Skip to playerSkip to main content
  • 15 minutes ago
Sen. Pres. Sotto, isinusulong ang total repeal ng Oil Deregulation Law; DOE Sec. Garin, pabor na repasuhin ang naturang batas sa harap ng hamon sa mataas na presyo ng langis | ulat ni Louisa Erispe

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ilang Senador isinusulong na ma-amiendahan ang Oil Deregulation Law ng Bansa.
00:05Energy Department, pabor sa naturang panukala.
00:09Si Luisa Erispes sa Sentro ng Balita.
00:15Ngayong halos hindi na mapigilan ang pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.
00:19Sa Senado, isinusulong na magkaroon ang kapangyarihan ng gobyerno
00:24na bantayan at silipin ang pagpasok at bentahan ng langis sa bansa.
00:28Mismong si Sen. President Vicente Soto III plano nang maghahiin ang panukala
00:34para sa total repeal ng Oil Deregulation Law.
00:38Ang batas kasi na ito, nililimitahan ang kapangyarihan ng gobyerno
00:41na mangielam sa presyohan ng langis sa bansa.
00:44Ayon mismo kay Sen. President Vicente Soto III,
00:48noon pa mang taong 1998, hindi na siya bumoto ng pabor sa naturang batas.
00:53Noon pa man, nakita na niyang may hindi magandang epekto ito sa bansa.
00:57Kaya ngayon, bukod din sa regulasyon ng langis,
01:00isinusulong din ni Soto na sa ilalim ng Philippine Strategic Petroleum Reserve Act,
01:05magkaroon na ng sariling petroleum stockpile ang gobyerno.
01:10Dati na rin niya itong iminungkahi.
01:12Kay dating Pangulong Rodrigo Duterte,
01:14kasabay ng joint exploration sa West Philippine Sea.
01:18Kaya lang, hindi anya ito natuloy.
01:20Kahit naman si Energy Secretary Sharon Garina pabor din na panahon na
01:25para silipin ang oil deregulation law, lalo na ngayong may sigalot sa Middle East.
01:30The most crucial legislation is the amendment of the oil deregulation law.
01:37It has several topics there,
01:40but maybe deregulation works when there's no war,
01:46when it's a normal times,
01:48but when there's a war and the spike is so high,
01:51it's unpredictable.
01:52This is not that the price is determined by supply.
01:57It's, there's the natural and artificial causes here
02:04na tumataas lang talaga siya.
02:07Gate Panigarin, ngayon kasi,
02:09walang kapangyarihan kahit ang DOE na mangiilam sa presyo.
02:13Kaya kahit mabilis ang pagtaas,
02:15hindi na lang ito magawang kontrolin.
02:17Kaya naniniwala ang kalihim sa mga ganitong sitwasyon,
02:21dapat pumasok na ang regulasyon ng gobyerno.
02:24So a certain degree of regulation when it is needed,
02:29I think it is necessary.
02:32Si Sen. Amy Marcos naman,
02:34inihain na ang Senate Bill No. 2007
02:37na inoobliga ang mga kumpanya ng langis
02:40na ipakita ang kabuoang presyo ng mga produktong petrolyo.
02:44Batay sa panukala,
02:45mula sa ginastos,
02:47pagkarga,
02:48proseso ng refining,
02:49at kahit sa maging buwis at kita sa langis,
02:52dapat isumite ito ng mga kumpanya sa Department of Energy
02:56at nakikita rin ang publiko online.
02:59Ayon sa Senadora,
03:01hindi pwedeng hula-hula lang ang publiko sa presyo.
03:04Kung may dagdag singil,
03:06dapat malinaw ang basihan.
03:08Hindi anya ito price control.
03:10Daan lang ito para maiwasan ang pangaabuso
03:13sa mataas na presyo ng langis.
03:15Samantala,
03:16si Sen. Sherwin Gatchalia naman,
03:18pinuri ang naging hakbang ng administrasyon
03:20ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
03:23na makipagpulong sa mga Japanese company
03:25na interesadong magtayo ng electric vehicles sa bansa.
03:29Para naman palakasin pa ang interes
03:31ng paggamit ng EV
03:32at ang mga manufacturers nito,
03:35sana ay magkaroonan niya
03:36ng mas maraming insentibo
03:38tulad ng zero interest na loan
03:40sa mga bibili ng EV,
03:42exemption sa toll,
03:43at free driving lessons.
03:45Luisa Erispe,
03:47para sa Pambansang TV
03:48sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended