Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:01Kapapasok lang po na malita niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang Davao Occidental.
00:07Ayo sa PHIVOX, nangyari yan, 6.34 ngayong gabi.
00:11Naitala ang sentro ng pagyanig sa dagat, 59 kilometers southeast ng Sarangani Island sa Davao Occidental.
00:17Random ito sa General Santos City sa lakas sa Intensity 3.
00:21May mga naiulat ding pagyanig sa Cotabato, Sarangani, Sultan Kondarat, South Cotabato at Davao City.
00:28Ayon sa P-Vox, posible ang Aftershocks.
00:33Naguunahan ngayon ang Amerika at Iran para hanapin na isang US pilot na nawawala
00:37matapos pabagsakin ng Iran ang sinasakyan nitong US fighter jet.
00:42Yan at iba pang pinakahuling kaganapan sa nagpapatuloy na gera sa Middle East
00:47sa pagtutok ni JP Soriano.
00:53Dumagundong ang pagsabog sa West Iran sa Iran nitong Webes Santo.
00:57Wasak sa pag-atake ng Amerika at Israel ang B-1 Bridge,
01:00ang tulay na itinatayo pa lang para pagbuktongin ang Tehran
01:03at ang ika-apat na pinakamalaking lungsod sa Iran na Karaj.
01:07Labintatlo na ang naitalang patay.
01:10Di ba baba sa siyam na po ang sugatan?
01:12Sa ulat ng state media ng Iran, may mga sibilyang nadamay.
01:16Ayon sa isang opisyal ng Iran, hindi pa nabubuksan ang tulay
01:19na para sa mga sibilyan at walang kaugnayan umano sa military operation.
01:23Pero ipinagbalaki ni US President Donald Trump sa social media
01:27ang pagpapasabog sa tulay.
01:29Nagbantarin siyang sunod na titirahin ng iba pang tulay at power plant sa Iran.
01:34Giit naman ng foreign minister ng Iran,
01:37hindi sila patitinag at ang pag-atake sa mga infrastruktura nila
01:40ay senyalis ng pagkatalo at moral collapse ng kaaway.
01:45Kasunod niyan, isang fighter jet ng Amerika ang tinamaan ng Iranian missile
01:49at pinaniniwala ang bumagsak sa teritoryo ng Iran.
01:52Nasa gipna ng US military ang isa sa dalawang sakay ng crew member nito.
01:57Pareho namang hinahanap ng Amerika at Iran ang isa pa.
02:00Natamaan pa ng Iranian strikes ang dalawang US Black Hawk helicopters
02:04na nagsasagawa ng search and rescue operation.
02:08Inanunsyo naman sa Iran ang pagalok ng pabuya ng gobyerno
02:11sa sino mang makakahuli ng buhay sa anilay kalabang piloto.
02:15Sa parehong araw, inanunsyo din ang Iran na napabagsak din nila sa Strait of Hormuz
02:20ang isa pang fighter jet ng Amerika.
02:22Ayon sa American media, nasagip ang piloto na tanging sakay nito.
02:27Sa uling tala ng International Federation of Red Cross at Red Crescent Societies,
02:32maygit isan libo at siyam naraan na ang nasawi
02:34at nasa 20,000 na ang sukatan sa gyera sa Middle East na nagsimula noong February 28.
02:41Sa gitna nito, iniulat ng mga local media ng Amerika at Iran
02:44na hindi sumang-ayon ang Iran sa 48-hour ceasefire na alok ng Amerika.
02:49Ayon sa American media, opisyal na umanong sinabi ng Iran sa mga namamagitang bansa
02:53na hindi na sila makikipag-usap sa mga opisyal ng Amerika sa mga susunod na araw
02:59dahil hindi umanong katanggap-tanggap ang hinihingi ng Amerika sa kanila.
03:03J.P. Soriano, nakatutok 24 oras.
03:09Naiinita na ba ang lahat?
03:11Tara, let's beat the heat sa ilog ng Bitbit sa North Sagaray, Bulacan.
03:15Pasyal tayo sa aking pagtutok.
03:19Gaya ng mga nagdaang Semana Santa, muling dinarayo ngayon ang Bitbit River sa North Sagaray, Bulacan.
03:27Dalawang oras lang ito mula sa Quezon City.
03:30Tanggal daw ang pagod sa malamig na tubig nito.
03:34Pati sa magandang view ng bundok at mga puno.
03:37At pasok sa budget.
03:39Kaya dito ang punta ng mga nais makatipid sa kanilang pasyal sa mahal na araw ngayong mahal ang petrolyo.
03:48Yung family kasi namin nagpaplano pang Batanga, sabi namin medyo malayo.
03:54Yung gas, medyo talagang sobr-aray.
03:57Siguro dito na tayo siya medyo malapit.
03:59Ang pamilyang ito na may labing walong niyembro.
04:038,000 pesos ang gastos mula sa pag-arkila ng jeep, pagkain, entrance at parking.
04:10Bakit dito nyo napili?
04:12Eh, medyo budget meal.
04:16Kasi pag swimming pool medyo ano eh.
04:18O medyo mal.
04:20Mahina rin ang cellphone signal.
04:22Kaya nakakapag-disconnect sila at nakakakonect sa kalikasan.
04:27Ah, ito na po yun. Opo. Kasi diba bukas back to work na naman po.
04:33Bago tuluyang mag-enjoy sa paliligo dito sa ilog, may ilang babala ang lokal na pamahalaan.
04:38Bag-ingat daw sa bigla ang pagtaas ng tubig, lalo na kung bagong ulan lang at dahil mabato ang ilog.
04:43Bawal daw magharutan dito.
04:45Bawal diba?
04:46Okay.
04:49Bawal dito ang pag-dive mula sa malaking bato at pagpunta sa malalalim na bahagi ng ilog.
04:55Para mapanatili naman ang peace and order, bawal din ang inuman at pagbidioke.
05:01Maraming tanod sa entrance para mag-assist.
05:05May roving police at mga tanod sa lugar, pati lifeguards, first aid personnel at ambulansya kung kailanganin.
05:13Ay talaga pong buhos po ang mga tao po rito.
05:16Kaya po talaga po doble po ang aming pong siguridad.
05:19Pakiusap din ng lokal na pamahalaan.
05:22Clean as you go.
05:24Bitbitin ang mga basura palabas para mapanatili ang linis at malaparaisong ganda ng Bitbit River.
05:32O, saan tayo sa susunod na pasyal o food trip?
05:36I-share nyo na sa 24 Horas Weekend page ang inyong travel and food adventures.
05:51Thankful at more careful na raw ngayon si Sparkle Artist Taya Astley na nagpapagaling matapos madisgrasya bago ang kanyang solo
05:58show noong nakaraang linggo.
05:59Sa social media posts, ibinahagi ng The Clash Season 2 First Runner Up na nadula siya sa kanyang banyo noong
06:06madaling araw ng March 27.
06:08Anya, tumama ang kanyang ulo sa lababo at nawala ng malay.
06:11Dahil dito, nagkaroon ng malaking sugat na kinailangang tahiin ng doktor.
06:16Bagamat pinayuhang manatili sa ospital para maobserbahan,
06:20pinili raw ni Thea na umuwi at nagdesisyong ituloy ang kanyang solo show kinagabihan.
06:25Nagpasalamat siya sa pag-alalay sa kanya, ng Sparkle at ng buong production team.
06:30Dagdag pa niya, hindi planado ang pagsusuot niya ng wig na may bangs.
06:34Improvised daw ito dahil inahit ang bahagi ng kanyang buhok nang gamutin ang kanyang sugat sa ospital.
Comments

Recommended