Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga Igan, planuhin na ang biyahe kung uuwi ng probinsya para sa Semana Santa
00:04bukod sa tumaas na pamasahe.
00:07Nabawasan daw ang inaasahan babiyahing bus sa PITX.
00:11Live mula sa Paranaque, may una balita si Bea Pinlak.
00:16Bea?
00:20Igan, hindi pa ganun karami ang mga pasahero rito sa Paranaque Integrated Terminal Exchange
00:25pero may pailan-ilan na babiyahin na raw ngayong umaga
00:29sa pahuwi ng kanilang probinsya para makaiwas sa inaasahang dagsa ng mga pasahero sa Semana Santa.
00:37Milyon-milyong pasahero ang inaasahan sa PITX ngayong Semana Santa
00:41pero ayon sa pamunuan ng PITX, mas kaunting bus ang babiyahe dahil sa paglobo ng presyo ng petrolyo.
00:49Nagtaas na rin ang presyo ng tiket ng bus kaya mas mabigat sa bulsa ng ilang pasaherong nakausap natin.
00:55Sabi nila, titiisin daw muna nila ang taas presyo dahil makabuluhan naman ang dahilan ng biyahe nila.
01:01Sasagarin na lang daw nila ang Holy Week Break para mas sulit ang bayad nila sa tiket.
01:07May iba na pwede naman daw sanang magmaneho pa uwi ng probinsya
01:10pero mas wise daw sa budget na sumakay na lang ng bus para hindi na kailangan magpakarga pa ng petrolyo.
01:19Igan, tiniyak naman ang pamunuan ng PITX na kung sakaling kulangin ang biyahe ngayong Semana Santa,
01:25handa naman daw magdagdag ang mga bus operator.
01:28Yan muna ang latest mula rito sa Paranaque.
01:31Bea Pinlak para sa GMA Integrated News.
01:34Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat
01:41sa ating bansa.
Comments

Recommended