00:00Sa ibang balita, maaari ng makuha simula sa September 15 ang student beep cards na may automatic 50% discount sa pamasahe sa LRT1, LRT2 at MRT3.
00:13Ito'y alinsunod pa rin sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing mas mabilis ang biyahe at mas maging abot kaya ang pamasahe ng mga estudyante.
00:22Ayon sa Department of Transportation, kailangan lang ipakita ng mga estudyante ang kanilang valid school ID o ang registration form at agad-agad mapuprint ang student beep cards.
00:35Magtatagal ang validity ng student beep cards sa loob ng isang taon at maaari itong i-renew kada school year.