Skip to playerSkip to main content
Pumayag na ang Iran na dumaan sa Strait of Hormuz ang mga Philippine-flagged vessel pati ang mga barkong may dalang krudo para sa Pilipinas o may lulang Pinoy crew, pero hindi raw agad mararamdaman ang epekto niyan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pumayag na po ang Iran na dumaan sa Strait of Hormuz ang mga Philippine Flag Vessel,
00:05pati mga barkong may dalang krudo para sa Pilipinas o may lulang Pinoy crew.
00:10Pero hindi raw agad mararamdaman ang epekto niya.
00:13Nakatutok si Ivan Mayrina.
00:18Matapos makiusap ng Pilipinas, nagsabi ng Iran na papayagan itong dumaan sa Strait of Hormuz
00:23ang mga Philippine Flag Vessels, yung mga barkong nakarehistro sa Pilipinas
00:28o kinontrata ng mga Pilipino o kumpanyo sa Pilipinas.
00:31Pararaanin na rin ang Iran ng mga barkong may dalang krudo para sa bansa
00:35o may lulang mga Pilipinong tripulante.
00:37Sabi ng Malacanang, hindi naman daw nila nakikitang ang pakikipag-usap na ito ng Pilipinas sa Iran
00:42ay makakaapekto sa relasyon ng bansa sa Amerika bilang isang kaalyado at treaty partner.
00:47Wala po tayo nakikitang anong magiging issue sa ating kaibigan na bansa na US
00:54dahil alam naman po nila ang sitwasyon ngayon
00:57at hinahalintulad po ito sa pag-angkat po natin ng oil mula sa Russia.
01:02Pero kahit binuksan na ng Iran ang Strait of Hormuz sa Pilipinas,
01:06paglilino ng palasyo, hindi agad ito mararamdaman sa presya ng mga produktong petrolyo sa bansa.
01:10Ang sabi po ni Sekretary Sharon Garin ng DOE, ito po ay patungkol sa safe passage
01:16ng ating Philippine carriage, Philippine bound goods and Philippine crew.
01:24So hindi po pinag-uusapan dito ang halaga.
01:29Ang pinag-uusapan po dito ay yung patuloy na supply ng produktong petrolyo sa ating bansa.
01:36Inaasahan mga kadulot ng konting ginhawang, hinihintay na pagtatanggal o suspension ng excise tax.
01:426 na piso ang maaaring mawala sa diesel at 10 piso naman sa gasolina.
01:46Ina-assess po ang implication ng mga rising global oil prices at in-evaluate ang possible policy responses.
01:55Kasama na po rito ang measures on fuel excise taxes nito po nakaraang huliwig.
02:01Tandaan din po natin ang tax ay lifeblood of the government.
02:05So dapat natin balansihin po lahat.
02:07Sa isang pulong bukas, ilalatag ng Development Budget Coordination Committee o DBCC
02:11ang kanilang mga rekomendasyon sa Pangulo, kaugnay ng pagbaba o pagsuspindi ng excise tax sa langis.
02:18Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended