Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Update tayo sa investigation sa pananambang sa mga polis sa Sheriff Aguac Maguindanao del Sur.
00:04May ulat on the spot si Chino Gaston.
00:08Chino, Rafi samantala pinag-aaralan na ng pamunuan ng PNP ang pagbibigay ng posthumus awards sa mga nasawing polis.
00:18Rafi, tukoy na ng PNP ang local terrorist group na umano'y na sa likod ng pananambang sa isang polis
00:24patrol sa Sheriff Aguac Maguindanao nitong March 28.
00:27Limang polis ang nasawi habang tatlo ang sugatan sa atake ng grupong ayaw pangalanan pa sa ngayon ng PNP.
00:34Batay sa investigasyon ng PNP galing sa isang checkpoint operation, ang grupo na lulan ang kanilang patrol vehicle at pabalik
00:41na sana ng provincial office nang paputukan sila ng tinatayang sampung miyembro ng local terrorist group.
00:48Lima agad ang namatay sa unang bugso ng pag-atake. Nakalaban pa ang mga sugatang polis at nakahingi agad ng
00:54saklolo mula sa mga kasamahan.
00:55Pero bago makarating ang mga reinforcement, nakatakas na ang mga salarin.
01:00Isa sa mga motibong tinitingnan sa pag-atake ang matagumpay na operasyon ng PNP at AFP laban sa Daula Islamia
01:07at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters noong October 2025.
01:11Base sa mga nakarangulat, October 2025 na huli ng AFP at PNP ang isang kilalang leader ng grupo.
01:18May limang bomb makers din ang grupo ang nag-surrender sa mga otoridad noong nakarang taon.
01:22Initingnan din kung may pananagutan ang PNP Provincial Director na napabayaang walang police detachment sa lugar na napakadilim tuwing gamit.
01:32Samantala, Rafi, pinag-aaralan na ng pamunuan ng Philippine National Police ang paggagawad ng posthumus awards para sa mga nasawing
01:40police officers.
01:42At yan ang latest mula rito sa Campo Crame. Balik sa inyo, Rafi.
01:45Maraming salamat, Chino Gaston.
Comments

Recommended