Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, magandang umaga po sa inyo.
00:02Narito po ako ngayon sa gymnasium ng Nueva Ecija University of Science and Technology
00:07na isa po sa 129 activated na evacuation center sa buong lalawigan ng lokal na pamahalaan ng Nueva Ecija.
00:15Sa kasalukuyan po, nasa 24 na pamilya pa ang nananatili rito o halos isandaang katao individual.
00:22At mula po sila sa Aduas Sur, Aduas Norte at Barera dito po sa Kabanatuan, yung mga tabing ilog na lugar.
00:28Pusa po silang lunikas sa takot na baka mapahamak.
00:32At gaya po nila ay marami rin po mga residente sa iba't ibang bayan dito sa buong Nueva Ecija
00:38ang natakot sa Super Typhoon 1 na nagdulot o naminsala hindi lang sa mga agrikultura kundi pati sa infrastruktura.
00:49Sa kasagsaganang pananalasa ng bagyong uwan, mabilis na tumaas ang baha dito sa barangay DL Maglano.
00:55Panic na po kami dahil ayan na po ang biglang dating ng tubig. Sobra po ang lakas.
01:00Umiikot po yung hangin, kaya natakot po kami ng gusto.
01:05Mabilis namang dumating ang rescue para ilikas sila sa evacuation center.
01:10Malaking tulong din ang bayanihan, kahit delikado.
01:13Pinagkakatok na ng ila ng kanilang mga kapitbahay para iligtas ang mga nakatira.
01:17Umiikot po yung tubig niyan eh. Sobrang lakas. Tapos may mga bata pa po ito.
01:21Ngayon, kinakaba na po ako at ayaw lumabas nung kuhan.
01:24Kaya po may kasama po ako, si uncle ko.
01:28Kaya yun, tinulungan po namin yung mga bata. Siyempre, baka malunod.
01:31Malaking pinsala rin ang inabot ng ilang infrastruktura rito sa Karanglan sa paghagupit ng Bagyong Uwan.
01:37Nawasak ang approach slab ng Balwarte Bridge dito sa barangay RA Padilla.
01:41Kaya light vehicles na lang muna ang pwedeng dumaan dito ngayon.
01:45Malaking dagok daw ito dahil ito ang kanilang provincial road.
01:48Nag-scar po yung ilalim ng ating approach slab para po makikita po natin.
01:54Wala na pong laman yung ilalim ng ating pavement.
01:57Masyado po, delikado po sa motorista, lalo na po yung mga heavy trucks na dumadaan dito.
02:02May tendency pong bumagsak.
02:04Dito lang sa Karanglan na abot sa dalawang libong pamilyang apektado at kinailangang ilikas.
02:09Limang barangay pa rin ang nananatiling isolated o di pa maabot.
02:13Nasira pati ang slow protection at gabion wire sa Karanglan River dito sa barangay Burgos na Wasak matapos ragasain ang malakas na alon sa ilog.
02:21Salubungan po kasi ito nung dalawang malalaking river channel na dito po sa Caloocan River at saka po yung Salazar River.
02:32Pag nagsabay po yan, talagang tumataas po na gagad dito po, umabot po na gagabewang.
02:37Kinukot ko at naghahanap po ng malambot na bagay yung lakas ng tubig.
02:41Pag may nasimulan po yan, sigurado, uunti-untiin niya na nagigibain yung mga structure na madadaanan.
02:49Marami rin pinatumbang mga puno at winasak na bukirin.
02:53Ininspeksyon ni Nueva Ecija Vice Governor Lemon Umali kasama ang Engineering Department ang mga nasirang infrastruktura
02:59na mahagi rin ang 500 family food packs para sa mga apektadong residente.
03:03Maging sa bayan ng Laor, tumaas ng husto ang tubig sa Batoferi River kaya pinadapa nito ang maraming kubo na pasyalan ng mga turista.
03:11Ang iba, tuluyan ang tinangay.
03:13Tumaas din ang tubig sa Bankerohan River sa baunda rin ng Palayan at Bongabon.
03:18Sa kabuuan na sa 14,000 inilikas, mahigit kalahati pa rin ng lalawigan ang nananatiling brownout.
03:24Samantala, kaugnay po niyan ay makakasama po natin ng live para magbigay sa atin ng update
03:35ang Provincial Administrator ng Nueva Ecija na si Attorney Adjoma San Pedro.
03:40Magandang umaga po sa inyo, Attorney.
03:41Magandang umaga po, Mama Maris at sa lahat po ng ating mga viewers po this morning.
03:45Alright. Wala pang tulog, no, Attorney?
03:47Una po sa lahat, pwede niyo po ba kami bigyan ng assessment, kaugnay po ng mga pinsala na nangyari dito sa Nueva Ecija?
03:55Meron na po ba tayong estimate ng mga damages, casualties, missing?
03:58Yan. Una po sa lahat, syempre po ang ating lalawigan ay kasama po sa nabilang sa mga dinaanan po talaga ng mga bagyong uwan.
04:06And we're very happy to report and thank God dahil wala po tayong reported casualties sa ating lalawigan.
04:12As of now, wala rin po tayong reported na missing.
04:14Okay. So maganda po yun.
04:16Kaya lang, syempre dahil po tayo ay nadaanan nga din po, marami po tayo yung mga areas na i-report po sa atin na nasira.
04:24Majority po ay syempre yung mga agricultural areas po natin dito talagang na-damage po yung mga crops na hindi pa po naayaani.
04:32And also, kahapon po galing po tayo ng karanglan.
04:35We also saw personally po yung mga areas po natin, yung mga infrastructure po na nasira.
04:39Alright. So wala pang estimated damage, no?
04:42So wala pa po tayong initial report ng estimated damages for both crops and infrastructure.
04:48But right now po today, there is a requirement for them to submit all of the reports.
04:53Kailan po natin masisimulaan yung rehabilitasyon?
04:55Especially dun sa mga areas, yung tulay, tsaka yung kalsada na talagang nasira, especially yung provincial road.
05:01Yes. Yung pong mga under the direct jurisdiction po ng provincial government, lalo na po yung provincial road and bridge po na napunta natin kahapon,
05:09immediately po ay ipapaayos po ito ng provincial government, katulong po ang ating mga lokal na pamahalaan,
05:15lalo na po sa karanglan kahapon.
05:16And yung mga iba namang areas na part na po ng national government, we will submit immediately a report to DPWH para po maiais po agad,
05:25lalo na po yung mga areas o yung mga kalsada lalo na talagang medyo delikado na gamitin po ng ating mga mamamayan.
05:32Kano karami pa po yung mga evacuees na nananatili sa mga evacuation center?
05:37At mananatili pa po ba sila kung gusto yung lagay ng kanilang mga barangay?
05:40Yes. Ngayon po meron po tayong naka-activate pa na 129 evacuation centers sa buong lalawigan.
05:47Yung mga nasa evacuation naman po, majority of them, kaya hindi pa po sila makabalik, ay talagang may danger pa po.
05:53Kasi may mga reported pa po tayo ng mga flooded areas within the province at talagang kailangan pa rin po nilang lumikas.
06:00Pero ngayon naman po ang report sa ating ngayong umaga, unti-unti na po bumababa yung ating mga tubig,
06:06lalo na po doon sa mga nakatira sa tabi ng ilog.
06:07Kaya hopefully po, within the day or until tomorrow po siguro, ay unti-unti na po magsisibalikan po ang ating mga kababayan sa kanilang mga bahay.
06:15Yung mga nagkakasakit po ba sa evacuation centers?
06:18Usual po tayo, nakakaroon po talaga ng typical na mga sakit, lalo na po ng Cebu.
06:23At ito po, lalo na po yung mga bata po nakasama po natin sa evacuation centers.
06:26Pero ang kagandahan naman po, lalo po dito sa ating evacuation center po dito sa Kabanatua,
06:30nandito po ang ating provincial health office at sa lahat po ng ating mga evacuation centers ay ito po'y closely monitored ng kanila po mga city and municipal health offices.
06:38Yung mga isolated areas po ba, mapupuntahan na? Tsaka meron pa po bang brownout?
06:43Yesterday po, nag-report po sa atin, ang mayor po rin po ng Karanglan, na dalawang barangay po sa kanila,
06:49Ang Burgos at Salazar, isang ngayon po ay isolated.
06:51Pero according naman po kay mayor, ay accessible naman po at kaya naman po idala na yung ating mga relief goods na naipadala.
06:58Sa ibang mga areas po dito sa Nueva Ecija, fully restored according po sa NGCP, 4pm yesterday,
07:04ay nag-report po sila. Fully restored.
07:05Kaya lang, may mga areas pa rin po talaga na walang kuryente dahil po yung linya ng kuryente sa kanila mga barangay ang naputol.
07:12Kaya ito po yung inaayos po ngayon ng ating mga utility companies.
07:15Okay. Alright. Maraming maraming salamat po sa informasyong binigay niyo po sa amin.
07:19At sa inyong panahon, Attorney Joma San Pedro, ang Provincial Administrator po ng Nueva Ecija.
07:25So sa mga sandali po ito, nakikita na po natin na hinahanda na po yung almusal ng mga evacuees dito po sa NEUST.
07:32Gusto mo bang mauna sa mga balita?
07:35Mag-subscribe na sa JMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments

Recommended