00:03Nasa $16 per barrel ang ibinaba ng presyo ng langis sa world market
00:07matapos i-anunsyo ang dalawang linggong ceasefire ng Amerika at Iran.
00:11Kaya lang, sabi mismo po ng Department of Energy at ilang eksperto,
00:16hindi ibig sabihin na agad bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo dito po sa Pilipinas.
00:22Balitang hatid ni Salima, Refran.
00:27Halos dalawang oras bago mapaso ang deadline ni U.S. President Donald Trump para salakayin ang Iran.
00:33Dila nakahinga na maluwag ang buong mundo nang i-post ng Pangulo ng Amerika ang mensaheng ito sa social media.
00:40Ayon kay Trump, pumayag siya na suspindihin ang pag-atake sa Iran sa loob ng talawang linggo.
00:46Nalampasan na raw nila ang mga military objective nila sa Iran
00:49at malayo na umano ang inusad ng kasunduan para sa pangmatagalang kapayapaan doon.
00:55Dagdag ni Trump, magagamit na basihan para sa negosasyon,
00:59ang anyay 10-point proposal ng Iran.
01:02Ititigil din nila ang kanilang mga operasyon.
01:04Sa loob ng dalawang linggo, ligtas na madadaanan ang Strait of Hormuz
01:08kung makikipag-ugnayan sa kanilang militar.
01:11Ayon sa Pakistan na nagsilbing tagapamagita ng mga pag-uusap,
01:15inimbitahan ang Amerika at Iran na mag-usap sa Islamabad sa biyernes para sa negosasyon.
01:20Para yung inaangkin ng Amerika at Iran na sila ang nanalo sa digmaan.
01:25Pero ayon sa Iranian National Security Council,
01:28hindi ibig sabihin ito na tapos na ang gera.
01:32Sa ulat ng Adjons France Press, wala pa rin daw tiwala ang Iran sa Amerika
01:36kahit sa pagpasok nito sa negosasyon sa biyernes.
01:39Tatanggapin lang daw ng Iran ang pangmatagalang tigil putukan
01:43kung makakamit ang mga kondisyon nito.
01:45Ayon sa Iran, kabilang sa 10-point proposal ang kontrol sa Strait of Hormuz.
01:50Pagtatapos ang gera laban sa Iran at mga kaalyado nito
01:53at pag-alis ng mga tropa ng Amerika sa lahat ng base sa rehyon.
01:58Gusto rin ng Iran na alisin ang mga sanksyon laban sa kanila,
02:02bayaran sila ng danyos at i-release ang kanilang frozen assets.
02:05Gusto rin nilang tanggapin ng Amerika ang kanilang enrichment ng uranium
02:10na ayon sa Amerika ay ginagamit ng Iran para gumawa ng nuclear weapon.
02:15Matatanda ang isa sa mga basihan ni Trump kaya inatake ang Iran
02:18ay dahil malapit na raw itong makabuo ng nuclear weapon,
02:22bagay na tinatanggi ng Iran.
02:24Sa panayam ng AFP, sabi ni Trump, saklaw ng anumang peace deal ang nuclear material.
02:30Hindi rin sinabi ni Trump kung itutuloy niya ang bantanyang wawasakin
02:34ang mga power plant at tulay sa Iran kung mapupurnada ang kasunduan.
02:39Kasunod ng anunsyong ceasefire, bumaba sa mahigit $93 per barrel
02:43ang presyo ng langis sa world market.
02:45Pero ayon sa isang dating energy secretary,
02:48baka matagal pa pagoy tumaramdaman sa mga gasolinahan sa Pilipinas.
02:53Even with hormones open, even if we declog the ships that are stuck and all that,
02:59you're still talking refinery capacity, you're still talking storage.
03:05So parang naimbudo eh.
03:07So you need time to be able to catch up.
03:09So it will take 30, 60, maybe even 90 days for the flows, the logistical flow to normal.
03:16Pag tumaras yan parang rocket, pero pag bumabak parang seder, dahan-dahan.
03:21Hindi rin tiya kung ibababa na ang singil para sa war risk premium sa mga barkong nagkakarga ng langis.
03:27Dagdag itong insurance para sa mga barkong daraan sa mga war zone.
03:31At isa sa nagpapataas ng presyo ng langis.
03:35Dati kasi bago nangyari ito, ang rates ng tinatawag nating war risk premium
03:42ay about 1 to 1.5%.
03:46Pero ngayon, tumataas ito sa mga between 5 to 7% doon sa buong halaga ng barko.
03:57So kung sakasakali, ang halaga ng barko ay naghalaga between 200 to 300 million US dollars.
04:08So ang magiging premium nila aabot ng between 5 to 7.5 million to about 15 million.
04:17Tingin din ni Energy Secretary Sharon Garin,
04:20posible pa rin ang pangambang aabot ang presyo ng petrolyo sa 200 pesos kada litro.
04:25Hindi pa kasi masasabing balik normal ng sitwasyon sa gitnang silangat.
04:30Marami rin oil production facility ang nasira.
04:33If the war stops today, will the 20% be able to deliver?
04:37I think it will take some months because most of the infrastructure, especially LNG, has been destroyed.
04:44And I think LNG in Qatar will take 5 years to fix.
04:47Bababa na daw kasi ang kakaroon ng si Spire.
04:50Pero hindi pa kagad na bababa dito sa Pilipinas.
04:54Sana pa, hindi ko po alam. Sana bababa.
04:58Matagal pa ang races na ito. Mas matindi pa ito sa pandiay mixer.
05:03Kaya wala na, siguro pag-asis itong bumaba.
05:05Nasa limampung araw ang fuel inventory ng bansa.
05:08Pero limitano ang kakayahan ng Pilipinas sa mag-imbak.
05:11Kaya hindi maaaring basta bumili na lang ng maraming langis para samantalahin ang tigil putuka.
05:17The government decided to purchase a lot for 2 million barrels.
05:232 million would be 10 days.
05:26So far, we have procured 1 million.
05:29We are slowly building that up because we don't have enough storage, Mr. Chair.
05:34We're only good for 60 days.
05:35On gasoline, we have 57.58 days.
05:39Diesel, 47.26.
05:43Sanima Refrain, nagbabalita para sa GMA News.
Comments