Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Mga rider na walang suot na helmet, naka-chinelas at expired na ang rehistro ng motosiklo,
00:05ang kabilang po sa apat na pong natin kitaan sa Quezon City kagabi.
00:10Balitang hatid ni Jamie Sandoz.
00:15Sunod-sunod na pinara ng mga polis ang mga motorista sa Pituazon Boulevard sa Quezon City kagabi.
00:21Bahagi ito ng Pride of Police Women for Road Safety, Integrity, Discipline and Efficient Enforcement
00:27ng Oplan Sita at Oplan Bandilyo ng Quezon City Police District o QCPD.
00:33Kombinasyon ito ng Checkpoint Operation at Information Drive para tiyakin ang kaligtasan sa kalsada.
00:39Sa bahagi ng 18th Street, ilang motorcycle rider ang pinara para i-check kung may sapat na lisensya at rehistro
00:46ang kanilang mga sasakyan.
00:48Isang babaeng rider ang nasita dahil sa expired na rehistro ng kanyang motosiklo, tinikitan siya.
00:54Hindi siya nagbigay ng pahayag.
00:55Dalawang lalaking rider din ang nahuli dahil nakatsinelas ang isa, walang suot na helmet.
01:01Sa 15th Avenue, may mga nahuli rin iba't ibang paglabag, kabilang isang walang plaka.
01:07Isang taxi na nag-left turn sa bawal na lugar at dalawang rider na kapwa walang helmet at nakatsinelas.
01:13Sa ano bang violation mo siya?
01:14Ah, no plate number.
01:16Bakit po wala pong plate?
01:18Ah, di ba po napapagawa?
01:20Isang sasakyan ng barangay sa Pasig hindi rin nakalusot matapos mahuling dumaan sa one-way na kalsada.
01:25Actually, double purpose po ito eh. To ensure na safe yung ating mga travelers, safe yung ating mga commuters.
01:34At the same time po, nakakapagpatupad tayo ng maigpit na traffic and road safety rules po dito sa Quezon City.
01:43Marami po tayo nahulin. Kulang-kulang 40 po yung ating nahuli.
01:47Ayon sa polisya, bahagi ito ng pinaiting na kampanya para sa road safety sa Metro Manila.
01:53Kapansin-pansin din na mga policewomen ang nanguna sa operasyon sa ilalim ng pride program.
01:59Kung napansin niyo po, majority talaga babae. Kasi po, dito sa QCPD po, meron kaming tinawag na pride.
02:06Ang concept po nito ay, ang frontliners po natin ay mga kababae yan.
02:12In comparison po sa mga lalaki na naninita, mas lighter po yung nagiging environment pag yung babae ang naninita.
02:20Kasi po, mas kumakalman, wala pong masyadong confrontation na nangyayari.
02:28At kadalasan po ay napapasunod ng gusto yung ating mga drivers.
02:35Paalala ng polisya sa mga motorista, siguraduhin maayos ang kondisyon ng sasakyan,
02:41kumpleto ang dokumento at sumunod sa batas trapiko para makaiwas sa aksidente.
02:46Jamie Santos, nagbabalita para sa Jimmy Integrated News.
Comments

Recommended