00:00Umarangkada ngayong Webes ang tigilpasada ng ilang transport groups bilang protesta sa sunod-sunod na mega oil price hike.
00:08May libre sa kayang gobyerno sa ilang lugar para sa mga apektadong pasahero.
00:12Mayulat on the spot si Joseph Moro.
00:14Joseph!
00:18Rafi Conny, tuloy-tuloy nga itong ginagawang unang araw, una sa dalawang araw na transport strike tigilpasada ng ilang mga
00:26transport group,
00:27katulad na lamang ng grupong Manibela, dahil sa walang habas at walang patid na pagtaas ng presyo ng mga produktong
00:34petrolyo na nakaka-apekto na sa kanilang kita.
00:37Dito sa may nagtahan sa Maynila ay nangalampag ang grupo ng mga motorista at sa pamahalaan para ibaba ang presyo
00:44ng produktong petrolyo.
00:46Nanawagan ng grupo sa mga dumaraan dito sa mga mga motorista na bumusina bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa mga
00:53inilalaban nilang mga hinaing.
00:54Dito sumasakay yung maraming mga commuter dito sa bahagin ito ng Maynila kaya nahirapan yung ilan na makahanap ng mga
01:02sasakyan
01:03dahil hindi bumiyahe yung mga biyahing nandito sa terminal.
01:06Pero nag-deploy ang nang-ilan truck, ang lokal na pamahalaan ng Maynila para sa libreng sakay at may ilan
01:13na kinuha ito.
01:14Sumabay kami sa isang libreng sakay na truck at napansin natin na bagaman may mga stranded na mga pasahero,
01:21ay hindi naman sila ganoon kadami. Ang mga sumakay ng mga pasahero kailangan maghintay na mapunan muna yung libreng sakay.
01:30Pero hindi naman nila ito inaalintana.
01:33Nanawagan ang grupong manibela sa gobyerno, particular kay Pangulong Bongbong Marcos na agad na suspindihin
01:41yung excise tax matapos ang pirmahan kahapon, ang batas para sa emergency powers na yan.
01:47Hinihiling din ng grupo sa pamahalaan na ipatupad na yung sinuspinding piso hanggang dalawang piso sana
01:54na dagdag na pamasahe sa kanila dahil hindi daw sapat yung palimalimang libo na ayuda ng DSWD sa kanila.
02:02Narito ang pahayag ni ang Pangulo ng Manibela na si Mar Valbuena at ni Jean Genares, isa doon sa mga
02:09naapektohang commuter.
02:13Tahapon narinig natin na itong pagpirman ng excise tax na masuspindi ay malaking bagay pero ang tanong kailan ito ipatutupad.
02:25Sana maintindihan ng ating Pangulo ang mataas na presyo na hindi regulated ang nagpapahirap sa mamamayang Pilipino.
02:36Sana po pakinggan din sila kasi paano naman po kaming mga minimum wage earner kung mangihingi sila ng konting dagdag.
02:43Paano naman po yung ibang tao na konti lang din po yung pamasahe.
02:49Joseph, kamusta yung initial assessment ng Manibela? Naging matagumpay ba itong kanilang natigil pasada?
02:57Sa assessment nila ay naging matagumpay naman sila sa pagsasagawa noong kanilang mga kilis protesta ngayong umaga.
03:06At kahit naman dun sa resepsyo ng ilang mga motorista ay kapag dumadaan sila dito,
03:11kahit yung mga ordinaryong mga nakasakay sa mga kotse, lalo na dun sa mga motor,
03:16ay bumubusin na sila pagpapakita na kahit sila ay nararamdaman yung ipinapanawagan nitong Manibela
03:22na kahit naman lahat naman tayo ay umaaray na doon sa patuloy pa rin na pagtaas ng presyo ng produktong
03:28petrolyo.
03:2821 strike centers yan at maraming nga dyan sa Metro Manila, raki, tuloy ng nasabi ko kanina.
03:34Maraming salamat, Joseph Morong.
03:38Ngayong may tigilpasada ang ilang transport groups kontra oil price hike,
03:42pahirap ang makasakay ang mga commuters sa ilang bahagi ng Metro Manila.
03:45Sa Pasig, naipon ang mga pasahero sa gilid ng kalsada dahil halos walang masakyan.
03:50Ayon sa ilang nakausap ng GMA Integrated News, late na sila sa trabaho.
03:55Meron din ibang sumabit na sa pintuan ng jeep para makaalis.
03:59Naipon din ang mga pasahero sa Dr. Santos Avenue sa Paranaque dahil kakaunti ang mga bumiyahing jeep.
04:04Ang iba na pinitang sumakay sa UV Express o kaya mag-book ng motorcycle taxi kahit mas mahal ang pamasahe.
04:14Sirius Pindin ng Energy Regulatory Commission ang operasyon ng Wholesale Electricity Spot Market o WESM sa Pilipinas.
04:22Kasunod po yan ang deklarasyon ng Pangulo ng State of National Energy Emergency sa gitna ng epekto ng gulo sa
04:29Middle East.
04:29Sa WESM nagbibenta ng kuryente ang mga power plant at doon din bumibili ng kuryente ang mga power utility companies
04:37at electric cooperatives sa buong bansa.
04:39Ayon sa ERC, ngayong suspendido ang WESM, tatakbo ang power system ng bansa sa ilalim ng Special Operating Guidelines ng
04:48Department of Energy
04:50na pinaprioridad ang maayos na paglalabas ng available na renewable energy resources at pagtitipid sa inventaryo ng langis.
05:00Ipatutupad naman ang ERC ang isang pricing mechanism kung saan posibleng maitatakdang presyo
05:07o may kontroladong presyo sa pagbili ng kuryente mula sa iba't ibang uri ng power plant.
05:13Lain po nitong maiwasan ang lubhang pagtaas ng singil sa kuryente at matiyak ang supply nito.
05:19Kaninang pasado hating gabi, naging efektibo ang suspensyon at mananatili hanggat maglabas ng bagong desisyon ang ERC.
05:30Matapos magdeklara ng State of National Emergency,
05:33pinirmahan na rin ni Pangulong Bongbong Marcos ang batas na magbibigay sa Pangulo ng Emergency Powers
05:38para suspindihin o bawasan ng excise tax sa langis.
05:41Balita ng atin ni Ivan Mayrina.
05:47Pirmado na ni Pangulong Bongbong Marcos ang batas na magbibigay sa kanya ng kapangirihan para suspindihin o bawasan ng excise
05:54tax sa langis.
05:55Inaasama ang tutulong ito, lalo't tatlong ligon ang nakalululang takas presyo sa mga produktong petrolyo dahil sa mag-iisang buwan
06:02ng kisigalo sa Middle East.
06:04Pinatayang nasa lima hanggang sampung piso kada litro ang posibleng mabawas sa kalintanggalin ng excise tax.
06:11Nauna na rin nagdeklara ang Pangulo ng State of National Energy Emergency na efektibo ng isang taon.
06:16Sa presidential address, idiniin ang Pangulo na ang problema ay partikular lamang sa presyo at supply sa sektor ng enerhiya
06:22at hindi pang kalahat ang problema sa bansa.
06:25Binibigyan nito ang ating pamahalaan ang mga kapangyarihan kumilos ng mas mabilis bumili ng langis ng hindi na kailangan na
06:36dumaan pa sa matagal na proseso
06:38at pagsamahin ang lahat ng ahensya sa isang direksyon.
06:45Those are the authorities and the powers that we might need in the future and we would like to have
06:55available to us.
06:56Maari nang makialam ang pamahalaan sa supply at presyo ng kuryente para hindi ito masyadong magmahal.
07:04Dahil that's the authority that the EO in its declaration of an energy emergency provides the executive.
07:17Ang nagbabadya raw ng malaking problema ay kapag umabot sa kritikal ang supply ng langis.
07:21Sa Executive Order 110, tinukoy ang Department of Energy Act of 1992 kung saan maring ideklara ng Pangulo
07:28na kritikal na o nanganganib ng supply ng enerhiya at maari ito magpatupad ng Fuel and Energy Allocation Plan.
07:35Sa nasabing batas, nakasaada sa ganitong panahon, maari magpatupad ng Fuel and Energy Allocation Plan
07:41at iba pang hakbang gaya ng pagrelasyon ng fuel at iba pa.
07:46Inilatag sa EO ang tinawag na Uplift o ang Unified Package para sa Kamuhayan, Industria, Pagkain at Transportasyon.
07:53Binuo rin ang Uplift Committee na pangungunahan ng Pangulo.
07:57Imamonitor nito ang galaw at pamahagi ng supply ng petrolyo, pagkain, agri-products at iba pang pangon na himpangailangan.
08:04Pati mga serbisyo tulad ng transportasyon, utilities tulad ng kuryente at tubig-ripo at serbisyong pangkalusugan.
08:12Bubuo rin ang kumite na mga pamatagalang solusyon para bawasan ang konsumo ng petrolyo.
08:17Pinapayagan din ang EO na bumili ng lang isang DOE at Philippine National Oil Company.
08:22Ang Budget Department ang magahanap ng mapagkukuna ng pondo kung kailangan at ang pagtitiyak na tama ang paggamit ito.
08:28Ayon sa Department of Energy, nasa 45 days na lang ang supply sa diesel at hanggang 60 days sa gasolina.
08:35We can be confident that after the 45 days we will still have already arrived here in the Philippines, we
08:42will have already a flow of oil.
08:45Right now, I'm very confident in saying that we have sufficient supply, we will continue to source those supplies and
08:55I do not think that there is a problem.
08:59Oo nga at may supply pero kakayanin ba ang presyo? Lalo't ngayon pa lang, hirap na hirap na ang maraming
09:06Pilipino.
09:07Pagtitiyak ng Pangulo, lahat ng mga mungkahi para tugunan ng problema ay maingat ang pinag-aaralan.
09:13Dahil sa Oil Deregulation Law, hindi kontrolado ng pamahalan ng presyo ng mga produktong petrolyo.
09:18Pwede i-takeover ng gobyerong oil companies kapag i-deklarang isang national emergency.
09:23Pero nang tanongin ng Pangulo kung isa ito sa mga pinag-aaralan, ang sagot niya.
09:26We don't want to get into that disposal.
09:30Tingin naman ng ilang senador, tila nahuli ang pagbuo ng Crisis Committee para sa State of National Energy Emergency.
09:37It's a little bit too late kasi isang buwan na.
09:40Dapat ito, nung umpisa pa lang, nagkaroon tayong Crisis Committee.
09:45Nung nagkakaproblema na sa supply ng fuel, dapat may mga concrete plans and concrete actions.
09:52Walang national contingency plan after 25 days.
09:58Baka nga raw dapat, national emergency ay diniklara, ayon kay Senador Bam Aquino.
10:03Kung energy lang daw kasi, baka anya hindi kasama ang price control sa mga pangon na himpangailangan.
10:09Naniniwala rin ang ilang senador na dapat idamay sa mabibigyan ng ayuda ang middle class.
10:13Sila talaga yung, ano rin, madalas tinatamaan kung ano yung pwede nating maibigay na mga extended assistance.
10:25Tanong ni Senador Amy Marcos, hanggang ayuda na lang ba ang kayang gawin na hindi naman anya pang matagalang solusyon
10:32at pinagkakakitaan pa?
10:34Ilang senador na nagsulong ng supplemental budget na magagamit sa ayuda.
10:38P52 billion pesos ay tinutulog ni Senador Arisa Ontivero sa kanyang panukala.
10:43Pinag-iisipan naman ni Senador Loren Legarda na maghain ang bagong bayan ni Hanlo para raw magamit ng gobyerno sa
10:50pagtugon sa krisis.
10:51Ayon pa kay Sen. President Tito Soto, tutugon ng mga mababatas sakali magpatawag ng special session ng Pangulo para magpasa
10:59ng batas kawaday sa krisis sa langis.
11:01Ivan Mayri na nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:06Ito ang GMA Regional TV News.
11:12Tatlong magkakaanak sa Kawayanos bate ang patay dahil umano sa kinain puffer fish o butete.
11:18Ay sa Bureau of Precision and Aquatic Resources Region 5, aksidenteng nalambat na isang mangingisda sa lugar ang butete.
11:24Itatapon daw sana niya ito dahil alam niyang nakakalason.
11:29Pero, hiningiraw ito ng mga biktima at niluto.
11:33Matapos kainin ang mag-asawa at kanilang pamangkin, nagsuka at namanhid daw ang katawan nila hanggang sila'y bawian na
11:40nga ng buhay.
11:41Ayon sa B4RB call, kabilang ang mga yan sa sintomas ng puffer fish poisoning, dulot po ng taglay nitong tetrodotoxin.
11:51May ganyang lason din ang mga goby fish at yung tinatawag na bia o mulog.
11:57May iba't ibang uri ng species ng puffer fish o kilala sa local name na butete o tikong.
12:03Sa ibang bansa, kinakain po ang ilang uri nito matapos ang metikulosong paglilinis at pagluto ng mga eksperto.
12:09Paalala po ng B4R, walang lunas o antidote sa lasong tetrodotoxin at hindi ito natatanggal kahit pa linisin at lutuin
12:20ang isda.
12:21Dito po sa Pilipinas, pinagbabawal sa batas ang pagbibenta, pamamahagi at pagkonsumo ng butete.
Comments