00:00I'm going to go to DPWH, Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara
00:05sa kasong malversation laban kay dating Congressman Saldico
00:08at iba pa kaugnay sa flood control project na Sanauhan, Oriental Mindoro.
00:13Pinayagan ng sandigan bay na tumestigo si Alcantara
00:15dahil konektado ang kanyang testimonya sa ugnayan
00:18ni Kosa Sanwest Incorporated na gumawa sa proyekto.
00:22May unang balita si Maki Pulido.
00:27Isinalang ng prosekusyon bilang state witness
00:30ang dating DPWH, Bulacan 1st District Engineer na si Henry Alcantara
00:35para tumestigo sa kasong malversation
00:38kaugnay ng maanumalya umanong proyekto sa Nauhan, Oriental, Mindoro.
00:42Sabi ng prosekusyon, ito ay para patunayan
00:44na si dating Congressman Saldico pa rin
00:47ang may-ari ng Sanwest Construction,
00:49ang construction company ng 289 million peso road dike
00:53kahit sinabi na nitong hindi na siya bahagi
00:56ng itinatag niyang kumpanya.
00:58Isa si Ko sa akusado sa kaso
01:00kasama ang mga dating opisyal ng DPWH Mimaropa
01:04at mga opisyal ng Sanwest Construction.
01:07Ayon sa prosekusyon, iniharap nila si Alcantara
01:10dahil gusto nilang ipakitang magkakilala
01:12si na Alcantara at Ko
01:14at gusto ng dating kongresistang pumasok sa Bulacan
01:17bilang kontraktor ng mga proyektong
01:19poponduhan ng gobyerno.
01:21Sinabi umano ito ni Ko sa meeting nila
01:23sa BGC Taguig noong 2021.
01:26Sa isang meeting naman,
01:27kasama si dating DPWH Bulacan
01:30First District Assistant Engineer Bryce Hernandez,
01:33humingi umano si Ko kay Alcantara
01:34ng listahan na mga proposed flood control project.
01:38Naponduhan umano ang mga ito
01:40at pagkatapos ay na-deliver ang kickback
01:42o commitment kung tawagin.
01:45Tinutulan ng depensa ang testimonya ni Alcantara
01:47dahil wala umano itong koneksyon sa kaso
01:49at wala siyang kinalaman sa flood control project
01:52sa Oriental Mindoro.
01:54Pero pinayagan ito ng korte
01:55dahil malinaw na may kinalaman ang testimonya
01:58sa pagiging may-ari ni Ko sa SunWest
02:00na kontraktor ng proyekto sa kaso
02:03kaya itinuturing na relevant ang testigo.
02:05Dahil sa kanilang continuing objection,
02:08tumanggi ang depensa
02:09na isalang si Alcantara sa cross-examination.
02:12Ito ang unang balita,
02:14Mackie Pulido para sa GMA Integrated News.
Comments