00:00Sa ibang balita, pinag-aaralan ng gobyerno na ipagbawal sa bansa ang online game na Roblox.
00:06Nagagamit anila kasi ito sa sexual predation at maging sa pag-brainwash sa mga kabataan para gumawa ng karahasan.
00:13Nakatutok si Jonathan Andal.
00:18Sa operasyon noong nakaraang linggo, nailigtas sa Laguna ang mga estudyante na bistong nagplano umanong gumawa ng pag-atake at
00:26karahasan
00:27Sa kanilang paaralan, na-rescue sila bago pa naisagawa ang marahas na plano na binalak-ikasan itong Pebrero.
00:34Na-recruit sila sa pamamagitan ng online game na karaniwang nilalaro ng mga bata.
00:39They recruited the children on Roblox, dinala sa messaging platform doon.
00:43Doon, pinagsak yung mga videos indoctrinating them, convincing them to commit terroristic acts.
00:52Sabi noon ng pulisya, na-expose ang mga bata sa nihilistic violence online.
00:57At ipinanood sila ng mga video ng mass attacker at hinikayat na bumili ng armas.
01:03Sabi ng gobyerno, dapat na silang manghimasok dito.
01:06Dahil dito, pinag-aaralan ng CICC o Cybercrime Investigation and Coordinating Center na i-ban o ipagbawal sa bansa ang
01:14Roblox.
01:15Lalo't sabi ng CICC, nagagamit din ito sa sexual predation, grooming at exploitation ng mga minor de edad.
01:22Binigyan ng CICC ang Roblox ng dalawang linggo para makipag-ugnayan sa kanila.
01:28Parating na lang kami nagbablock pero kung hindi naman nakikinig sa atin.
01:31And I think even other states in the US, hindi talaga sila kinakausap na Roblox.
01:37So they pursued legal actions against that platform.
01:40And we're getting yung mga feedback sa mga magulang.
01:43They're really, really pushing forward for the strict regulation of that particular gaming platform.
01:51If not, total blocking talaga ng platform.
01:53Ang cybercrime watchdog na Digital Pinoy, supportado ang ban na hindi naman daw may tuturing na censorship.
02:00Ito malinaw na accountability ito kasi merong corrective actions na ibinibigay.
02:06At binibigyan po sila ng due process.
02:07Kaya malinaw po na hindi po ito censorship.
02:11Nanawagan naman ang CICC sa mga magulang maging alerto sa mga red flag na mapapansin sa anak na nahuhumaling sa
02:18mobile games gaya ng pagbabago ng ugali at emosyon.
02:22Sinusubukan pa namin kunin ang panig ng Roblox tungkol dito.
02:25Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok 24 oras.
Comments