Skip to playerSkip to main content
Abril na naman, palapit na naman ang deadline para sa filing ng income tax return o ITR sa Bureau of Internal Revenue o BIR.


Pero sa totoo lang, all year round ang mga transaksyon doon na madalas matagal at kung minsan ay pabalik-balik pa.


Sinilip natin ‘yan sa pagpapatuloy ng ating special report kontra-Red Tape, dahil kung taga-BIR ka, dapat nagsisilbi ka. Bawal ang Red Tape!


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:13April
00:14April
00:15na naman!
00:15Palapit na naman ang deadline para sa
00:17Filing ng Income Tax Return
00:20o ITR
00:22sa Bureau of Internal Revenue
00:24o BIR
00:26Pero sa totoo lang
00:28All year round po ang mga transaction doon na madalas, matagal, at kung minsan ipabalik-balik pa.
00:37Sinilip natin yan sa pagpapatuloy ng ating special report kontra red tape.
00:43Dahil kung taga-BIR ka, dapat nagsisilbi ka.
00:50Bawal ang red tape.
00:53Nakatutok si Darlene Kai!
00:58Ang sabi nga, bukod sa kamatayan, may isa pang bagay na tiyak daw sa mundo.
01:04Yan ay ang pagbabayad ng buwis.
01:08Kapag namili ka, tuwing sweldo, nagre-legosyo, nagbenta ng ari-arian,
01:16kahit mga ari-ariang ipapamana sa iyong mga kaanak oras na ikaw ay mamatay, may babayarang tax.
01:22Pagdating sa usaping tax o buwis, ang Bureau of Internal Revenue, BIR, ang ahensyang namamahala rito.
01:29Noong 2025, mahigit 3 trilyong pwiso ang nakolektang buwis ng BIR.
01:35Ang buwis na yan ang ginagamit sa pagpapatakbo ng mga serbisyong pampubliko,
01:40mula sa edukasyon, mga ospital, infrastruktura, flood control, pati sahod ng mga namamahala at nagtatrabaho sa gobyerno.
01:48Sa mga RDO or Revenue District Office, nagsisimula yung proseso sa pagkuhan ng number dito.
01:54Dito pa lang ay idedetermine o malalaman na nila kung tama at kumpleto yung mga requirements at dokumentong hawak mo.
02:01Kapag may mali o kailangang i-correct o may kulang, kailangang bumalik ng taxpayer hanggang sa makumpleto nila ito.
02:08Sa ilang transaksyon, katulad ng transfer of business, kailangan mo nang dumaan sa iba't ibang counter
02:13para doon sa prosesong tinatawag na routing or verification of records.
02:18Dito, dapat ilang oras lang tapos na ang iyong transaksyon.
02:22Pero iba yan sa naranasan ni Angelita sa isang RDO dito sa Cavite.
02:26Sa pagkuhan ng tax identification number o TIN ID para makapagsimula sa trabaho,
02:31inabot siya ng apat na araw sa pagkumpleto ng requirements.
02:35Yan daw ay kahit nagpasa na siya ng requirements online.
02:39Pangapat na po ako, balik-balik dito po.
02:41Ha? Pangapat na? Bakit?
02:42Kasi po ma'am, mahirapan. Minsan nakakahabol ka, minsan hindi po.
02:47So, anong oras ka dumating dito?
02:49Eight po. Hindi natapos ako, I think, mga two na.
02:52Opo.
02:53So, six hours?
02:54Yes. Six hours ka po nakaupo dyan.
02:57Kailangan talaga pasipagan po ang PILA.
02:59Nakuha ko po yung PIN number, but online na naman ulit po para sa ID.
03:04Si Grace, pangalawang araw naman ang dumarayo para maayos ang verification at update ng TIN ang kanilang negosyo.
03:11Kasi, nung unang bumalik ka, kailangan mo pang i-comply yung ganito.
03:14Hindi na lang yung isahan na kung anong requirements na needed mo bago ka bumalik para dare-derecho sana.
03:20Sa isang RDO naman sa Batangas, nakilala namin si Nika.
03:24Hindi niya tunay na pangalan.
03:25Pang-apat na araw na rin niyang tinatrabaho ang business registration ng kanilang sari-sari store.
03:31Silubukan daw niya ito gawin online, pero hindi niya ma-access ang portal nang hindi updated ang kanyang mga detalye.
03:36Kaya personal pa rin siyang nagpunta.
03:39The first time I came to BIR, I came in late.
03:43So, nakapasok naman ako kaya lang nag-cut off na.
03:45So, I was told to come back.
03:47So, the next time that I came back, so medyo maaga na ako.
03:52And then, kaso naman, after 30 minutes, nag-offline yung system.
03:58So, we were told to walang kasiguruhan how long it would take.
04:02So, I decided to leave.
04:05Pagbalik kinabukasan, sinabihan siyang kulang ang dala niyang requirements.
04:09Sa pang-apat na araw, nakuha na niya ang business registration.
04:13Yun nga lang, sa pabalik-balik ko, it could have been done in a day.
04:18Kaso, ilang beses akong pauli-uli just to get it.
04:22Sa inilabas na listahan ng Anti-Red Tape Authority,
04:25lumalabas na pangatlo ang Bureau of Internal Revenue
04:28sa top 10 most complained government agencies sa bansa.
04:33Sa 336 na complaints na natanggap ng BIR-59 dito
04:37ang nasa jurisdiction ng ARTA o ARTA-related,
04:40kung saan top violations ang hindi pagproseso sa tamang oras,
04:44mga kasong kailangang sumailalim sa policy or regulatory review,
04:47at ang hindi pag-asikaso sa mga aplikante sa loob ng oras ng trabaho.
04:54Sa pananaw ni Raymond Aguilar, chairman ng PCCIO,
04:57Philippine Chamber of Commerce and Industry,
04:59may lugar pa para mapasimple ang mga proseso ng BIR.
05:03Sometimes you have to go through so many channels.
05:05Trying to solve what issues they have is very complex.
05:09The requirements for all the documents is not easy.
05:12And it disrupts your day-to-day operations.
05:15One of the issues with BIR is the redundant requirement of documents after documents.
05:21Whenever there is red tape, whenever there are delays,
05:26there is room for corruption.
05:29Diba?
05:29Pabilisan natin ito.
05:32Ayon sa BIR, bilang nagseserbisyo sa milyon-milyong taxpayer sa bansa,
05:37kinikilala nila na may mga pagkakataong hindi naaabot ang inaasahang antas ng servisyo.
05:42Nakikita raw ang feedback mula sa ARTA para matukoy ang kakulangan at mapahusay ang karanasan ng mga taxpayer.
05:47Sabi nila, sa 336 na reklamo laban sa BIR, 330 dito ang naresolba,
05:53patunay ng pagsisikap ng ahensya na agarang matugunan ng mga problema.
05:57Sa mga pangunahing concerns na lumabas sa ARTA report,
05:59ito raw ang mga bagay na kanilang pinagtutuunan ng pansin
06:02sa paglunsad ng BIR Dares Reform Agenda noong January 2026.
06:07Kabilang ang 27 ongoing digitization initiatives ng ahensya.
06:14Hindi naman namin tinatanggi na talagang may mga pagkakataon na down yung ORUS
06:18o yung online registration and update system.
06:21And priority ho natin yan, ini-enhance ho natin yan para maiwasan nga
06:25yung mga times na down siya sa system.
06:27So yun naman ho talaga ang ultimate goal na as much as possible,
06:31kung maaari 100% na ng BIR processes ay digital na,
06:35hindi wala ng face-to-face interactions para maiwasan nga yung
06:41yung corruption.
06:43Patuloy din nilang tinitignan kung paano pa mapapagaan at mapapasimple ang sistema.
06:48Tulad ng pagbabawas ng mga dokumento,
06:51paglilimita sa isang letter of authority lang
06:53ang posibleng matanggap kada taxable year
06:56at ang pagpapalaganap pa ng taxpayer education.
07:00Dagdag pa ng BIR,
07:01handa rin silang tumulong sa tatlong taxpayer na nabanggit sa ulat na ito
07:04upang ma-review ang kanilang mga kaso at matugunan ang kanilang mga hinain.
07:08Hopefully with the reforms that we are doing,
07:10may pauunawa namin sa mga taxpayers na sana mabago ang kanilang perception.
07:14Una, makita nila ang BIR na katuwang nila sa pagpapaunlad ng ating bayan
07:20at maunawaan nila ang pagbabayad ng buwis ay hindi dapat i-consider na burden,
07:24kundi isang source of pride,
07:26isang contribution na ipagmamalaki nila sa nation building.
07:30Ang buwis ay mula sa dugot pawis ng bawat Pilipino.
07:34Kaya responsibilidad ng gobyernong iparamdam sa atin ang say-saya talaga ng pinaghirapan natin.
07:40Mula sa pagkulekta hanggang sa paggamit ng bawat piso.
07:45Darlene Kay, nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended