00:00Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang send-off ng halos 300 doktor na idedeploy sa iba't ibang komunidad
00:07sa ilalim ng Doctors to the Barrios Program.
00:10Yan ang ulat ni Kenneth Kyle Paciente.
00:15Sa layuning mapalawig pa ang access sa healthcare, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang send-off ceremony
00:22ng nasa 290 physicians na ipadadala sa mga komunidad sa iba't ibang bahagi ng bansa.
00:28Sila ang mga nagsipagtapos sa ilalim ng Doctors to the Barrios o DTTB program ng pamahalaan, ayon sa Pangulo.
00:36Napapanahon ang deployment ng mga doktor, lalo't hamon pa rin sa ilang lugar, ang access sa healthcare.
00:58Where every decision that you make carries real weight and makes a real difference in people's lives.
01:06Maraming komunidad pa rin ang umaasa sa iisang doktor sa kabila ng dami ng taong nangangailangan ng servisyo medikal.
01:14Ang ilan sa ating mga kababayan, kailangan pang bumiyahe ng ilang oras kahit may sakit na sila.
01:23Gagasto sila ng malaki para sa pamasahe at mag-aantay ng matagal para makapagkonsulto lamang ng manggagamot.
01:30Ilan sa mga positibong epekto ng DTTB program ay ang pagpapalakas ng local health system,
01:37pagpapadali ng access sa mga doktor at gamot,
01:40at pagtugon sa mga pangunahing pangangailangang pangkalusugan tulad ng nutrisyon, sakit at maternal care.
01:47Paghihimok ng Pangulo sa kanila,
01:49tiyaking mararamdaman ng mga Pilipino sa malalayong lugar,
01:52ang atensyong medikal na kanilang kinakailangan.
01:55Hindi sapat na may doktor lamang sa isang lugar.
01:59Mahalaga rin matayak ang tuloy-tuloy at madaling maabot na servisyo na naibibigay sa ating mga kababayan.
02:08More than just delivering health care,
02:10you're being deployed to help ensure that our people,
02:13especially those in the GIDAS, receive the services that they need.
02:19For every Filipino, the goal is not just relief,
02:23but the health system that continues to serve them in the years to come.
02:29Muli namang tiniyak ng Pangulo ang pagsuporta ng pamahalaan sa mga health care worker
02:34sa pamamagitan ng pagpapalakas ng National Health Workforce Support System.
02:38We will invest in your training, in your safety, and your well-being
02:44so that you might be able to continue to serve with excellence,
02:49to heal with care, and to lead with compassion.
02:52Nagsimula ang DTTB program noong 1993
02:55at nito lamang 2025, matagumpay ng nakumpleto
02:59ang pagtatalaga ng mga doktor sa lahat ng munisipalidad sa buong Pilipinas.
03:05Kenneth Pasyente
03:06Para sa Pambansang TV
03:08Sa Bagong Pilipinas
03:11tEd mga doktor sa pra sot
03:11at nito lamang
03:11A palavra mga doktor sa ti
Comments