00:00Kaka-renovate pa lang pero bumagsak na agad ang Kisame sa bahagi ng Naya Terminal 1.
00:08Ito ang sugatan dyan. Nakatutok live si Rampi Pima.
00:12Traffic?
00:16Mel, nananatiling normal ang operasyon sa Maya arrival area nitong Naya Terminal 1
00:20matapos ngayong aksidente kanina kung saan bumagsak ang isang bahagi ng Kisame
00:24katabi ng isang restaurant dito sa Naya 1.
00:31Mag-aalas 11 kaninang umaga ng magkagulo sa West Arrival Curve Area C
00:34sa Naya Terminal 1 Arrival Extension Area na bagong renovate nito lang Pebrero.
00:39Bumagsak kasi ang bahagi ng Kisame katabi ng isang restaurant.
00:42May upuan paman din sa ilalim ng bumagsak na Kisame at may mga pasahero naghihintay ng kanilang sundo.
00:48Ang isang lalaki na kaputi kitang hawak ang kanyang ulo habang papalayo sa bumagsak na Kisame.
00:53Ayon sa report na nakarating sa Department of Transportation, ito ang sugatan sa insidente.
00:58Agad namang itinakbo sa ospital ang mga nasugatan.
01:02Inutusan na rin daw ng DOTR ang Manila International Airport Authority o MIAA
01:06na makipagugnayan sa New Naya Infra Corporation o NNIC,
01:10ang pribadong operator ng Naya, para agad imbistigahan ang insidente.
01:14Sa isang pahayag, sinabi ng NNIC na nasa stable na kondisyon na ang mga nasugatan.
01:19Nang puntahan namin ang bumagsak na Kisame kanina,
01:22inabutan namin ang ilang kawinan ng NNIC na nag-inspeksyon sa lugar.
01:26Ayon sa NNIC, ligtas na pinangyarihan ng insidente para ipagpatuloy ang normal na operasyon sa lugar.
01:32Nilagyan na lang ng kordon ang mismong pinagbagsakan ng Kisame.
01:41Tiniyak din Mel ng NNIC na patuloy silang magbibigay ng tulong sa mga naaksidente
01:45dito nga sa pagbagsak ng Kisame kanina.
01:48At hindi rin doon naapektuhan yung overall na operasyon nitong Naya Terminal 1 dahil sa insidente.
01:54Yan ang latest muli dito sa Naya 1. Mel?
01:57Maraming salamat sa iyo, Rafi Kima.
Comments