00:01.
00:01Patuloy ang pag-arangkada ng Department of Social Welfare and Development
00:04para sa ikaapat na araw ng pamamahagi ng cash relief assistance sa mga PUB drivers.
00:10Ngayong araw kasi ang ikalawang araw ng pamamahagi ng 5,000 piso ng cash aid
00:15para sa ating mga kababayang delivery rider.
00:17Dito sa Quezon Memorial Circle, target na maabot ngayong araw ang mga rider
00:21na ang apelido ay nagsisimula sa letrang J hanggang R.
00:25Abala sa pagbisita si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa mga itinalagang payout hubs
00:31para masiguro na maayos at mabilis ang daloy ng serbisyo para sa masa.
00:36Kahapon ay nakipagpulong din siya sa ilang mga TNCs
00:39para linawin kung bakit kulang ang initial list ng mga TNVS drivers na inaabot sa kanila.
00:45Layunin ang kalihim na makonsulta at maagap na alamin
00:48ang anumang problema ang kinahaharap ng mga beneficaryo sa aktwal na proseso.
00:53Isa sa mga maagang pumila ay ang estudyanteng si June Ray
00:56na pinagsasabay ang pag-aaral at pagde-deliver para makapagtapos.
01:20Malaking tulong daw sa kaniya ang natanggap niyang cash aid.
01:23Tulong po siya ng malaki po kasi sa taas nga po ng gas po ngayon
01:28kasi nagpagas po pagabi, umabot po siya 9.93 po per liter po.
01:32And then, yun po, malaking bagay po siya kasi yung pero po na
01:37imbis na pang take home ko na po siya, yung assistance po ngayon,
01:42napang papagas po na po siya ngayon.
01:43Sa ilalim ng mekanismo ng kagawaran,
01:46kailangan lamang ipresenta ang original driver's license
01:49at isang photocopy nito sa verification desk
01:52para agad makuha ang ayuda.
01:54Pero, paano kung wala ang iyong pangalan sa official na master list?
01:58Ito ang pinakamadalas na katanungan ng ilang mga PUV drivers
02:01na pumunta rito sa Quezon Memorial Circle.
02:04Ayon sa LTFRB at DSWD, may nakalaang special payout schedule ang kagawaran
02:10para sa mga PUV drivers na hindi pa kabilang sa kasalukuyang listahan.
02:15Para naman sa veteranong rider tulad ni Jeronico,
02:18na halos isang dekada na sa kalsada,
02:20damang-dama ang bigat sa pagtaas ng presyo ng krudo
02:23sa kanilang pang-araw-araw na kita.
02:25Kaya nakahinga siya ng maluwag ng malamang kabilang siya
02:28sa tatanggap ng 5,000 mula sa DSWD.
02:31Malaki po kasi siguro mga 10 o 15 days na
02:37ang mapupunan niya na araw sa paggagas namin.
02:44Pinapayuhan ng mga driver at PUV riders
02:47na makipag-ugnayan sa kanilang mga asosasyon
02:49o tumawag sa LTFRB hotline na 1342 para sa validation.
02:54Sinisiguro naman ang pamahalaan
02:56na walang maiiwan na kwalipikadong transport worker
02:59sa gitanang hamon sa presyo ng produktong petrolyo.
03:03Hindi rin nagpahuli ang misis na si Marjorie
03:05na matyagang naghintay sa kanyang asawa
03:07para masigurong may iuwing cash assistance
03:10na ilalaan nilang mag-asawa na pang gasolina.
03:25Pagtitiyak ng DSWD patuloy ang kanilang pagbabantay
03:28para masigurong ang proseso ng cash relief distribution
03:31ay mabilis at tunay na naaabot ang masa.
03:34Elijah Canlas mula sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.