00:00Samantala, tuluyan na ang pinagtibay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:06ang panukalang ilipat ang petsa ng BARM parliamentary elections.
00:10Yan ang una ni Clazel Fordelia.
00:13Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:17ang batas na nagtatakda ng bagong petsa ng halalan
00:21sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARM.
00:25Sa Bizarang Republic Act No. 12317,
00:28inilipat ang unang regular na eleksyon sa darating na Setiembre ngayong taon
00:35sa susunod naman na botohan.
00:37Isasabay na ito sa national at local elections
00:40at isasagawa tuwing ikalawang lunes ng Mayo simula 2031 kada tatlong taon.
00:48Kaya ang maluluklok sa Setiembre magsisilbi ng limang taon
00:53mula October 30, 2026 hanggang June 30, 2031
00:58Sa ngayon, pansamantala munang pinahaba ang transition period
01:03at mananatili sa pwesto ang Interim Bangsamoro Transition Authority
01:08habang hindi pa nakakapaghalal ng mga bagong opisyal.
01:12Inatasan naman ang Commission on Elections o COMELEC
01:15na pangunahan ang eleksyon sa Setiembre
01:18alinsunod sa Bangsamoro Electoral Code, National at Organic Law.
01:23Gagawin ito sa pamamagitan ng automated election system
01:27na ginamit noong May 2025.
01:30Ilalabas ng COMELEC ang bagong schedule ng pagkahain ng kandidatura
01:34at iba pang panuntunan kaugnay sa botohan sa BAR.
01:38Sasagutin din ang komisyon ang mga gastusin sa eleksyon
01:41pero maaari ring magbigay ng dagdag pondo
01:44ang Bangsamoro Government.
01:46Ito na ang ikaapat na beses na nauroong ang BARM eleksyon.
01:51Matatandaang noong Enero,
01:52ipinagpaliban ito ng COMELEC
01:54dahil sa mga legal at operasyonal na issue.
01:57Kalei Zalpardilia para sa Pambansang TV
02:02sa Bagong Pilipinas.
Comments