00:00Nakiisa rin ang Cotabato City sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan.
00:04Kung ano-ano ang mga aktividad, alamin natin sa ulat ni Tricia Aragon ng PTV Cotabato.
00:11Payapat makabuluhan ang seremonyang isinagawa kaugnay sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan
00:17sa pagtutulungan ng Cotabato City Police Office, Office of the City Veterans
00:22at iba pang mga opisyal na bisita dito sa Veterans Office sa Rosary Heights 7, Cotabato City.
00:28Ginugunita ang Araw ng Kagitingan para parangalan ang walang kapantay na tapang
00:34na mga bayani na ipinagtanggol ang kalayaan ng bansa sa harap ng matinding pagsubok.
00:40Kinikilala sa araw na ito ang mga sundalong Pilipino, mga veterano at ang mga nagbuwis ng buhay
00:47para ipagtanggol ang ating kalayaan.
00:50Kinikilala rin ang mga ordinaryong mamamayan na nagpakita ng katapangan sa panahon ng digmaan.
00:57Ang araw na ito ay pag-alala sa katapangan at sakripisyo ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo
01:05na lumaban sa panahon ng World War II, lalo na sa Bataan Death March matapos ang pagbagsak ng Bataan noong
01:131942.
01:14Nagsisilbing paalala ang Araw ng Kagitingan sa lahat na ang ating lahi ay handang ibuwis ang buhay para sa inaasam
01:23na kalayaan.
01:24Ang araw ng Kagitingan ay paalala sa lahat na ang kalayaan na ating tinatamasa ngayon ay hindi nakuha ng madali.
01:32Ito ay pinahirapan at pinagbayaran ng buhay ng mga bayani.
01:37Mula dito sa PTB Cotavato Regional Center, Trisha Aragon para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments