Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta

For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:04Transcription by CastingWords
00:31Kinumpirma ng mga abogado ni Vice President Sara Duterte na naghahain sila ng Petition for Certurary and Prohibition sa Korte
00:39Suprema para pigilan ang impeachment proceedings laban sa bise sa House Committee on Justice.
00:45Pero giit nila, hindi ito nangangahulugang umiiwas ang bise sa proseso kundi nais lang daw nilang matiyak na naaayon ito
00:54sa konstitusyon.
00:55Natanggap na ng House Committee on Justice ang kopya ng petisyon.
00:59Dito, hiniling ng bise na maglabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order at kalaunan ng injunction para pigilang umusad
01:09ang dalawang impeachment complaints laban sa kanya.
01:13Unconstitutional daw kasi ang proceedings.
01:16Labag daw kasi ito sa one-year bar rule na nagbabawal sa pag-initiate ng mahigit isang impeachment complaint laban
01:24sa isang impeachable official sa loob ng isang taon.
01:28Ang una at pangalawang impeachment complaints daw ay inihain bago ang February 6, 2026 na siya raw pech ang sinabi
01:37ng Korte Suprema kung kailan pwede na ulit magsampan ang reklamo laban sa bise.
01:42Wala rin anilang tamang referral ng mga impeachment complaints sa komite.
01:48Nang isinantabi rin daw ng House Committee on Justice ang unang reklamo at inatras na mga complainant ang pangalawang reklamo,
01:57sabi ng kampo ng bise, hindi na dapat inaksyonan ang House Committee on Justice ang ikatlot-ikaapat na reklamo dahil
02:05pasok na raw ito sa one-year bar rule.
02:08Wala rin daw kapangyarihan ng komite na magsagawa ng mini-trial o hearing proper.
02:14Hiling ng depensa, ideklara ng Korte Suprema na void o walang visa at unconstitutional ang Section 7 at 8 ng
02:24Rules on Impeachment ng Kamara.
02:26Sa Section 7, nakasaad na kapag natukoy ng House Committee on Justice na may sufficient grounds ang impeachment complaints laban
02:35sa isang impeachable official,
02:37magsasagawa ito ng hearing kung saan may kapangyarihan ng komiting magpatawag na mga testigo at mangalap na mga ebidensya.
02:46Sa Section 8, nakasaad na maaaring bigyan ng Kamara ng proteksyon ang isang complainant o testigo sa impeachment proceedings.
02:56Binatikos ng ilang miyembro ng House Committee on Justice ang petisyon.
03:00Dapat daw itong ibasura ng Korte Suprema.
03:04Kabalbalan yan dahil nasa Constitution mismo yun.
03:08Na sinasabi na pagkatapos ng finding ng sufficient grounds ay mag-ihearing ang Committee on Justice.
03:18Nasa Constitution mismo yun.
03:20Paano'ng ke-questionin sa Korte Suprema ang Constitution mismo?
03:25So, kabalbalan talaga at dapat kagiyat na ibasura.
03:30Hindi totoo na wala ho nga valid referral kasi nakita ho ng publiko,
03:35nakita ho ng bayan na ang plenary po mismo ng Kongreso
03:38ang nag-refer sa House Justice Committee noong pong apat na impeachment complaints.
03:43Yung one-year bar rule, pangalawang panlilin lang na naman po sa mga kababayan po natin yun.
03:51Kasi una sa lahat, yung pong one-year bar rule, umira lang po yun.
03:56Pagkambu, meron na po nga referral mula sa plenary o papunta po sa House Committee on Justice.
04:02Ang House Committee on Justice tuloy lang sa trabaho.
04:06Hanggat walang temporary restraining order mula sa Korte Suprema,
04:10wala raw dahilan para hindi nila gawin ang kanilang mandato.
04:14Nagpalabas ang House Committee on Justice ng subpina
04:18kay Securities and Exchange Commission Chair,
04:21Atty. Francis Edrelin Lim,
04:23na pinahaharap sa April 14 hearing ng komite.
04:26Pinagsusumite rin siya ng mga dokumento ng sampung kumpanyang konektado umano sa BICE
04:32at sa asawa nitong si Atty. Manasse Scarpio.
04:36Sinampi na rin si Philippine Statistics Authority Undersecretary Claire Dennis Mapa
04:41at pinagsusumite ng original copies ng birth, marriage at death certificates
04:47ng mga inilista ng Office of the Vice President at ng DepEd na tumanggap ng confidential funds.
04:54Formal na rin sumulat ang komite kay Manila Regional Trial Court Presiding Judge
05:00Alma Crispina Colliado La Corte
05:02para payagang tumestigo sa hearing sa Kamara si Ramil Madriaga
05:07na nagpakilalang dating aid at umanibagma ng BICE.
05:11Si Madriaga ay kasalukuyang nakadetine dahil sa kasong kidnapping.
05:16Ang hiling ng komite pinagbigyan ng korte.
05:19Ramil Madriaga has been ordered to appear by the court itself.
05:24on the 14th, from 8 a.m. to 5 p.m.
05:28Ang Supreme Court, kinonsolidate ang mga petisyon ni Vice President Duterte
05:33at ni Atty. Israelito Torion at iba pang abogado.
05:37Inutusan din ng Korte Suprema ang House Justice Committee
05:41na sumagot sa mga petisyon sa loob ng sampung araw
05:45pero wala pang inilabas na TRO.
05:48Ito ang unang balita.
05:50Tina Panganiban Perez, GMA News.
Comments

Recommended