00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:05Patay ang isang senior citizen na lalaki matapos masunog ang kanilang bahay sa Kayapa, Nueva Vizcaya.
00:12Ayon sa Bureau of Fire Protection, Kayapa, nasunog ang panggatong na mga kahoy na nasa kusina ng bahay.
00:19Nang mapansin iyon ng misis ng biktima, agad niyang inilikas palabas ang kanyang mister na natutulog doon.
00:26Pero gumapang pabalik ng bahay ang lalaki para kunin ang mga personal niya ang gamit.
00:31Doon na siya nakulong at nasawi.
00:34Ayon sa mga otoridad, natagalan ang pagresponde sa sunog dahil liblib ang lugar.
00:39Halos dalawang oras ang biyahe mula sa bayan at wala silang malapit na kapitbahay.
00:44Walang pahayag ang misis ng biktima.
Comments