00:00Nabawasan ang mga babiyaheng bus sa Semana Santa dahil sa Mega Oil Price Hike
00:04ayon sa pamunuan ng Paranaque Integrated Terminal Exchange.
00:08Maging ang mga pasaherong maagang bumiyahe, problemado rin sa taas ng pamasahe.
00:12Ang mainit na balita hatid ni Bea Finlac.
00:18Ilang araw bago ang Semana Santa, bumiyahe para makauwi sa Bulacan si Bernadette.
00:24Mas magaan daw kasi ang biyahe kapag hindi nakikipagsiksikan,
00:27lalo na't kasama niya ang dalawa niyang anak.
00:30Pag nakikipagsabayan kami sa may mismong Semana Santa,
00:32mga maraming tao, mas mahirap bumiyahe, lalo na may dalawa kong kids na kasama.
00:37Mas magaan man ang biyahe, talagang hindi raw matatakasan
00:41ang bigat sa bulsang dulot ng taas pasahe sa mga bus ngayon.
00:45Wala namang kaming choice. Mas nabawasan po yung namin kumpara noon na.
00:49Parang every week pag pupunta kami sa Bulacan, hindi ka tulad nung tumaas na, bihira na lang.
00:55Ang ilang motorista, pasahero raw muna ngayong mag-holy week
01:00para makatipid sa petrolyo bukod pa raw sa umiinit ng panahon.
01:04Nagbumotor lang kami dapat. Kaso sabi namin masyadong mainit pagkaan na nagmotor.
01:10Kaya mag-commute na lang kami.
01:13Eh mahirap na, magpakahirap sa terminal drive, di ba?
01:16Mas sulit din daw ang gasto sa biyahe kung isasabay na sa huli week
01:21ang iba pang plano ng pamilya, gaya ng pagdiriwang ng birthday at graduation.
01:26Sama na kasi ng graduation ng mga bata para diretso na.
01:29Para iiwas doon sa mga dami ng mga pasahe.
01:33Ngayon lang to, talagang inanalang namin, pinagandaan lang namin to araw na to.
01:37Ayon sa pamunuan ng PITX, nabawasan ang mga babyaheng bus ngayon
01:42dahil sa walang prenong taas presyo sa petrolyo.
01:46Handa naman daw ang ilang bus operator na magdagdag ng biyahe kung kakailanganin,
01:51lalo na ngayong Semana Santa.
01:53Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments