00:00Sa Batangasport naman, hindi na kailangang mag-chance passenger o mag-baka sakaling pumunta roon kung wala namang tiyak na
00:09biyahe.
00:10E alamay natin kung bakit sa pagtutok ni Bam Alegre.
00:14Bam?
00:17Melo ni Santo, unang araw ng testra ng ORAS o ng Online Registration Assistance System dito yan sa Batangasport.
00:25Sa tulong nito, yung mga pasahero, malalaman na nila online kung meron bang biyahe para sa kanila.
00:32Sa pag-inspeksyon ng Philippine Ports Authority sa Batangasport kaninang umaga,
00:37naabutan ng mga otoridad na may kumpol ng mga pasahero sa pantalan habang kainitan ng araw.
00:43Pila ito para sa ORAS o Online Registration Assistance System.
00:47Teknolohiya na nag-test run ngayon sa Batangas at Lucenaport.
00:50Kapag wala pang tiket ang pasahero, kailangan nilang iscan ang QR code ng ORAS
00:55para malaman kung ano-ano mga biyahe ang available.
00:58Pwede itong gawin in advance bago pumunta ng pantalan.
01:01Pero para sa mga pasaherong walang online access, may help desk na maaaring lapitan.
01:06At dahil maalinsangan sa labas ng pantalan, pinalipat na ng PPA ang pila sa loob ng Batangasport.
01:12Kailangan magkaroon ng kasiguruhan.
01:16Ang mga kababayan nating sumasakay, sigurado kung anong barko ang sasakyan nila,
01:21sigurado kung anong petsa, sigurado kung anong oras,
01:25at sigurado makakarating sila sa kanilang destinasyon.
01:28Ayon sa Philippine Ports Authority, sa parehong panahon noong nakaraang taon,
01:32Lunes Santo, ay nasa 24,000 to 25,000 daw yung mga pasahero dito sa Batangasport.
01:37Pero ngayon taon, sa kanilang estimate, nasa 17,000 to 19,000 na lamang daw.
01:4210% daw ang nabawas.
01:44Ina-anticipate natin na medyo babagal yung turnover ng mga pasahero
01:51kasi nagbawas yung mga ibang shipping lines natin ng mga biyahe.
01:57Ang report sa atin, may mga shipping lines din na bumagal ang biyahe
02:01dahil medyo nagtitipid yata sa crew doon.
02:04Kung ang estudyanteng si Anton ang tatanungin,
02:07hindi na sana siya babiyahe papuntang Kalapan Oriental, Mindoro.
02:10Nagmahal na kasi ang pamasahe sa barko,
02:13pero mas mahal niya ang kanyang mga kaanak dito na miss na miss na raw niya.
02:17Sa barko naman po, dating 400 lang.
02:20Ngayon 480 na nabawas din po kasi sarili kong pera.
02:25Kaya medyo malaki din po yung kaltas.
02:27Gusto ko po makita yung aking pamangkin.
02:30Nakulayan naman ang dating drawing na outing ni Naram sa group chat.
02:34Ngayong papunta na silang Puerto Galera.
02:36Patunayan nila na ang mga biglaang lakad tulad nito,
02:39yung talaga ang natutuloy.
02:41Masaya, medyo nagka-close po kami kahit nagka-plastikan lang po.
02:45Okay naman po kasi yung pamasahe medyo pasok naman sa budget kahit pa paano.
02:50Kahit nakahal din tsaka tumataas yung presyo ng gas.
02:58Mel, dito sa pantalan, makikita ninyo sa ating likuran.
03:01Ito yung mga health desk para sa mga pasahero na walang online access
03:05para magamit pa rin nila ang oras.
03:07Ito ang live ng sitwasyon mula rito sa Batangasport.
03:09Bam Alegre, nakatutok 24 oras.
03:13Maraming salamat sa iyo, Bam Alegre.
Comments