00:00Samantala na nindigan ang ilang mambabatas na naayon sa konstitusyon ang kanilang isinasagawang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara
00:08Duterte.
00:09Ito ang kanilang tugon kasunod ng inihayag na petisyon o inihaing petisyon ng kampo ng pangalawang Pangulo sa Korte Suprema
00:16para ipatigil ang pagdinig laban sa Bise.
00:20Yan ang ulat ni Vell Custodio.
00:24Magpapatuloy ang impeachment hearing laban kay Vice President Sara Duterte.
00:28Yan ang tiniyak ni House Committee on Justice Chairperson Jervie Luistro.
00:32Naayon-aniya sa konstitusyon ang lahat ng isinasagawang impeachment proceedings ng Kamara.
00:38Kasunod ito ng inihayag petisyon for certiorari and prohibition ng kampo ng pangalawang Pangulo sa Korte Suprema kahapon
00:45na humihiling ng temporary restraining order para mahinto ang isasagawang impeachment hearing ng Justice Committee laban sa Bise.
00:52Ayon kay Luistro, patas, maayos at mabatay sa ebidensya ang prosesong kanilang ginagawa.
00:59Ayon naman kay Akbayan Partilist Representative Percy Sendanya,
01:03maituturing na small win ang tugon ng Korte Suprema.
01:06Kasunod ang pagbibigay nito sa Justice Committee ng 10 non-extendable days
01:10para tumugon sa inihayag petisyon ng kampo ni Vice President Duterte sa Korte Suprema.
01:15Aniya, kumpiyansa siya na susunod ang kumite sa instruction mula sa Supreme Court.
01:20We welcome this as a positive development kasi ibig sabihin, walang PRO na na-issue ngayon,
01:26tuloy ang paglalabas ng ebidensya, tuloy ang paglalabas ng katotohanan pagdatingin ng Miraculis.
01:30May pangamba naman si Kabataan Partilist Representative Renico
01:34na maaaring hadlangan muli ng Korte Suprema ang impeachment proceedings sa pangalawang Pangulo.
01:40Hanggang ngayon, may pangamba tayo na baka mangian yun ulit, worse even,
01:45now that, sumunod na nga yung House of Representatives sa iba't ibang mga demands ng Supreme Court.
01:54Samantala, umaasa naman si Cono na mailalatag at mapapakinggan ang testimonya ni Ramil Madriaga
01:59sa susunod na pagdinig ng Justice Committee.
02:02Kasunod ito ng pagpaying ng Regional Trial Court Manila Branch 21
02:06sa hiling ng House Committee on Justice na makadalo at tumistigo si Madriaga
02:11sa impeachment hearing laban kay VP Duterte sa April 14.
02:15We welcome the development na alingsunod nga po doon sa naging request,
02:21motions ng members ng House Committee on Justice
02:25ay mapakinggan yung side ni Madriaga, mag-testify siya alongside Atty. Michael Powa,
02:34lahat ng, lahat pa sa ilalim sa makinarya ni VP Sara Duterte
02:40para maghanap ng paraan at i-pursue yung paraan para makurakot.
02:46Kaugnay nito, ipinasabpina na rin ng House Committee on Justice
02:50ngayong araw ang legal counsel and spokesperson ni VP Sara
02:53na si Atty. Michael Powa,
02:55kaugnay ng paggamit ng confidential funds ng DepEd
02:58nung siya ay chief of staff.
03:01Ipinapasumite kay Atty. Powa ang mga dokumento
03:04kabilang ang mga records na ipinasa sa komisyon ng audit
03:06para masuri ang paggamit ng pondo.
03:09Nagbabala rin ang komite na may kaakibat na parusa
03:11ang hindi pagsunod sa sabpina.
03:13Bukod dito, ipinasabpina din ang komite
03:16si NBI Director Atty. Melvin Matibag
03:19kasunod na investigasyon sa umano'y banta
03:21ni Vice President Duterte
03:23laban kina Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr.,
03:26First Lady Lisa Araneta Marcos
03:27at dating Speaker Martin Romualdez.
03:30Kabilang sa hinihingi ng komite,
03:32ang 35 copies ng records, dokumento
03:35at mga larawan na nakalap na NBI
03:38kaugnay sa nasabing investigasyon.
03:40Bahagi ito ng nagpapatuloy na impeachment proceedings
03:42laban sa pangalawang Pangulo
03:44para malaman kung may sapat na basihan
03:47para dalhin sa plenario at iakyat sa Senado.
03:50Vel Custodio para sa Pambansang TV
03:52sa Bagong Pilipinas.
Comments