00:00Binoon ng Agriculture Department ang isang Food Security Task Force para tutukan ang epekto ng taas presyo ng langis sa
00:07supply at maging sa presyo ng agricultural products sa bansa.
00:12Iyan ang ulat ni Carlo Luis Candelaria.
00:16Tumulay na sa sektor ng agrikultura ang epekto ng energy emergency bunsod ng pagtaas ng presyo ng petrolyo dahil sa
00:23geopolitical tension sa gitnang silangan.
00:26Upang bantayan ang mga ito, itinatag ng Department of Agriculture ang Food Security Task Force.
00:31Layo ng task force, nabantayan ang supply at presyo ng mga pangunahing agricultural products, magkaroon ng mas sistematikong monitoring system,
00:40araw-araw na situational briefing sa Malacanang at Kongreso, subaybaya ng mga disruption sa global shipping,
00:46mag-consolidate ng mga datos, makipag-ugnayan sa financial institutions at magbukas ng mga alternatibong merkado para sa mga export
00:53products ng bansa.
00:54Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Chulaurel Jr.,
00:58apektado na rin ng sigalot sa Middle East ang mga exporter at mga pangunahing agri-exports ng bansa gaya ng
01:03saging at piña.
01:05Makikipag-ugnayan ang ahensya sa land bank at iba pang mga banko upang matulungan ang mga exporter.
01:10Tutuklasin din ang ilang mga posibling alternatibong merkado tulad ng Africa, Australia, Europe at Southeast Asia.
01:17Titiyaki ng Food Security Task Force na may sapat na impormasyon ang pamahalaan upang matugunan ang epekto ng krisis at
01:24maprotektahan ang mga mamimili at producers.
01:27Carlo Luis Candelaria para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments