00:00Tinututukan daw ng Department of Energy ang ilang renewable energy projects,
00:05gayon din ang iba pang mapagkukunan ng supply ng produktong petrolyo.
00:09Nadagdagan daw man kasi ang inventaryo ng petrolyo sa bansa, napakamahal pa rin ang presyo nito.
00:15May unang balita, si Rafi Tima.
00:19Higpitan pa lalo ang sinturon dahil hindi pa tapos ang taas presyo ng produktong petrolyo.
00:24Ang diesel, tataas ng 12 pesos and 50 centavos kada litro, kaya maglalaro na sa 109 hanggang 144 pesos ang
00:32litro ng diesel.
00:332 pesos and 50 centavos naman ang itataas ng presyo ng gasolina, habang 2 pesos sa kerosene.
00:39Bagamat hindi pa rin pumipreno ang taas presyo, nadagdagan naman daw ang inventaryo ng bansa, ayon sa Department of Energy.
00:46Dumating na kasi ang 142,000 na bariles ng diesel sa bansa, katumbas ng 22.58 milyon na litro.
00:52Bahagi ito ng 1.04 milyon bariles ng diesel na nakuha ng pamanaan na inaasang darating sa mga susunod na
00:59linggo.
01:00Galing ang mga ito sa Malaysia, Singapore, India at Oman.
01:04The country's total expected available day supply across all types increased from 45 days to 50.94 days.
01:15So ito na yung average natin.
01:16Sa kabila nito, pakiusap ng DOE, magtipid pa rin sa krudo at kuryente dahil wala pa rin nakakaalam kung hanggang
01:23kailan ang krisis na dulot ng gulo sa gitlang silangan.
01:26As a country, this is our major appeal to our fellow Filipinos, that we support each other, sama-sama tayo,
01:34and let's try to be, to magtipid tayo sa electricity and fuel.
01:39Pero ang challenge nga po, paano natin ito papaabutin sa ating mga barangay, lalong-lalo na sa isla, lalong-lalo
01:48na sa kabundukan.
01:49Bukod sa patuloy na paghahanap ng mapagkukunan ng krudo, pinamamadali na rin daw ng DOE ang ilang renewable energy projects.
01:56Ito ang unang balita. Rafi Tima, GMA News.
Comments