00:00Simula na po ngayong araw ang diskwento sa pamasahe sa LRT2 at MRT3, kasabay na rin ang pag-anunsyon ng
00:06Department of Transportation ng dalawang buwang diskwento rin sa tol. May report si Floyd Brents.
00:14Magandang balita nga dahil ipinatutupad na ang 50% discount ng pamasahe sa LRT2 at MRT3 bilang tugod ng pamahalaan
00:23sa tumataas na presyo ng langis.
00:25Nakahanda na ang Light Rail Transit Authority o LRTA na magpatupad ng 50% discount bilang tulong sa mga commuters
00:34sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
00:38Sinabi ni LRTA Administrator Hernando Cabrera na naaayos na ang kanilang sistema para otomatikong ma-avail ang diskwento ng mga
00:46gumagamit ng bitcard at ticket vending machine.
00:49Sa mga gumagamit naman ng single journey ticket, mabibili ito sa teller sa diskwentong pamasahe.
00:55Magpapatuloy din ang pagpapatupad ng 50% discount para sa mga PWD at estudyante.
01:01Ang gamit is bitcard automatic na yan. By Monday, pag-top-in nila ng kanilang mga card automatic na 50
01:08% discounted na yan, wala silang dapat gawin.
01:11Yun namang gumagamit ng single journey ticket, ito yung tingi-tingi, one ride lang na ticket.
01:16Yun, kailangan nilang pumunta doon sa, kailangan talaga nilang bumili doon sa teller.
01:22Pagpunta nila doon sa teller, ang isisingil lang sa kanila yung discounted rate na, 50% discounted na.
01:28Samantala, inilabas na rin ng MRT3 ang fare matrix para sa 50% discount na ibibigay sa mga commuters.
01:35Ayon sa pamunuan ng MRT3, makakakuha ng 50% discount sa pamasahe, ano man ang gamitin na paraan ng pagbabayad.
01:43Maaaring gamitin ang single journey ticket, BIP card o cashless payment.
01:48Inanunsyo na rin ang Transportation Department na magsisimula ang dalawang buwang diskwento sa toll para sa public utility vehicles.
01:55Public utility buses at mga sasakyan sa freight services sa pangunahing tollways sa bansa.
02:01Bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa DOTR na maghanap ng paraan para maibsan ang epekto
02:08ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa sektor ng transportasyon dahil sa tensyon sa gitnang silangan.
02:15Sa bagong toll rates, makakatipid ang Class 1 o PUVs ng hanggang 18 pesos kada end-to-end trip habang
02:22ang Class 2 at Class 3 vehicles ay posibleng makatipid ng 47 pesos at 72 pesos kada biyahe.
02:29Ang mga diskwento sa toll ay pagkakaloob sa pamamagitan ng rebate na otomatikong ikrekredit sa lahat ng kwalipikadong sasakyan.
02:37Patuloy naman na pinagahandaan ng mga operators ang posibleng pagdami ng pasahero para matiyak ang kaligtasan ng bawat commuters.
02:45Floyd Brands para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments