00:00Samantala, inaasahang mas bibilis pa ang pagtugon ng probinsya ng Cotabato
00:04at makalapit na probinsya laban sa banta ng mga nakahahawang sakit.
00:09Ito ay dahil sa bagong isolation building ng Cotabato Regional and Medical Center.
00:15Silipin yan sa Sentro ng Balita ni Leanne Bolongon ng PIA Soxarjet.
00:23Mas handa na ngayon ang Cotabato Regional and Medical Center o CRMC sa lungsod ng Cotabato
00:29na mag-isolate at magbigay ng lunas sa mga pasyenteng may nakakahawang sakit.
00:34Ito ay matapos buksan ang bagong emerging and re-emerging infectious diseases
00:39o e-read isolation building ng ospital.
00:42Itinatag ang pasilidad upang palakasin ang kakayahan ng ospital sa pagtugon sa health emergencies,
00:48lalo na sa banta ng outbreak ng mga lubhang nakakahawang sakit.
00:52Itong inaugurate natin na isolation facility ay donation ng World Bank.
00:59Yung mga nakakahawang sakit, dito natin sila ilalagay para maprotectahan natin yung ibang mga pasyente at mga watcher.
01:08Ito ay magiging smart isolation facility.
01:13Ang bagong pasilidad ay may limang bed capacity na nilagyan ng makabagong teknolohiyang medikal at mayroong specialized ventilation systems.
01:21From the learnings from what we had sa pandemic na kailangan continuous yung ating pagiging vigilant with the infectious diseases.
01:31So this is our way of helping or manage emerging and re-emerging diseases.
01:38Inaasahang magsisilbing frontline defense ang bagong pasilidad sa pamamahala ng mga pasyenteng may mga nakakahawang sakit,
01:45na lalo pang magpapatibay sa papel ng CRMC bilang referral hospital sa Bangsa Moro Region at mga karating probinsya.
01:54Mula rito sa Cotabato City Barm para sa Integrated State Media,
01:59Leon Bolongon ng Philippine Information Agency, Soxargen.
Comments