- 7 minutes ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Hindi na nga lisensyado, wala pang permit ang ilang dayuhang nagsasagawa ng hair transplant sa Makati.
00:06Ang pag-aresto sa kanila, tinutukan ni John Consulta Exclusive.
00:13Nang tanggapin na ang bayad para sa medical procedure,
00:17pinasok na ng NBI Special Action Unit ang clinic na ito sa Makati City.
00:21We received a report that this clinic is being operated by a foreign national
00:27posing as a doctor.
00:31Sakto namang katatapos lang doon magsagawa ng hair transplant procedure sa isang pasyente,
00:37ayon sa NBI.
00:39Hindi mga lisensyadong doktor dito.
00:42Walang permit to operate itong klaseng business, kaya inunin natin ito.
00:46Delikado ito kasi mayroong safety issues.
00:49Baka mamaya magkaroon ng mga infection.
00:51Hindi dapat nila ito ginawa ng walang katumbas ng mga permit or licenses to operate dito sa atin.
00:58Tumambad din sa rating team ang mga gamot at anesthesia na ginagamit sa medical procedure
01:03na inaabot ng limang oras.
01:05Umaabot sa P220,000 ang singil sa kada pasyente na nagpapa-hair transplant.
01:11Tumagin magbigay ng pahayag ang mga dayuhan,
01:13pero nangako sila ang kukumplituin ang kanilang permits para muli makapag-operate.
01:18Naharap sa reklamang paglabag sa RA-2382 o Medical Act at Philippine Pharmacy Act
01:23ang mga inarestong dayuhan.
01:24Mag-ingat tayo, alamin maigi kung sino yung inyong kausap,
01:28kung talaga pa sila yung autorisado o may lisensya para gumawa ng mga procedures na ganito.
01:33Para sa GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 aras.
01:40Simula ngayong araw, exempted na sa number coding at truck ban ng mga oil tanker at truck
01:45na may kargang mga pangunahing bilihin.
01:47Ayon sa Metro Manila Development Authority o MMDA,
01:51hakbang ito para matiyak na sapat ang supply ng mga mahalagang produkto
01:55na yung mahalang presyo ng langis.
01:57Kaugnay naman sa pag-alis ng number coding scheme,
02:00kailangan pa rao nito ng malalim na pag-aaral sa kabila ng pagbaba ng bilang ng mga motorista sa kalsada.
02:05Sabi ng MMDA, tuloy-tuloy ang mga ikinakasanghakbang para mapalawak ang mga alternatibong paraan ng pagbiyake
02:12tulad ng mass transport, pagbibisikleta at paglalakad.
02:20Para makatulong sa gitna ng Mega Oil Prize Hike,
02:24inanunsyo ng Transportation Department ang diskwento sa roro at airport fees.
02:29Ayon sa kagawaran, simula sa April 15, ibababa sa piso ang terminal fees sa roro
02:35para sa class 3 at 4 na mga sasakyan.
02:39Sakop nito mga sasakyang may kargang agrip products
02:42para maibsan ang epekto ng Oil Prize Hike sa presyo ng bigas, prutas, gulay at ibang agrip products.
02:51Anim na bonitong ipatutupad.
02:53Bababa rin ang mga singil sa airport.
02:58Hanggang 200 pesos na lang ang terminal fee ng kada pasahero.
03:03Hanggang 5,000 pesos naman kada lalapag na aeroplano.
03:07Ipatutupad na yan sa April 1 kasabay ng pagmahal ng fuel surcharge na binabayaran sa mga flight.
03:14Tatagal ang bagong halaga ng airport fees ng tatlong buwan.
03:21Tumestigo si dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara sa malversation case labang kay dating Congressman Zaldico.
03:30Sa kabila ng pagtutol ng depensa, pinayagan ito ng korte dahil may kinalaman ang kanyang sasabihin sa koneksyoniko sa kumpayang
03:39gumawa ng umunoy maanumalyang proyekto.
03:42Nakatutok si Maki Pulido.
03:47Isinalang ng prosekusyon bilang state witness ang dating DPWH Bulacan 1st District Engineer na si Henry Alcantara para tumestigo sa
03:56kasong malversation kaugnay ng maanumalyang umunong proyekto sa Nauhan Oriental, Mindoro.
04:01Sabi ng prosekusyon, ito ay para patunayan na si dating Congressman Zaldico pa rin ang may-ari ng SunWest Construction,
04:09ang construction company ng 289 million peso road dike, kahit sinabi na nitong hindi na siya bahagi ng itinatag niyang
04:17kumpanya.
04:18Isa si Ko sa akusado sa kaso kasama mga dating opisyal ng DPWH Mimaropa at mga opisyal ng SunWest Construction.
04:26Ayon sa prosekusyon, iniharap nila si Alcantara dahil gusto nilang ipakitang magkakilala si na Alcantara at Ko at gusto ng
04:34dating kongresistang pumasok sa Bulacan bilang kontraktor ng mga proyektong poponduhan ng gobyerno.
04:41Sinabi umano ito ni Ko sa meeting nila sa BGC Taguig noong 2021.
04:45Sa isang meeting naman, kasama si dating DPWH Bulacan 1st District Assistant Engineer Bryce Hernandez, humingi umano si Ko kay
04:54Alcantara ng listahan ng mga proposed flood control project na pondohan umano ang mga ito at pagkatapos ay na-deliver
05:01ang kickback o commitment kung tawagin.
05:05Tinutulan ng depensa ang testimony ni Alcantara dahil wala umano itong koneksyon sa kaso at wala siyang kinalaman sa flood
05:11control project sa Oriental, Mindoro.
05:13Pero pinayagan nito ng korte dahil malinaw na may kinalaman ng testimonya sa pagiging may-ari ni Ko sa Sunwest
05:20na kontraktor ng proyekto sa kaso kaya itinuturing na relevant ang testigo.
05:25Dahil sa kanilang continuing objection, tumanggi ang depensa na isalang si Alcantara sa cross-examination.
05:32Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido Nakatuto, 24 Horas.
05:39Bukod sa iyakan at drama, naghahanda rin physically si Kapuso Primetime King Ding Dong Dantes sa action na gagawin niya
05:46sa pagbibidahang series na The Master Cutter.
05:50Makichika kay Nelson Canlas.
05:55Balikpagpapakondisyon ng katawan si Ding Dong Dantes bilang paghahanda sa kanyang upcoming GMA Prime Action Drama Series na The Master
06:02Cutter.
06:03Sa Stray by Day, pero may sikretong buhay na puno ng aksyon by night, ang bagong role ng Kapuso Primetime
06:10King.
06:10Parang hindi ko pa ginawa sa isang series, pelikula man or telesery yung nag-ibay-ibay ng itsura.
06:19So demanding siya at at the same time, very exciting para sa akin kasi siyempre, imagine nakakapaglaro ko ng iba't
06:26ibang karakter tapos para siyang may acting within acting.
06:30Ang saya bilang isang performer, bilang isang actor na ganun yung mga role na ginagampanan ko.
06:38Back to the runway din, si Ding Dong recently.
06:41Ang ikinakakilig ng fans ang full support ng kanyang misis na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
06:48Ipapasalamat nga ako sa kanya at sinuportahan niya ako kasi sabi ko, alam mo, kinakabahan ako dahil hindi ko naman
06:54talaga gawain yung runway.
06:56Alam mo, hindi naman talaga ako fashion model eh, di ba?
07:00Kanya-kanya rin post ang fans ng trend ngayon na what were you like in the 90s? Kung saan throwback
07:07ang marami sa TGIS look ni Dong?
07:10Nakita ko nga eh, so sa TikTok nga parang ang daming mga 90s throwback na lumalabas.
07:15So nakakatawa kasi siyempre eh, maaalala mo yung mga pinagkagawa mo noon, di ba?
07:21So siguro mas marami lang alam ngayon. So nakakatawang balik ak-baligan kasi doon nagsimula lahat, lalo na sa TGIS
07:28when I started.
07:30And that was almost 30 years ago pa, ganun nakatagan. Pero good times, good times, good times.
07:38Nelson Canlas updated sa Shoebiz Happenings.
07:44Mga Kapuso, 2020 pa nabili ang motosiklo pero ilang taong walang naibigay na plaka ang dealer sa senior citizen na
07:53dumulog sa inyong Kapuso Action Man.
07:55Amin niyang pinaksyonan.
08:04Kunyo, 2020 pa nakabili ng motosiklo, ang 70 anyos na si Celso, hindi niya tunay na pangalan.
08:11Pero kahit nakapagbayad na ng buo, hindi pa raw niya nakukuha ang plaka hanggang ngayon.
08:17Umasa kasi siya sa pangako ng napagbilhang dealer na sila na ang kukuha ng plaka sa Land Transportation Office sa
08:24LTO.
08:24Nandun na yung plaka, kami na lang ang kukuha, bibigyan mo lang kami ng authorization,
08:29bibigyan mo yung copy ng ORCR at lalakari namin, ipaprioritize namin dahil senior citizen po kayo.
08:36Five years, eight months and six days na hindi lumalabas yung plaka.
08:40Pinaikot-ikot ako nila.
08:42Pabalik-balik ako doon, every week po nagpapalo up ako.
08:45Ang problema, bigla umunong bumawi ang dealer at ipinakuha na sa senior citizen ang plaka ng kanyang motosiklo.
08:52Kaya sabi, ipaprioritize, hindi naman na ginawa. Tapos, pixie sila.
08:58Marami yan kasi, batch by batch yan.
09:00Kaya natatambak sa LTO ang plaka, nasa dealer niya, ayaw nilang asikasuhin.
09:09Dubulog ang inyong kapuso action man sa LTO.
09:12Nung panahon po yun, nagkaroon talaga po ng pagkukulang sa supply ng plaka.
09:16At sometime in 2023 pa lang po, dumating yung mga supply ng plaka po natin.
09:24So, nung dumating po yun sa mga offices, talagang na-overwhelm sila sa dami ng mga plaka.
09:30And isa po ito sa mga talagang natambakan or napahuli.
09:38Pero natutuwa naman po kami sapagkat sa tulong po ninyo, ang GMA, ipinabot sa amin at kaagad naman po namin
09:46hinanap.
09:47Ayon sa LTO, pananagutan ng dealer ang pagpaparkistro sa nabiling sasakyan ng motorsiklo at pagkuhan ng plaka nito.
09:55Sa ngayon po, ang obligation po nasa dealer na yan. So, dapat po si dealer ang makapagparehistro kaagad at makapagbigay
10:03ng plaka sa kanila.
10:04Pagtitiyak naman ng LTO, mas madali na ang pagkuhan ng mga plaka ngayon.
10:08Ini-input lang po yun. Kapag may nirehistro ang sasakyan, may readily available na pong mga plaka doon.
10:15Nakaagad-agad na maiibigay sa dealer na nagproseso ng papel.
10:19Sa ngayon, ay personal lang naibigay ng LTO kay Celso ang kanyang plaka.
10:24Sinubukan namin kunin ang palig ng dealer pero wala pa silang tugon sa amin.
10:32Mission accomplished tayo mga kapuso.
10:34Para po sa inyong mga sumbong, pwedeng mag-message sa Kapusa Action Man Facebook page
10:38o magtungo sa GMA Action Center sa GMA Network Drive, Corner of Summer Avenue, Diliman, Casusin.
10:44Dahil sa anamang reklamo, pakaabuso o katiwaliyan.
10:46Tiyak, may katapat na aksyon sa inyong Kapusa Action Man.
10:51Sinagip mula sa kalaswaan ang dalawang minority edad na inilala ko umano online ng kanila mismong stepmother at kiyahin.
11:02Nakatutok si John Consulta.
11:10Pagdating sa Olongka po City, dumiretsyo agad ang NBI Violence Against Women and Children Division sa bahay ng kanilang target.
11:17I-arrest ko ka namin sa salang posesyon o child sexual abuse and exploitation material under 11930.
11:26Ikaw ay may karapatang mananimig.
11:29Arestado ang babaeng suspect na nasa likod umano ng pagpapadala ng manalaswang video ng mga minor de edad.
11:36Ang biniktima umano ng suspect, kanyang stepson at pamangking.
11:39Kinukombin siya ang bata na maghubad online, binipikturan, kinukunan ng videos, pagkatapos binabayaran ang bata, binibigyan ng konting allowance.
11:49Kapag natanggap na ang mga videos, inyo-offer naman ito online for sale doon sa kung sino mga pedophile na
11:56interested na makabili ng mga materials na ito, mostly in the United States.
12:00Nakipag-coordinate daw ang US Homeland Security sa NBI matapos ma-aresto ang ilang membro ng isang child pornography ring
12:08sa Amerika.
12:08Kaya naikasa naman ang operasyon sa bansa.
12:11Nasa gip na ang mga biktima.
12:13Habang naharap sa patong-patong na reklamo ang suspect na wala pa rin pahayag.
12:18Para sa GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 aras.
12:25Sasamantalahin ng Department of Public Works and Highways ang tag-init para paghandaan ang mga pagbaha sa tag-ulan.
12:32Kabilang sa mga hakbang ng DPWH kontrabaha, ay ang tuloy-tuloy na paglilinis at dredging sa mga ilog at estero.
12:40Pagaganahin ang mga pumping station, gaya ng sunog-apog pumping station na inaasahang magiging operational na sa Mayo.
12:48Sabi naman ni MMC President San Juan City Mayor Francis Zamora, inatasan ang mga alkalde na magsumite ng master list
12:57ng mga bahaing lugar at mga nakabimbing infrastructure projects.
13:02Malaking pagbabago rin anya ang direksyon ng DPWH na unahing tapusin ang mga kasalukuyang proyekto bago magsimula ng mga bagyo.
13:17Makakapuso paghandaan ng unti-unting pag-init ng panahon.
13:20Dahil yan sa Easter list o yung hangin na galing sa Silangan o yung Pacific Ocean.
13:25Nagdadala ito ng mainit at malinsangang panahon.
13:27Gaya ngayong araw kung saan umabot po sa 40 degrees Celsius ang init sa Brongan Eastern Summer, Zamboanga City at
13:35Cotabato City.
13:36Magpapatuloy ang maalinsangang panahon bukas sa malaking bahagi ng bansa.
13:41Pusibling umabot sa 41 degrees Celsius ang damang init sa Katarman Northern Summer hanggang 40 degrees sa mga lunsod ng
13:49Zamboanga at Cotabato.
13:50Ang ganyang kainit ay may pangalib na magdulot ng heat crabs at heat exhaustion.
13:55Kaya iba yung pag-iingat po mga kapuso.
13:58Bagamat maaliwalas ang panahon, ang inaasahan, pusibli pa rin ang ulan lalo kapag malakas ang Easter list.
14:02Dagil, nagkakaroon ng mga kaulapan. Batay sa datos ng Metro Weather, may tsyansa ng light to moderate rains sa ilang
14:09bahagi ng Calabarazon at Pimaropa Region bukas.
14:12Pusibli rin ang ulan sa ilang bahagi ng Panay Island, Negros Island, Eastern Visayas Region at ilang bahagi ng Mindanao
14:18lalo na sa hapon.
14:19May tsyansa rin ulaninan silang ang bahagi ng Metro Manila sa hapon.
14:23Kaya huwag kakalimutan ang inyong mga payong.
14:29Nagkasingilan sa Senado kaugnay ng 10 bilyong pisong pondo na pwedeng ipambili ng dagdag langis.
14:35Ayon po sa Energy Department, walang basbas ang Kongreso para magamit ito.
14:40Bagay na galit na sinagot ng isang senadora.
14:43Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
14:48Kung sabi ng Palacio, wala pang krisis sa lamis?
14:51Wala po tayong sasabihin krisis pagdating sa supply.
14:54Maybe meron pong price disruption.
14:57Krisis na ang tawag ng ilang senador sa epekto sa pansa ng gira sa gitnang silangan at ng patuloy na
15:04pagtaas ng presyo ng petrolyo.
15:06Dapat aminin na ng Malacanang, gano ba talaga kabigat ang sitwasyon?
15:13At ano na ba ang eksaktong plano ng gobyerno?
15:16Panahonang magdeklara ng State of National Emergency.
15:19At marami po sa amin, ganun din ang pakiramdam.
15:22Kailangan ng pamalaan ng mas malawak na kapangyarihan upang agad-agad na matugunan ang krisis na ito.
15:29Sa pagdinig ng Senate Committee on Proactive Response and Oversight for a Timely and Effective Crisis Strategy o Protect,
15:37tinanong ni Senadora Loren Legarda ang ibang miyembro ng gabinete kung sang ayon silang may krisis pero walang tumugod.
15:44I could hear a pin drop.
15:46We must first admit that there is a crisis for us, for all of us, to act with urgency.
15:54And we must admit that it can't be the usual way things are.
16:00Huwag na tayo lost in translation or nagmamaang maangan na may krisis.
16:09Until we define it as a crisis, we will not act in record time to save our people.
16:19Lumabas din na hanggang 10 billion pesos ang pondo ng Philippine National Oil Company na pwedeng pambili ng dagdag na
16:27langis
16:27pero hindi pa magamit dahil kailangan ng basbas ng kongreso.
16:31We want to activate yung funds ng GOCC natin to be able to address yung inventory natin in country to
16:41keep it at a healthy level.
16:43Pero ayon mismo sa Department of Energy, kahapon lang sila sumulat sa kongreso na nakabreak ngayon.
16:49Tila na galit na si Ligarda dito.
16:51Hindi po mag-break ang Senado kung sinabi niyong kailangan ng congressional approval ang paggamit ng PNOC ng kanilang pondo.
17:01Because it's important na hindi tinuturo sa atin na nag-break tayo kaya ang PNOC hindi makagamit ng kanyang pera.
17:07That's unfair.
17:09Eh ang sekretary nga ninyo wala dito eh.
17:12Kung anong pamamulitik ang ginagawa na naman ng sekretary nyo.
17:14Wala noon sa pagdinig si NRG, sekretary Sharon Garin na nagpasabing hindi makakadalo.
17:20Pero matapos hanapin ni Senador Ligarda, dumating rin si Garin kinahapunan.
17:24Tinanong siya tungkol sa napaulat na pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos na posibleng matigil ang pagdipad ng mga eroplano dahil
17:32sa kakulangan ng jet fuel.
17:34Kung ganyan po ang sinasabi ng Department of Energy, hindi pa ba yan krisis?
17:41Ayaw pa ba talagang yugyugin ang mga utak na mga tao sa gobyerno para tanggapin na tayo'y nasa isang
17:48krisis?
17:50At sinasabi na that we will run dry.
17:56Pakipaliwanag po para maintindihan, maintindihan, mapondohan.
18:01Nandiyan ang Chair ng Finance para ang ibang ahensya ng gobyerno ay maghanda pa.
18:07Cebu Pacific and PAL.
18:09They have a combination of suppliers, Petron, and also they import it on their own.
18:15As of yesterday, their inventory is around 38 days.
18:2038 days and they have confirmed, we asked them if they want us to help them procure additional fuel for
18:27the next month, meaning on May.
18:31They have already secured confirmation of their next order.
18:35I think it was South Korea.
18:38Sabi ni Garin, ang ginagawa nila ay pina-follow up nila ang order sa pamamagitan ng government-to-government na
18:44ugnayan.
18:45Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok 24 Oras.
Comments