00:00Lunes na lunes, hirap makasakaya mga pasayaro dahil mas konti raw ang mga bumabiyahing jeep dahil sa mahal ang petrolyo.
00:08Live mula sa Pasig, may unang balita si EJ Gomez. EJ!
00:17Igan, good morning. Nahirapan nga ang ilang mga kapuso nating commuter sa pagsakay ngayong pumaga.
00:23Sa bahaging ito ng Marcos Highway sa Pasig City, ang ilan sa kanila inabot pa ng mahigit kalahating oras ang
00:30hinintay bago makasakay.
00:34May transport strike sa ilang lugar sa Metro Manila. Ramdam yan dito sa Pasig City.
00:41Maraming pasahero ang nag-aabang ng masasakyan ngayong rush hour sa bahagi nitong Marcos Highway.
00:47Karamihan sa kanila papasok sa eskwela o trabaho.
00:51Kanya-kanyang diskarte ang mga commuter. May mga nakikipagunahan sumampas sa jeep.
00:57Ang iba sumasabit na para lang makalarga na.
01:00Ilang pasaherong nakausap natin na nagsabing mas tumagal ang paghihitay nila ngayon ng masasakyang jeep.
01:06Tradisyonal at modern jeepney ay punuan.
01:09Kaya ang ilan late na naman daw sa kanilang trabaho o eskwela.
01:17Napakaira po talaga sa mga kaya ngayon.
01:19Siguro abuti ka po dito 10 to 15 minutes po bago ka makasakay.
01:23Tapos sobrang traffic pa po.
01:25Dito pa transport palengke, abuti ka mga kalahating oras bago ka dumating sa pupuntaan mo.
01:32Inaawot ako ng 30 minutes to 45 minutes pag sasakay.
01:37Dati kasi kapag mga 15 minutes lang nakasakay na ako.
01:42Pag nalilate kasi sa trabaho, penalty yun.
01:45Bawas pa sa trabaho ay sa sahod.
01:47Kaya ang hirap po talaga, lalo na sa mga commuters na katulad po.
01:56Iganit yung nasa unahan namin ay pila ng mga jeep.
01:59May mga punto na talaga napupuno ng mga tao.
02:01Tapos kapag may dadating na jeep, talaga naguunahan sila sa pagsakay.
02:04Kaya agad naman nakakalarga yung jeep.
02:06Dito naman sa aking likuran, kapag may mga humihintong jeep,
02:09kanya-kanya rin ng pagtakbo yung mga kapuso nating commuter
02:14para lang sila ay makalarga o makasakay na papunta sa kanilang eskwela o trabaho.
02:19Meron namang mga traffic enforcer na nagmamando para maibsan yung traffic
02:23sa bahaging ito ng Marcos Highway.
02:25Yan muna ang latest mula rito sa Pasig City.
02:29EJ Gomez para sa GMA Integrated News.