Skip to playerSkip to main content
Ang 50 percent discount sa MRT-3 at LRT-2, malaking ginhawa para sa ilan na pinili na lang mag-tren kaysa mag-drive lalo't round 3 bukas ng mega oil price hike. May report si Ian Cruz.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ang 50% discount sa MRT3 at LRT2, malaking ginhawa para sa ilan na pinili na lamang na mag-trend
00:07kaysa mag-drive, lalo't round 3 bukas ng mega oil price hike.
00:11May report si Ian Cruz.
00:15New week, new oil price hike.
00:18Bukas, hanggang 18 piso ang itataas ng kada litro ng diesel, hanggang 8 piso naman sa gasolina.
00:25Kaya tulad ng diesel, lalagpas na rin sa 100 piso ang litro ng gasolina, lalong umaaraya mga chuper.
00:33Ang ilang grupo, naka-transport holiday sa iba't ibang panig ng bansa.
00:38Kailangan po makarating po sa ating presidente ang aming hinahing.
00:42At hindi po, para, kasi hindi pa po kami nakakausap na ating presidente, yung transport sectors.
00:49Kailangan po natin dito yung concrete solution ng ating presidente Marcos.
00:53Humihiling din sila ng moratorium o pansamantalang tigil sa paniningil sa utang nila para sa mga biniling modern jeepney.
01:01Sana po may medyo, may 3 months mo kami makuha dito or 6 months.
01:07Stranded ang ilan tulad sa Pampanga dahil di bumiyahe ang mga UV Express.
01:12Siyempre, una-una wang po, ikawawa naman po sila.
01:15Humihiling po kami, medyo malaking pasisa sa kanila.
01:18Sa Webes at Biyernes, may hiwalay na tigilpasada ang bagong buong alyansa ng transport sector na No to Oil Price
01:26High Coalition.
01:27Inaasahang lalahok ang mga driver ng jeepney, UV Express, PUS, TNVS, motorcycle taxi drivers, tricycle at delivery services.
01:38Hiling nila, pagtanggal sa mga buwi sa langis, rollback ng presyo nito, pagbabasura ng Oil Deregulation Law at taas pamasahe.
01:47Hindi po natin makikita yung response ng gobyerno. Dahil nga yung response nga, binawi na yung gagapiso eh.
01:54Mag-motorcade po at mag-unity ride yung ating mga kapatid na riders sa kalsada para ipahayag yung kanyang disgusto.
02:02Hindi po po pwedeng sabihin na itiniming ito. Dahil itinulak po ito ng pagiging pabaya ng gobyerno natin.
02:11Presyo na ang lamis!
02:12Dito pa! Dito pa!
02:14Ang manibela, planong ikasaagad sa miyerkules ang protesta.
02:19Ngayon araw, marami na ang tumigil sa amin dahil hindi na talaga kayang bumiyahe.
02:25Naku, pag nalilate kasi sa trabaho, penalty yun, bawas pa sa sahod. Kaya ang hirap po talaga, lalo na sa
02:32mga commuters na katulad po.
02:34Pero gaya ng naunang tugon ng gobyerno, ginagawa mo na nila ang lahat para ibsan ang epekto ng gyera sa
02:40Middle East.
02:43Tulad ng 50% discount sa pamasahe sa MRT-3 at LRT-2 simula ngayong araw.
02:49Ang dating 28 pesos na end-to-end na pamasahe o pagitan ng North Avenue at Taft Avenue stations, 14
02:57pesos na lang.
02:58Ang laki ng linahawa, laki ng dagdag sa pang-araw-araw na budget ko sa transportation.
03:07Malaking bagay sa amin yung tipid na yun.
03:09For me, it's a good thing po since nag-task na po talaga yung presyo ng gas.
03:14Ito lang daw ang kaya ang mabigay ng gobyerno at hindi ang hiling ng ilang mambabatas na libreng sakay sa
03:21mga tren at bus.
03:23Sasaloyin nila ng gobyerno ang mawawalang kita.
03:25Ang tanong hanggang kailan ang discount?
03:28Mag-aantay tayo ng abito sa presidente kung hanggang kailan ito.
03:33Ang LRT-1 naman na private sector ngayon na nagpapatakbo, wala pang anunsyo kung magbibigay rin ng discount.
03:41Ian Cruz nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended