57Alright. Marami po salamat sa inyo pong oras na ibinahagi sa Balitang Halis, sir.
05:00Maraming salamat po, Ma'am Coney.
05:02Yan po naman si LTFRB Board Member Attorney Greg Pua.
Comments

Recommended