00:00The investigation was one of the NBI in the case of Malversation
00:06against Senator Bong Revilla.
00:09According to him, it was a complete flood control project
00:15even if there were a few steel bars that were in the location.
00:20It was a Maki Pulido.
00:25Sa bail hearing ni dating Sen. Bong Revilla at 6 na kapwa-akusadong nahaharap
00:31sa kasong Malversation, ipinakita ang video ng maputik na gilid ng ilog
00:36kung saan dapat nakatayo ang flood control project sa Pandi, Bulacan.
00:40Kuha ito noong September 2025 ng testigong si Atty. Ivan Samson
00:44ng NBI Bulacan District Office na nag-imbestiga sa diumanoy
00:49P92M Ghost Flood Control Project.
00:52Sabi ni Samson, tatlo hanggang apat na steel bar lang ang kanilang naabutan noon
00:56pero bago pa raw niya ito bisitahin, idineklara na ang proyekto na 95.17% completed
01:03noong April 29, 2025, tatlong linggo lamang matapos mabigyan ng notice to proceed ang proyekto.
01:10Ang sabi ni Atty. Samson, natuntun niya ang proyekto gamit ang geographic coordinates
01:15sa record ng Department of Public Works and Highways.
01:18Pero nilinaw rin ni Associate Justice Carl Miranda ang geographic coordinates
01:23dahil nang silipin daw ng korte ang coordinates gamit ang DPWH Transparency Portal
01:28nasa ibang lokasyon nito pero malapit lang sa ininspeksyong lugar ng NBI.
01:32Tanong ni Sandigan Bayan 3rd Division Associate Justice Ronald Moreno,
01:37magiging bahagi daw ba ng depensa ng mga akusado na ang kinunang proyekto
01:41hindi ang proyekto ang pinag-uusapan sa kaso?
01:44Ayon sa mga abogado ng depensa, hindi sila makasagot
01:47dahil magkaiba ang geographic coordinates ng video sa coordinates ng DPWH.
01:53Habang dinidinig ang kaso laban kay Revilla sa 3rd Division,
01:56nasa 5th Division naman si Sen. Jingoy Estrada.
02:00Iprinisinta niya ang sarili sa korte matapos makabalik
02:03mula Hong Kong, Japan at Macau nitong nakaraang linggo,
02:06biyaheng pinayagan ng korte.
02:08Naharap si Estrada sa 11 counts of graft,
02:11kaugnay ng diumanoy maanumaliang paggamit ng kanyang PDAF
02:14o Priority Development Assistance Fund nung termino niya
02:18nung 2004 hanggang 2010.
02:21Makipulido na katutok, 24 oras.
Comments