00:00Aabot sa higit 21 milyong pisong halaga ng mga hinihinalang droga ang nasabat ng mga otoridad sa isang inbound passenger
00:09sa NIA Terminal 1 sa Pasay City.
00:13Ayon sa Bureau of Customs NIA, naharang nitong biyernes ang nasa 62 taong gulang na pasahero na nagmula sa Kuala
00:21Lumpur, Malaysia.
00:23Napansin kasi sa X-ray operator ng paliparan ang kahinahinalang laman ng kanyang mga bagahe.
00:29Sa sinagawang manual inspection, nadiskubre ang ilang pakete ng puting kristal na itinago sa backpack at mga handbag kung saan
00:39nadiskubre ang humigit kumulang 3,120 grams ng hinihinalang shabu.
00:45Agad na inaresto ang suspect at sasampahan siya ng kaso sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
00:53Samantala, tiniyak ng mga otoridad ang patuloy na paghihigpit sa seguridad sa mga paliparan upang mapigilan ang pagpasok ng iligal
01:03na droga at maprotektahan ang kaligtasan ng publiko.
Comments