00:00Noong panahong madalas matupad ang mga pangarap,
00:04may isang haring namumuhay kasama ang kanyang anak.
00:07Sa kagandahan ng kanyang itsura at kalooban,
00:11binibigay sa kanya ng hari ang anumang hinihiling niya.
00:17Papa, nagsasawa na ako sa aking mga laruan.
00:19Gusto ko naman po ng ibang malalaro.
00:22Oh, anak ko, dahil mahal kita,
00:25ibibigay ko sa iyo ang pinakatago-tago kong pamana
00:28na binigay pa sa akin ng iyong lolo noong bata pa ako.
00:32Binuksan ng hari ang kanyang gintokkaha
00:35at kinuha ang isang ginintoang bola.
00:37Wow!
00:40Kunin mo ito.
00:42Kumikinang yan na kasing liwanag ng araw sa langit
00:45at napakahalaga nito sa akin.
00:48Huwag na huwag mo itong iwawala.
00:51Salamat, Papa. Ikaw ang pinakamabait na Papa sa buong mundo.
00:57At masayang naglaro ang prinsesa sa hardin.
01:00Sinusundan niya ang gintong bola saan man ito gumulong.
01:04Bigla na lamang, may dumating na palaka.
01:07Ew! Umalis ka nga! Nakakadiring palaka!
01:11Nakita kita sa hardin at nabighani ako sa taglay mong ganda, kokak!
01:16Baari ba kitang maging kaibigan at kalaro?
01:20Ayoko nga! Mukha yatang nahihibang ka na.
01:24Hindi ako makikipaglaro sa nakakadiring palakang tulad mo.
01:28Ako yata ang pinakamagandang babae sa buong mundo.
01:31At bakit naman ako makikipaglaro sa isang pangit na katulad mo?
01:35Kaya kong tumalon, kokak!
01:37Kaya kong lumukso!
01:38Kaya kong lumangoy para kunin yung bola sa tubig!
01:42Ako ang pinakabagay na maging kalaro!
01:45Kung ikaw rin lang, mag-isa na lang akong maglalaro.
01:49Galit na bumalik ang prinsesa sa palasyo para lumayo sa nakakadiring palaka.
01:57Kinabukasan, nilaro niya muli ang gintong bola sa hardin.
02:00Umupo siya sa ilalim ng isang malaking puno na malapit sa isang balon.
02:05Ang tahimik naman sa lugar na to!
02:07Hindi na siguro akong makikita ng palaka dito.
02:10Kaya nilaro niya muli ang gintong bola.
02:13Hinagis niya ito at sinalo muli.
02:15Habang naglalaro, nasikata ng araw ang gintong bola at nasilaw ang prinsesa.
02:21Kaya sa halip na masalo ang bola sa kanyang kamay,
02:24nabitawan niya ito hanggang gumulong ito sa lupa at tuluyang nahulog sa balon.
02:30Naku po!
02:31Ang gintong bola!
02:33Diyos ko! Ang lalim naman ito!
02:36Nihindi ko matanaw kung nasan yung bola sa lalim ng balon!
02:40Umiyak siya na tila wala makakapagpatahan sa kanya.
02:44At sa gitna ng kanyang pag-iyak, may narinig siyang boses.
02:47Anong nangyari, mahal na prinsesa?
02:50Nadudurog ang puso ko sa iyong pagluha, koka!
02:54Tilignan niya kung saan nanggaling ang boses.
02:57Ah! Ikaw ba yan? Ginong palaka?
03:00Umiiyak ako kasi nahulog yung ginintoang bola sa malalim na balon.
03:06Ganun ba, koka? Tutulungan sana kita.
03:09Pero anong ibibigay mong kapalit kung ibalik ko ang gintong bola sa iyo, koka?
03:14Oo! Kahit anong gusto mo, kaibigan!
03:17Ang mga damit ko, mga perlas at alahas, pati tong koronang suot ko!
03:24Walang silbi sa akin ang iyong damit, perlas at alahas, at maging ang korona mo.
03:30Pero kung magiging magkaibigan tayo, at kung makikipaglaro sa akin araw-araw,
03:35at papaupoy na ko sa iyong hapagkainan, papakainin sa iyong plato,
03:41paiinumin sa iyong baso, patutulugin sa iyong kama.
03:45Kung ipapangako mong lahat yan sa akin, sisisirin ko ang balon para ibalik sa iyo ang gintong bola, koka.
03:52Nainis ang prinsesa nang marinig ang napakaraming kondisyon ng palaka,
03:56pero sumangayon siya sa kagustuhan nito para lang maibalik sa kanya ang gintong bola.
04:03Oo naman! Ipapangako ko lahat yan! Lahat ng gusto mo! Kunin mo lang tong gintong bola!
04:11Nang marinig ang pangako, agad sumisid ang palaka sa balon.
04:17Ilang saglit pa, lumutang itong muli dala ang gintong bola sa kanyang bibig,
04:22at nilapag ito sa damuhan.
04:24Tuwang-tuwa ang prinsesa nang makitang muli ang kanyang laruan,
04:28kaya pinulot niya ito at dali-daling tumakbo.
04:31Teka, sandali! Hintayin mo ako! Hindi ako kasing bilis mong tumakbo, koka!
04:38Pero hindi siya pinakinggan ng prinsesa.
04:41Kinabukasan, habang kumakain ang prinsesa sa kanyang gintong plato kasama ang hari,
04:46may kumatok sa kanilang pinto.
04:49Mahal na prinsesa! Papasukin mo ako!
04:53Tumayo ang prinsesa upang tingnan kung sino ang kumakatok,
04:56pero pagbukas niya ng pinto, nakita niya ang palaka na naghihintay sa kanya.
05:01Hoy, pangit na palaka! Sino nagsabi sa'yo pumunta ka rito, ha?
05:05Agad niyang sinara ang pinto at dali-daling bumalik sa hapagkainan.
05:10Napansin ang hari ang kakaibang kilos ng kanyang anak.
05:14O anak, may problema ba?
05:17Mahigante bang kumakatok sa pintuan natin at andito siya para kuning ka?
05:21Hindi po, papa. May nakakadiring palaka.
05:25At anong kailangan niya sa atin?
05:27Nako, papa! Nilalaro ko yung ginintoang bola kahapon malapit sa isang balon at nahulog yung bola sa tubig.
05:34Sisisirin daw ito ng palaka sa kondisyong magiging magkaibigan kami.
05:39Nangako ko sa kanya pero hindi ko naman inisip na makakaya niyang kunin yung bola at sundan ako dito sa
05:44palasyo.
05:45At gusto niya pang pumasok!
05:47Mahal na prinsesa, buksan mo ang pinto.
05:50Nangako ka sa akin, hindi ba?
05:54Kailangang tuparin mo ang iyong pangako.
05:57Buksan mo ang pinto at papasukin ang palaka.
06:01Binuksan ang prinsesa ang pinto at agad pumasok ang palaka.
06:05Sinundan niya ang prinsesa hanggang sa kanyang upuan.
06:09Salamat, mahal na prinsesa.
06:11Buhatin mo ako para magkatabi tayo.
06:14Nainis ang prinsesa sa palaka.
06:16Ngunit na makitang nakatingin ang kanyang papa, sumunod na lamang siya.
06:20Ayan!
06:21Sa wakas, magkakasabay na tayong kumain.
06:25Hindi na siyahan sa pagkain ng prinsesa, habang ang palaka naman ay sarap na sarap dito.
06:32Pahingi pa nga ako ng sabaw.
06:34Ang sarap kasi.
06:35Ngayon lang ako nakakain ang ganyan sa buhay ko.
06:38Kokak!
06:39Naubos muli ng palaka ang sabaw sa kanyang mangkok,
06:43habang patuloy pa rin ang pagkayamot ng prinsesa.
06:46Maraming salamat, mahal na prinsesa.
06:48Busog na ako at gusto kong matulog.
06:51Dalhin mo ako sa iyong kwarto.
06:53Ayusin mo ang iyong kama para makahiga na tayo at sabay matutulog.
06:58Tumigil ka nga!
06:59Pwede bang umalis ka na dito sa palasyo ngayon din?
07:03Mahal kong anak,
07:04hindi angkop sa isang prinsesa ang ganyang pananalita.
07:07Nangako ka sa kaibigan mong palaka at dapat mo itong tuparin.
07:11May isang salita ang mga maharligan tulad natin.
07:14Yan ay isang kaugalian na dapat nating sundin.
07:19Ah!
07:21Galit na galit niyang pinulot ang palaka,
07:23tinala sa kanyang kwarto at nilagay sa ibabaw ng tokador.
07:27Diyan ka lang at huwag kang aalis.
07:29Kung hindi, itatapon kita sa gubat bukas.
07:32Pagod na rin ako at gusto ko sanang matulog ng komportable.
07:37Coca, sige ka.
07:38Isusumbong kita sa hari.
07:40Ang sama mo talaga!
07:42Kinuha niya ang palaka at buong lakas nang hindi paulit ito sa paner.
07:47Nahulog ang palaka at agad na namatay.
07:50Naku!
07:52Gumising ka nga diyang palaka ka!
07:54Huwag mo akong takutin!
07:55Paulit-ulit na kinakalabit ng prinsesa ang palaka, pero matigas na bangkay na ito.
08:01Ah!
08:02Patay na ba talaga siya?
08:03Oh, Diyos ko, anong nagawa ko!
08:08Gumising ka na ginuong palaka!
08:11Patawarin mo ako sa masama akong ugali!
08:13Pinulot niya ang palaka sa kanyang pag-iyak at hinalikan niya ito.
08:18At himalang nagmulat ang mata ng palaka at muling nabuhay.
08:24Huh?
08:25Bigla na lamang, nag-ibang anyo ang palaka at naging isang prinsipe na may nakakabighaning mga mata.
08:33Oh, Diyos ko!
08:35Sino ka?
08:37At nasa niyong munting palaka?
08:39Huwag kang matakot.
08:41Ako yung palaka at ngayon, isa na akong prinsipe.
08:45Ikaw kwento ko sa'yo.
08:46Makinig ka.
08:49Bago pa ito mangyari, masyado akong mayhabang at mapanling lang isang arap.
08:54Nasa gubat ako at nanguhuli ng mga hayop.
08:59Bigla na lamang dumating ang diwata ng kagubatan.
09:03Walang awang, prinsipe.
09:05Hindi mo dapat tinrato ng ganito ang mga hayop sa gubat.
09:10May karapatan din silang mabuhay katulad mo.
09:13Hindi nilikha ng Diyos ang magandang kalikasan para sirain mo lang.
09:18Ano bang kasalanan nila sa'yo?
09:20Wala kang galang makipag-usap sa akin.
09:22Hindi mo ba alam kung sino ako?
09:24Ako ang prinsipe ng kahariang ito.
09:27At sa akin ang gubat na ito.
09:29Bawat puno, bawat hayop, at lahat ng nakikita mo ay sa akin.
09:34Baliw na prinsipe.
09:35Pag-aari ng Diyos ang kalikasan.
09:38Diyos ang may likha ng mundo, hindi ikaw.
09:41Kaya wala kang karapatang pumatay ng mga inusenteng hayop.
09:45Tama ng sasat.
09:46Tumambi ka dyan.
09:48Bigla na lamang, lumaki ng husto ang diwata ng kagubatan.
09:52Nagtakot ang prinsipe sa kanyang nakita.
09:55Hambog na prinsipe!
09:57Sinusumpa kita maging isang palaka!
09:59Hahabulin ka ng mga ahas at gagawin ka nilang pagkain.
10:03Tulad ng ginawa mo sa kaawa-awang usa.
10:07Agad naging isang nakakadiring palaka ang prinsipe.
10:11Oh, anong ginawa mo sa...
10:13Oh, anong ginawa mo sa akin?
10:16Parang awa mo na, mahal na diwata.
10:18Patawarin mo na ako.
10:20Ipapangako kung hindi ko nasisirain ang kagubatan.
10:23Magiging mabuti na ako sa mga hayop.
10:26Sige na, patawarin mo na ako.
10:28Marahil na pagtanto mo ang iyong kamalian.
10:31Pero kailangan mo paring maparusahan.
10:33Bibigyan lang kita ng isang kondisyon.
10:36Opo, mahal na diwata.
10:37Kokak, tatanggapin ko ang kondisyon.
10:40Kailangang makahanap ka ng prinsesa na walang respeto sa mga kawawang nilalang
10:45at kumbinsihin siyang maging mabuti sa iyo.
10:48Kung magawa mong mabago ang kanya ugali,
10:51saka ka lamang makakabalik sa pagiging prinsipe.
10:57Lubos na nahiya ang prinsesa sa kanyang ugali.
11:01Huwag ka matakot, akin prinsesa.
11:03Ipangako mo lang sa akin na maayos ka na makikitungo sa lahat ng nilalang.
11:08Magiging mabait ka sa iyong kapwa.
11:11Oo, mahal na prinsipe.
11:14Oo, mabuti kung ganun.
11:15At dahil ang ako kang magiging mabait sa iyong kapwa,
11:18pwede ba akong humingi ng pabor?
11:20Oo naman, kahit anong gusto mo.
11:23Ikaw ang pinakamagandang babae na nakilala ko, mahal na prinsesa.
11:27Iniibig kita.
11:29Maaari mo ba akong pakasalan, Binibini?
11:32Walang pag-aalinlangan,
11:34binigay ng prinsesa ang matamis niyang oo sa kaakit-akit na prinsipe
11:38at kinasal sila sa pahintulot ng hari.
11:42Araw-araw nilang pinapakain at inaalagaan ang mga hayop at kalikasan.
11:48Masaya ang diwata ng kagubatan sa nakitang pagbabago sa mag-asawa.
11:54Magaling mga anak, napatunayan ninyo ang inyong kabaitan bilang mga likha ng Diyos.
11:59Likas ito sa lahat ng tao.
12:03Ngunit ang mga nagpapakita lamang nito sa mundo,
12:06ang tunay na pinagpapala.
12:08Naway lagi kayong patnubayan ng Diyos, ngayon at kailanman.
12:12At habang buhay silang namuhay ng masaya at mapayapa pa.