Skip to playerSkip to main content
Bahagyang nagkatensyon sa bilihan ng P20/kg na bigas sa Quezon City.


May mga maaga kasing pumila para makamura pero naghintay ng matagal dahil inuna ang mga naka-online appointment.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bahagyang nagkatensyon sa bilihan ng 20 pesos kada kilo na bigas sa Quezon City.
00:05May mga maaga kasing pumila para makamura pero naghintay ng matagal dahil inuna ang mga naka-online appointment.
00:14May paalala po ang Agriculture Department sa pagtutok ni Ian Cruz.
00:20Anong oras na kami? Mga unang lahat? Anong sinyong kapilahan?
00:25Tumakas ang emosyon sa pila ng mga mag-walk-in para sa 20 bigas sa tapat ng Bureau of Animal
00:31Industry ng Department of Agriculture sa Quezon City kanina.
00:35Ang iba sa kanila, alauna o alas dos pa ng madaling araw dumating sa lugar.
00:39Napuna nilang may mas mabilis na nakakapasok sa compound ng ba'y.
00:44Sila pala, yung mga may online appointment ay sa isa sa mga marshals sa pila na taga Food Terminal Incorporated.
00:51Hindi sila nagkulang sa pasabi sa publiko na mas mainam ang magpa-online appointment.
00:56Meron pong post po sa Kadiwa, sa Facebook page po ng Kadiwa.
01:01Mga last week pa po yun.
01:02Na kailangan mag-online na?
01:04Opo, opo. Kailangan po magpa-online appointment na.
01:07Nakasaad sa post sa Kadiwa noong April 4 na simula April 6, ipatutupad na ang appointment system.
01:14Inihiling din nila na iwasan ang pagpila ng sobrang aga.
01:18Kanina, nasa limandaan ang may online appointment, kabilang ang senior citizen na si Nelia Galan.
01:24Nakafollow po kasi ako sa Kadiwa tapos inopen ko lang po yung link. Kaya gano'n po.
01:30Malaking tulong. Kung hindi ito nakakatulong, hindi dagsa-dagsa ang tao sa kamahalan ng bigas ngayon.
01:36Pero para mapagbigyan na rin, ang ibang nasa pila, limandaang taong pinayagan kahit walk-in.
01:42Isa sa kanila, ang 72 anyo sa si Mila Bailes na alauna ng madaling araw pumila.
01:48Wala namang po kaming magagawa dahil napakamahal ng bigas. Kaya nagtsatsaga na lang kami.
01:53Para sa aming may edad na, napakahirap talaga yun. Katulad ko may sakit, may mga sakit ako.
01:58Napipilitan ako dahil syempre kailangan dahil napakamahal ng bigas.
02:02Bukod sa mga may online appointment at mga pinayagang mag-walk-in, may ilan pang hindi napagbilhan kanina.
02:09Pero inilista sila para payagang makabili bukas.
02:13Sabi ng Department of Agriculture, nasa isang libong slot ang pwedeng makabili ng murang bigas sa bawat araw sa outlet
02:20ng benteng bigas sa ba'y.
02:22Paglilinaw ng DA, may online appointment man o wala, basta kabilang sa mga benepisyaryo makabili ng benteng bigas.
02:30Pero mas mainam kung may appointment.
02:33Pwede parehas. Pwede silang pumila. Pero huwag na silang pumila noong gabi.
02:39Ma-accommodate naman sila doon sa umaga para hindi kailangan nila matulog doon.
02:44Basta nabigyan sila ng number, i-respeto naman yun doon sa ating pagbilihan.
02:53Ang benteng bigas, nakalaan sa mga benepisyaryo ng 4Ps, PWDs, senior citizens, solo parents, magsasaka, mangingisda at POV drivers.
03:0510 kilos lang kada araw kada benepisyaryo at 30 kilos naman sa loob ng isang buwan.
03:11Ayon sa DA, nananatiling matatagang supply at presyo ng bigas sa bansa.
03:15Ang regular milled rice nasa 35 to 45 pesos kada kilo.
03:20Ang well milled rice kumaabot sa 40 to 48 pesos per kilo.
03:25At ang premium rice nasa 50 to 60 pesos per kilo.
03:30Pero may inaasahan kaya ang taas presyo sa gitna ng panibagong mega oil price hike bukas?
03:35I cannot say that. Siguro kung magtaas, hindi na ganun kalaki.
03:39Dahil hindi naman, kumbaga yun lang naman yung dahilan ng cost eh.
03:44Yung ating nabibili ngayon.
03:46Ian Cruz, Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended