00:00Samantala, ligtas ang 162 pasehero kabilang na ang 8 crew sakay ng isang pampasaherong barko na sumadsad sa katibigan malapit
00:09sa Lubang Occidental, Mindoro.
00:11Alamin ang detali sa report ni Carlo Luis Candelaria.
00:18Mag-aalas 8 ng umaga noong April 5 nang sumadsad ang pampasaherong barko na MV Our Lady of Fatima 03,
00:26halos 700 metro mula sa pampang ng Lubang Island, Occidental, Mindoro.
00:30Sakay nito ang 162 pasahero at 8 crew na ayon kay Philippine Coast Guard Spokesperson Commodore Noemi Kayabyab ay ligtas
00:39na nasagip ng PCG sa tulong ng isa pang barko na MV Princess Christine II.
00:43Napansin po ng ating mga tauhan na bigla pong humito itong barko no.
00:48Kaya ang ginawa po natin ay nakipag-coordinate po tayo sa kapitan through radio communication.
00:53Tinawagan po natin sila at tinonfirm na po ng kapitan Sir Joshua na sumadsad sila dito sa area po ng
01:00Lubang.
01:02Actually malapit lang po sa May Tilikport.
01:04Wala namang nakitang oil spill o oil sheen sa paligid ng barko at magsasagawa rin ng underwater assessment para alamin
01:10kung may sira ang barko.
01:12At matapos nito ay hihintayin ang high tide upang ma-extract ang sumadsad na vessel.
01:17Dagdag pa ni Kayabyab, inirekomenda ng PCG sa Maritime Industry Authority o Marina na pansamantalang suspindihin ang Passenger Ship Safety
01:24Certificate ng barko habang nagpapatuloy ang investigasyon.
01:28Inaasahan din ng PCG ang maritime protest ng kapitan ng barko para alamin ang paliwanag sa naganap na aberya.
01:34Ako si Carlo Luis Candelaria para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments