00:00Samantala, humigit kumulang 5,000 mangingisda na miyembro po ng isang grupo
00:04ang tumigil na raw sa kanilang hanap buhay dahil sa serya ng Mega Oil Price Hikes.
00:10May ulot on the spot si Darlene Kai. Darlene?
00:14Connie, nasa kalahati raw ng 10,000 miyembro ng Pangisda Pilipinas,
00:19isang grupo ng mga mangingisda ang tumigil na sa pagpalaot
00:22dahil sa sobrang bahal ng mga produktong petrolyo.
00:26Ayon kay Pablo Rosales, ang taga-pangulo ng Pangisda, humigit kumulang 5,000 miyembro nila sa buong bansa
00:32ang naghahanap na lang ng ibang pagkakakitaan dahil sa mahal na diesel at gasolina.
00:38Ang isang container halimbawa ng gasolina na dati ay P250 lang, ngayon umaabot na ng P500 to P600.
00:46Ang mga nagsusubok pa rin mga isda, wala na raw na iuuwing kita dahil kakaunti rin ang nahuhuli.
00:52Hindi kasi sila makalayo dahil nga sa kakaunting langis.
00:57Kaya yung mga mangingisda na nakausap namin sa Cavite City,
01:01kung hindi nangangalakal o nagbobote, nagtatricicle at construction na muna.
01:06Sabi pa ng iba, ibinibenta na raw nila ang kanilang mga bangka
01:10kaysa sa tuluyang masira at matuyo ang mga ito.
01:14Sana raw mabigyan din sila ng ayuda, sabi ni Rosales.
01:17Hanggang ngayon kasi, wala pa raw balita kung kailan sila makakatanggap ng assistance
01:22o kahit few o subsidy mula sa pamahalaan.
01:26Sinusubukan pa ng GMA News na kumuha ng karagdagang pahayag
01:30mula sa DA o Department of Agriculture at sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR.
01:36Pero sa pagdinig sa Senado kahapon,
01:39sinabi ng DA na nakikipagpulong na sila sa isang grupo o sa ilang grupo ng mga mangingisda.
01:44Para raw sa municipal fishing sector, maaari silang magbigay ng direktang financial assistance para sa langis.
01:52Para naman sa commercial sector, ang pinag-uusapan daw ngayon ay ang pagbibigay ng direktang subsidiya
01:58para sa kada kilo ng isda na mahuhuli.
02:01Pero sabi ng mga mangingisda ang nakausap ko sa Cavite City,
02:05sana raw ay bilisan na at makatanggap na sila ng ayuda.
02:10Yan ang latest mula rito sa Cavite. Balik sa iyo, Connie.
02:13Maraming salamat, Darlene Kai.
Comments