00:00Tinatayang higit siyam na milyong pisong halaga ng petroleum products na umano'y iligal na tinatago o binibenta sa Navotas
00:09City.
00:09Ang nadiskubre ng mga otoridad, siyam na individual arestado.
00:14Yan ang report ni Ryan Lesigues.
00:19Nagsasagawa ng anti-carnapping operation ang mga tauha ng PNP Highway Patrol Group sa Navotas City
00:25nang maispatan nila ang oil tanker na ito na gumagamit ng improvised plate.
00:30Dahil kahinahinala, sinundan nito ng mga operatiba papasok ng Navotas Fishport.
00:36Hanggang sa huminto ito sa bahagi ng Market 3, Pier 5, kung saan nakaabang na ang isang barko na naglalaman
00:43ng libu-libong litro ng produktong petrolyo.
00:46Ayon kay HPG Acting Director, Police Brigadier General Rommel Batangan, tinatayang nasa 60 hanggang 80,000 liters ng produktong petrolyo
00:56ang laman ng barge.
00:58Nagkakahalaga daw ito ng halos 10 milyong piso ng petroleum products.
01:02Ito pong lugar na ito, as per coordination natin dito sa maritime natin dito, hindi ito dapat ang lugar para
01:08mag-transfer ng mga petroleum products.
01:11Hindi ito intended. So from then, may violation na po sila.
01:14Ayon sa PNPHPG, paihi ang ginagawa ng mga sospek.
01:18Ibig sabihin, mula dito sa barkong ito, sinisip-sip nila yung krudo gamit yung mga makinang ito patungo dito sa
01:24oil tanker na ito at saka ay dididistribute sa iba't ibang bahagi ng bansa.
01:28Siyam na tripulante ng barko at driver ng oil tanker ang inaresto ng mga otoridad.
01:33Depensa naman ang isa sa mga naaresto, hindi niya alam na bawal ang kanilang ginagawa.
01:38Kwento niya, nakiusap lang siya na maka-extra sa trabaho para sana may pambili ng pang-araw-araw na pangangailangan.
01:46Pero sa kamalas-malasan, imbes na pera, posas ang tinanggap niya.
01:52Napag-utusan lang kami.
01:55Hindi ko naman alam na galon.
01:58Siyempre gusto lang pumita ng pera para ito paano meron makain.
02:04Ang siyam na sospek ay maharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1865 o Illegal Trading of Petroleum Products.
02:12We have already coordinated sa Department of Energy to determine kung locally manufactured or galing po sa labas itong petroleum
02:21products na karga ng barge.
02:24Hindi pa naman matukoy ng HPG kung sino ang may-ari ng barge at ng tanker.
02:29Inaalam pa rin ang mga operatiba kung saan nanggagaling ang langis at saan ito isinusupply.
02:35Ryan Lisigues para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments