00:00Isang panibagong mungkahi para sa agarang tigil putukan ang isinusulong ngayon sa gitna ng maigit limang linggo ng gera sa
00:06gitnang Silangan.
00:08Nagbigay rin si US President Donald Trump ng bagong deadline para makipagkasundo ang Iran.
00:14Saksi si Chino Gaston.
00:19Madaling araw kanina muling namataan ang mga missiles sa himpapawid ng Tel Aviv at iba pang bahagi ng Israel.
00:26Hanggang umaga, umalingang-ngaw ang mga sirena.
00:31Apat na bangkay ang narecover mula sa isang residential building na tinamaan ng Iranian missile kahapon sa lungsod ng Haifa.
00:40Tinamaan din ang airstrike nitong weekend ang isang oil refinery sa Bahrain.
00:45Ang Israel gumanti ng airstrike at nagbandang sisirain ang infrastruktura ng Iran at isa-isang pupuntiriyahin ang mga leader nito.
00:55Inako din ang Israel ang pagkakapatay sa pinuno ng intelligence organization ng Islamic Revolutionary Guard Corps ng Iran, bagay na
01:03kinumpirma ng state media nito.
01:06Mahigit limang linggo na ang gyerang napaulat na kumitil na mahigit limang libo sa Middle East at nagpasipa sa presyo
01:15ng langis sa iba't ibang panik ng mundo.
01:17Nagbabala si US President Donald Trump sa Iran bobombahin ang energy at transport infrastructure ng Iran kung hindi sila makikipagkasundo
01:27o bubuksan ang Strait of Hormuz sa Martes.
01:30Sa isa pang post, nagbigay siya ng eksaktong oras, alas 8 ng gabi Eastern Time o alas 8 ng umaga
01:37ng Merkules, oras sa Pilipinas.
01:40Ayon sa isang source ng Reuters, may isinusulong na plano para sa agarang tigil putukan na susundan ng mas malawak
01:47na negosasyon sa loob ng 15 hanggang 20 araw.
01:51Kausap daw ng Army Chief ng Pakistan, si na US Vice President J.D. Vance, Special Envoy Steve Witkoff at
01:59Iranian Foreign Minister Abbas Araqchi.
02:02Sa ilalim ng aniyay Islamabad Accord, magkakaroon ng pinal na pag-uusap sa kabisera ng Pakistan na Islamabad.
02:11Kasama sa posibleng maging kasunduan ang pangakong hindi gagawa ng nuclear weapon ng Iran kapalit ng pag-alis ng ilang
02:18sanctions at pag-release ng frozen assets.
02:21Ayon naman sa Foreign Ministry ng Iran, may mga demand at posisyon ng Iran batay sa interest nito at ipinarating
02:29ito sa pamamagitan ng mga intermediary.
02:32Dagdag nila, hindi akma ang negosasyon sa mga ultimatum at pagbabanta.
02:37Wala pang tugon ng Amerika sa mga napabalitang plano para sa ceasefire.
02:42Ayon sa Department of Migrant Workers, maraming OFW ang hindi makabalik sa Middle East dahil sa patuloy na bakbakan.
02:49Gumagawa pa tayo ng talaan in terms of kung sino yung mga hindi makapanumbalik.
02:53Galing din ako sa Middle East at meron talaga mga sektor na apektado, hospitality sector, transport, restaurants at pati construction
03:01nga eh.
03:02So sila muna inaabisuhan natin, huwag muna magpatuloy kung wala naman dadatnan na mga trabaho sa abroad.
03:11Meron din kasi mga pinapa-uwi.
03:13Isa sa mga tulong ng gobyerno ang bayanihan para sa balikbayang manggagawa na layong bigyan ng ayuda at tulungang magnegosyo
03:20ang mga hindi makaalis ng OFW.
03:24Ako si Chino Gaston, ang inyong saksi.
Comments