00:00Pagbayad ng Danyos para sa pinsalang tinamo ng Iran sa kaguluhan sa Middle East.
00:06Yan at iba pang kondisyon ang hinihingi kung nais daw ng Amerika na wakasan ang gera.
00:12Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:1726 na araw na ang palitan ng atake ng Iran at Aaliyans ng Israel-America na sinimulan ng huli noong
00:25February 28.
00:27Pero wala pa rin malinaw na negosasyon para tuldo ka ng krisis.
00:31Si US President Donald Trump ang ilang beses nagsabing may dayalogo sa pagitan ng dalawang bansa.
00:38Nagpadala pa ang Amerika ng 15-point proposal o panukala sa Iran,
00:43kabilang ang paghinto ng Iran sa ballistic missile program nito.
00:46Idinaan ang panukala sa Pakistan bilang intermediary.
00:50Nauna ng pinabulaanan ng Iran na nakikipagdayalogo sila sa Amerika.
00:54Sabay sabing sarili lang ang kausap ng US.
00:58At ang 15-point proposal ng US, hindi tinanggap ng Iran.
01:02Sabay latag ng sariling kondisyon para tuluyang matuldo ka ng gera.
01:06Yan ang pagtigil sa agresyo ng kanilang kalaban.
01:10Pagtitiyak na hindi na mauulit ang gera.
01:12Bayad sa pinsala nito.
01:14Pagtigil sa kahit anong gera kabilang ang mga resistance group.
01:18At pagkilala sa soberenya ng Iran sa Strait of Hormuz.
01:21Sa ngayon, wala pang tugon ang Amerika sa mga kondisyong ito ng Iran.
01:26Tuloy rin ang mga pag-atake gaya ng missile attack sa Abu Dhabi na ikinasawi ng dalawang individual.
01:32Samantala, sinabi ng ila sa United Nations Security Council na maaring makatawid sa Strait of Hormuz
01:38ang non-hostile vessels basta't makikipag-ugnayan ito sa otoridad ng Iran.
01:45Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok 24 Horas.
Comments