Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi na po mga jeepney driver, kundi pati iba pang mga driver ng PUV
00:04ang lalahok sa panibagong transport strike na ikinakasa sa Webes at Venice.
00:09Ang isa pang transport group, posibleng sa Merkoles pa lang, magtigil pasada na.
00:13Saksi, si Ian Cruz.
00:18Tulad ng diesel, sasampa na rin sa sandaang piso ang kada litro ng gasolina
00:23sa ilang gasolinahan dahil sa ikatlong round ng mega oil price hike na ipatutupad bukas.
00:28Sa gitna ng walang preno ng taas presyo, nagsagawa ng transport holiday,
00:33ang Alliance of Concerned Transport Organizations o ACTO,
00:37at iba pang transport groups sa iba't ibang panig ng bansa ngayong araw.
00:41Kailangan po makarating po sa ating presidente ang aming hinahing
00:45kasi hindi pa po kami nakakausap na ating presidente yung transport sectors.
00:50Kailangan po natin dito yung concrete solution ng ating presidente Marcos.
00:54Kabilang sa hiling nila, ang moratorium sa paniningil sa utang nila
00:58para sa mga binili nilang modern jeepneys.
01:02Sana po may medyo may 3 months mo kami makuha dito or 6 months.
01:06May ikinakasaring transport strike sa Webes at Biernes,
01:09ang bagong buong aliyansa ng transport sector na
01:12No to Oil Price High Coalition.
01:14Dukol sa mga tsuper ng shipney, lalahok din ang driver ng UV Express,
01:19bus, TNVS, motorcycle taxi drivers, tricycle at delivery services.
01:25Hiling nila natanggalin na ang mga buwi sa langis,
01:28rollback sa presyo nito, pagbasura sa Oil Deregulation Law at taas pamasahe.
01:34Hindi po natin makikita yung response ng gobyerno dahil nga yung response nga,
01:39binawi na yung gagapiso eh.
01:41Magma-motorcade po at mag-unity ride yung ating mga kapatid na riders sa kalsada
01:46para ipahayag yung kanyang diskus po.
01:49Hindi po po pwedeng sabihin na itiniming ito dahil itinulak po ito
01:55ng pagiging pabaya ng gobyerno natin.
01:58Baka mauna ng araw sa Tigil Pasada ang grupong Manibela.
02:01Baka sa mergoles pa lang, umpisahan na namin.
02:06Ngayong araw, marami na ang tumigil sa amin dahil hindi na talaga kayang bumiyahe.
02:12Una ng sinabi ng palasyo na ginagawa ng gobyerno ang lahat
02:16para ibsan ang epekto ng gyera sa Middle East.
02:19Wala naman tayong dinadownplay.
02:21Ito po kasi yung totoong sitwasyon.
02:23Nagsusumika po ang pamahalaan sa utos ng Pangulo
02:27na dapat hindi magkulang ang supply ng produktong petrolyo.
02:32Nakatakda namang makipag-usap ang mga operator ng bus
02:35kay Pangulong Bongbong Marcos.
02:37Ayon sa Mega Manila Consortium Corporation,
02:40binawasan na ng mga operator ang mga bumubiyahing bus sa EDSA busway.
02:45Nagbabawas po ng mga buses para yung aming losses ay magbawasan ng konti.
02:51Kung i-ma-maximize namin yung aming trip,
02:54baka binayaran lang po namin yung diesel consumption ng aming mga buses.
02:59For every operator, magbawas ng dalawa, tatlo.
03:02Ganun lang naman po para medyo hindi naman po ganun ng efekt.
03:06Tomorrow, may meeting po kami sa Presidente, lahat po ng buses.
03:10Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
03:17Paribagong all-time low ang palitan ng piso kontra dolyar ngayong araw.
03:21Sa gitna po yan ang sigalot, sa gitnang silangan,
03:23na ngayon ay nasa ika-apat ng linggo.
03:25Saksi si Maki Pulido.
03:37Dumagundong ang malakas na pagsabog sa tulay na ito sa Southern Lebanon
03:41dahil sa airstrike ng Israel.
03:43Iniuto sa Israeli military na wasaki ng mga tulay sa Ritani River sa Lebanon
03:48bilang bahagi ng operasyon laban sa grupong Hezbollah na kaalyado ng Iran.
03:55Patuloy ang palitan ng airstrike ng Israel at Iran
03:58na ngayon nasa ika-apat na linggo na.
04:01Sa gitna nito, lalo pang bumulusok ang halaga ng piso kontra dolyar.
04:06Nagsara ang palitan sa panibagong record low na 60 pesos and 30 centavos kada dolyar.
04:13Paliwanag ng isang ekonomista,
04:15resulta ito ng patuloy na pressure sa Philippine peso
04:18dahil malaki ang demand sa US Dollars na pambili ng nagmamahal na petrolyo sa world market.
04:24Palagay ko hindi na yan bababa pa sa katulad nung dati na nasa 57, 58.
04:30Malaki ang demand natin sa dolyar kasi kailangan natin bumili ng petrolyo sa mas mataas na presyo.
04:37Mula ng sumiklab ang gulo sa Middle East,
04:40bumaba na ang Philippine Stock Exchange ng mahigit 500 points.
04:44It's a natural reaction to uncertainty, right?
04:48With what prices in the commodities market are also showing.
04:52Maybe it's really a knee-jerk reaction.
04:55It's not driven by fundamentals, right?
04:57It's driven by the reaction knee-jerk of a lot of the investors.
05:01So as long as we're good in terms of the macro fundamentals.
05:05Ayon sa financial analyst na si Jonathan Rabelas,
05:09ang pagbenta ng stocks kung may masamang pangyayari,
05:11walang epekto sa kita ng mismong kumpanya.
05:14Mas aalalahanin daw ng mga negosyo.
05:16Halimbawa, ang pagmahal ng transportasyon at kuryente na epekto ng gera sa ekonomiya.
05:22Walang effect sa kanila yun.
05:23Kumbaga, yung pera na yung nilis nila,
05:28ang ginagamit na yan ng kumpanya,
05:30nakuha na nila yung pera na yan.
05:32Yung binibenta lang is the ownership na meron.
05:35Pero mga foreign investor na may balak mamuhunan ng negosyo sa bansa,
05:39maaaring ipagpaliban muna ito
05:41o kaya umatras kung tumagal pa ang gulo,
05:44ayon sa isang ekonomista.
05:45Maaaring umatras ang mga foreign investor na
05:48kasalukuyan ng namumuhunan sa bansa,
05:51pero hindi daw ito agaran.
05:52Ang mga foreign investors ay mag-iisip din
05:55paano yung magiging cost of production nila dito sa Pilipinas.
05:59Ang unang-unang titignan nila dyan is yung kanilang gastos sa utilities.
06:05Tataas ba ang sinil sa kuryente?
06:08Tataas ba ang sinil sa tubig?
06:10Gano kataas ang aabuti ng pagtaas ng presyo ng petrolyo?
06:14Mandato ng Banko Sentral ng Pilipinas
06:16ang pag-stabilize ng halaga ng piso
06:18at kontrolin ang inflation
06:20o bilis ng pagmahal ng presyo ng bilihin
06:22sa pamamagitan ng pag-issue ng mga pulisiya.
06:25Inaabang nga ng desisyon ng Monetary Board na sa April 23 pa ang nakatakdang pulong.
06:31Para sa GMA Integrated News, ako si Maki Pulido, ang inyong Saksi.
06:37Magigit ang panaraang gasolinahan na ang nagsara sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
06:43Batay po yan sa monitoring ng PNP.
06:45At para naman matyak ang supply ng langis,
06:47pinayagan muna ng DOE ang pag-import ng mas murang klase ng petrolyo
06:51bagamat mas nakapagdudulot ito ng polusyon.
06:54Saksi si Mav Gonzalez.
06:59Sa gitna ng gera sa Middle East,
07:02siniguro ni Pangulong Bongbong Marcos na may sapat na supply ng langis sa bansa.
07:06Ayon sa Department of Energy, may supply pa tayo ng langis hanggang Abril.
07:10May required sila na 15 days,
07:13pero ang capacity nila siguro 40.
07:17So they have to replenish every 40 days.
07:21So we have more than enough time to order the next batch.
07:28Para masiguro ang supply ng langis sa bansa,
07:31pansamantalang pinayagan ng DOE ang pag-import ng Euro 2 petroleum products.
07:36Pero ang pwede lang gumamit nito ay yung mga sasakyang gawa noong 2015 o mas dumapa.
07:41Mga traditional jeepney, power plants, generators at marine at shipping industry.
07:46Mas mura pero mas mataas ang emisyon ng Euro 2 kumpara sa Euro 4 na standard ngayon sa Pilipinas.
07:53Mataas ang sulfur content ng Euro 2 kaysa sa Euro 4.
07:57Ang mas mataas na sulfur content,
07:59mas nakakadumi at nakakasira ng makina.
08:02Mas nakakapagdulot din ito ng polusyon.
08:04Pero dahil sa anilay extraordinary circumstances sa Middle East
08:08na nakaapekto sa petroleum markets,
08:11kinakailangang magpatupad ng temporary regulatory measures
08:14para masiguro ang sapat na supply
08:16at magkaroon ng access sa mas maraming uri ng produktong petrolyo.
08:20Pero sa tingin ng energy expert na si Atty. Noel Baga,
08:23bagaman makakatulong ito sa supply ng langis,
08:26hindi ito sapat, lalo't patuloy pa rin sumisirit ang presyo ng produktong petrolyo.
08:31Very helpful ito sa oil industry natin para mas may leeway ang ating oil companies
08:36na mag-import ng oil, even though dirtier oil siya,
08:40pero para may leeway siya na mas marami siyang ma-import para sa energy security.
08:43Ngunit hindi sapat ito para i-address ang oil crisis.
08:47Ayon sa Center for Energy Research and Policy o SERP,
08:51nasa 60 araw ang reserba ng langis ng Pilipinas,
08:54higit na mas mababa sa reserba ng ibang bansa sa Asia.
08:57Tulad ng Japan na 250 days ang reserba ng langis,
09:01nung kahe ng SERP, dapat magkaroon ng Strategic Petroleum Reserve ang Pilipinas,
09:06tulad noong 1970s hanggang 1980s na pinapatakbo ng Philippine National Oil Company.
09:12Mas maganda rao kung nasa pang isang taon ang reserba.
09:15Napaka-thin margin lang nung 60 days.
09:18Mas mabuti talaga kung meron tayong Strategic Petroleum Reserve
09:21na i-establish yung gobyerno para meron tayong mas pang matagalan na supply ng langis.
09:27It will be established by the government at kung may oil crisis,
09:30is pwedeng ibenta ng gobyerno yung langis na ito at subsidized prices
09:35ang mababang halaga sa taong bayan.
09:37Si Sen. Cheese Escudero,
09:39naghainan ng panukalang batas na layong magtayo ng sariling crude oil tank storage facility ang gobyerno
09:45para maging panangga sakaling magkaroon ng geopolitical crisis,
09:49magkaproblema sa supply o magkaroon ng biglang pagtaas ng presyo.
09:53Sa ilalim ng panukala,
09:55kayang mag-imbak ng pasilidad ng supply na pang 90 hanggang 180 days na pangangailangan ng buong bansa.
10:01Sa gitna naman ang pagtaas ng presyo ng langis sa bansa,
10:05lumabas sa monitoring ng PNP sa mahigit labing apat na libong gas stations
10:09na mahigit apat na raang gas stations na ang nagsara.
10:12Dinirekta na po natin ito sa Department of Energy
10:15para sila po ang mong determine kung ang naturang pagsasara ng P403
10:19may kaugnayan sa possible hoarding na nasabi mga gas stations.
10:22Sabi ng PNP, may dalawang kaso ng naisan pa,
10:26hoarding at profiteering sa magkahiwalay na lugar sa Eastern Samar.
10:30Ayon sa PNP, nagmumonitor sila bilang bahagi ng kanilang paghahanda
10:34kung magkaaberya sakaling magka-oil crisis.
10:37Para sa GMA Integrated News, ako si Mav Gonzalez, ang inyong saksi.
10:43Gumagawa na po ng hakbang ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center
10:47para maipagbawal sa lalong madaling panahon ang online game na Roblox.
10:51Sa gitna po yan ang maulat na nagiging daan ito para ma-recruit ang mga kabataan para sa karahasan.
10:57Saksi, si Emil Sumangy.
11:02I will burn down my school.
11:05Ito raw ang nakababahalang social media post ng grade 6 student na itatago namin sa pangalang Tony.
11:12Isa si Tony sa pitong estudyanting na iligtas ng PNP Anti-Cyber Crime Group kamakailan
11:18na narecruit umano online para maglunsad ng tinatawag na nihilistic violent extremism o labis na karakasan.
11:28Meron silang pinapanood na website.
11:30Ang pinag-uusapan ay find out how to die.
11:34Ayon sa investigasyon ng PNP-ACG, ang mga estudyanting na iligtas, naglalaro lahat ng online game na Roblox.
11:42At dito raw sila ginagapang ng ilang pinaniwalaang mga dayuhan para hikayating magkasik ng gulo.
11:49Sa ngayon po sir, hindi pa namin matukoy kung ito po ay connected po sa mga terror groups.
11:56Though ongoing pa po ang ating investigation regarding that matter.
12:00Ang Roblox ay isang tanyag na online gaming platform na sinasabing Ultimate Virtual Universe.
12:08Maaaring maglaro o gumawa ng mga 3D interactive games gaya ng role-playing at mga simulation.
12:15Dati nang may mga nagayag ng pangamba dahil posibleng ma-expose.
12:19Lalo na ang mga kabataan sa mga nananamantala.
12:23Maaari kasing mag-usap-usap ang mga naglalaro nasaan man sila sa mundo.
12:27At ganito na-recruit ang mga estudyanteng nasagip ng PNP.
12:32Ito ang ilan sa mga ebidensyang na-recover ng pulisya.
12:36Nagagamitin umano ng mga estudyante sa pinaplanong pag-atake.
12:39Bukod sa mga tactical gloves at mga insinya na gamit ng nuoy death squad ng Nazi leader na si Hitler.
12:46Nakabili na rin umano ang mga estudyante ng mga tactical vest at helmet.
12:50May larawang pa ng automatic rifle.
12:51May mga sinasend silang mga videos about sa mga school shooting, paano gumawa ng mga handguns.
13:00Ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center, gumagawa na ron ng akbang para iban sa lalong madaling panahon, ang Roblox.
13:09Proceduedo kami na kapag hindi inayos na Roblox, hindi sila nakipag-usap.
13:13At kung makipag-usap man sila, hindi nila ayusin yung mga safety mechanisms para hindi makapag-abuso sa mga kabataan
13:21natin, hindi ma-impluensyahan na masasamay ang kabataan natin.
13:24At talagang proceduedo kami i-block at iban itong gaming platform ng Roblox dito sa ating bansa.
13:30Yung Holy Week break natin, magkaroon tayo ng banning na doon sa Roblox because we want to ensure that yung
13:38mga habang naka-weekend yung mga kabataan natin, hindi sila may-expose sa mga banta.
13:43Sunod-sunod na pagpupulong dinan nila ang kanilang gagawin ngayong linggo kasama ang mga telecommunication companies, application stores at mga
13:53solution partner
13:54para matuldukan ang iba pang mga masasamang dulot ng Roblox na kanilang namomonitor sa Threat Monitoring Center ng CICC.
14:03Sa isang pakayag, inatasan ni PNP Chief General Melencio Nartates Jr. ang anti-cybercrime group na paigtingin ang pagbabantay sa
14:12mga gaming at iba pang application online.
14:15Hinihinga namin ang panigang Roblox Corporation na developer ng game.
14:19Para sa GMA Integrated News, Emil Sumangil, ang inyo, Saksi!
14:25Bukas na po magsisimula ang pamamahagi ng 5,000 pisong ayuda para sa mga TNDS driver.
14:31May labing apat na Transparnation Network Company o TNC provider na kabilang sa ayuda pero nilinaw ng LTFRB na hindi
14:39kasama rito ang mga motorcycle taxi at delivery rider.
14:43Alas 7 umaga, magsisimula ang pamamahagi ng ayuda.
14:47Kailangan lang dalhin ang mga benepisyaryo ang orihinal at isang kopya ng kanilang driver's license.
14:54Mga kapuso, maging una sa Saksi!
14:57Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
15:01Intro
Comments

Recommended