00:02Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:06Kahit pinalawig na ngayong holiday ang pamamahagi,
00:10bigo pa rin makakuha ng ilang tricycle driver sa Metro Manila ang 5,000 pisong ayuda.
00:15May isang kinamatayan na lamang ang ayuda dahil nasa ospital at hindi personal na nakapunta para makuha ito.
00:22Ang paliwanag dyan ng DSWD sa pagtutok ni Ian Cruz.
00:30Sobrang bigat, sir. Lalo na ngayon na dyan si Papa.
00:35Hindi niya man lang naramdaman or nakuha yung...
00:39Ganoon na lang ang hinagpis ni Shekina sa pagpanaw ng amang si Jimmy Gariga kahapon.
00:45Hindi na niya nakuha ang inaasahang ayuda gayong tatlong dekada na siyang namamasada ng tricycle
00:51bilang kasapi ng Batasan Tricycle Operators and Drivers Association sa Quezon City
00:57at nasa listahan naman ng benepisyaryo.
01:00Ang anak na si Shekina ang pumila para sa kanya simula noong martes.
01:05Dahil marso-ados pa siya labas-masok ng ospital at naka-nasogastric tube pa nga.
01:11Yung time po na yun sabi ko, Pa, may ayuda ka.
01:14Sabi ko, kaya mo? Kaya mo mag-sign?
01:18Nag-sign. Nag-sign po siya for authorization.
01:21Kahit hindi niya po kaya, hindi niya mag-alaw. Pinilit niya po.
01:24Sa kabila niyan at nang bit-bit niyang medical certificate ng ama mula sa ospital,
01:29hindi ayan niya maiabot sa kanyang ayuda para sa ama.
01:32Nag-turu-turu na po kung sino pong pwede kakausap sa akin.
01:35Dahil nga po, si Papa ang nasa master list pero ako po yung mag-sign.
01:40Bawal daw po yun.
01:41Okay lang naman po kahit di nakuha ni Papa yung payout.
01:46Pero sana po sa susunod, maging case-to-case basis.
01:52Nalulungkot kami sa pangyayari.
01:54Hindi ko alam tong particular case na to.
01:55But we'll look into it on how else we can improve the system.
02:00Gayon man, ayon sa Social Welfare Department,
02:03dapat maunawaang hindi talaga pinapayagang maiabot ang ayuda sa kinatawan lang
02:08para maiwasan na mapunta sa iba ang para sa totoong beneficiaryo.
02:13Kawawa rin naman yung tao namin dahil in the sense na pagka nagkamali siya,
02:18let's see, may tinanggap siyang authorization because pinakita ito.
02:22Pero in the end, nag-claim yung tao.
02:25Ang mananagot sa liability na yun, yung paymaster.
02:30Ang mga nagkasakit o may ibang makatwirang dahilan naman,
02:34maaari pa rin makakuha ng ayuda sa itatakdang panahon.
02:38Hindi naman ibig sabihin, hindi ibibigay sa kanya.
02:40Magsischedule kami ng multiple special payouts.
02:42Pinuntahan na ng DSWD ang burol ni Mang Jimmy
02:45para makuha ang mga requirement para sa burial assistance.
02:49Dagdag nito, nabigyan siya ng medical assistance noong nasa ospital pa.
02:53Hanggang kanina ay may mga tricycle driver pa rin hindi nakatanggap ng ayuda
02:58dahil wala sa listahan na inaayos pa ng City Hall.
03:01Ako po, wala pa po hanggang ngayon, apat na araw na po eh.
03:06Ang sabi nila, wala po kami sa master list.
03:09O ano makukuha namin?
03:10Nag-aantay kami ng sa wala, mukha na kami kawawa.
03:13So magkakaroon, magsasabit ulit kami ng listahan sa DSWD.
03:18So inaayos na namin ito, yung mga listahan, mag-open ulit.
03:21Kukunin ulit namin sa mga presidente ng TODA,
03:25kung sino pa sa mga miyembro nila ang hindi pa nakakatanggap.
03:28Sa payout center naman sa 8th Avenue, Kaloocan, hindi na ganoon karami ang kumukuha ng ayuda.
03:34Naging maayos naman ang distribisyon ng ayuda sa Marikina City.
03:39Nag-aantay pa rin naman po kami dito, lalo lalo sa DSWD hanggang 5 o'clock,
03:44para kung sino pa po yung pwedeng nakapunta para mag-claim.
03:47Meron pong master list kami pinopost bago po kami mag-start ng payout.
03:51Simula martes naman, ang pamimigay ng ayuda sa mga driver ng jeepney, TNVS at service delivery.
03:59Sa March 28 naman ang payout sa mga motorcycle taxi driver.
04:04Ayon sa DSWD, pagdating sa mga city bus drivers at mga driver ng regular na mga taxi,
04:11ang DOTR na raw ang bahala sa kanilang ayuda dahil manageable naman daw ang kanilang bilang.
04:17Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz nakatutok, 24 horas.
04:22Sa Ginubatan Albay, nabistong iligal pala ang operasyon ng gasolinahan na nag-aalok ng murang produktong petrolyo.
04:30Bukod sa walang permit mula sa Energy Department, hinihinalang sangkot din ito sa paihi.
04:36Nakatutok si June Veneration.
04:41Kumpara sa ibang gasolinahan, di hamak na mas murang magpakarga ng langis sa gas station na ito sa Ginubatan Albay.
04:50Yun pala, iligal ang operasyon ito dahil walang permit mula sa Department of Energy.
04:56Sinalakay ito ng mga polis at apat ang arestado, kabilang amay-ari.
05:00Mahigit 2 milyong pisong halaga ng regular gasoline at diesel ang nakumpiska.
05:04Pag ganito, dahil iligal ito, medyo mas mababa siya.
05:08Per hour verification with DOE, ay talagang wala siyang license to operate.
05:14So in short, ay bawal siyang magbenta ng petrolyong products.
05:18Duda palang Criminal Investigation and Detection Group.
05:21Galing sa iligal ang mga produktong ibinibenta sa gasolinahan na isang taon nang nag-ooperate.
05:27May nagsumbong umano sa CIDG, kaya isinagawa ang operasyon.
05:30Based on our information, itong gasoline station na ito ay involved sa paihi.
05:37Yung pag nanakaw sa mga, lalo na sa mga tracking, ninanakawan yung mga tracks.
05:45Sa apat na naaresto, ang may-ari na lang ang nakakulo ngayon.
05:48Sabi ng CIDG, dinismiss ang reklamo laban sa tatlo.
05:52Dahil mga tauhan lang sila at hindi alam na walang lisensya ang gasolinahan.
05:58Ngayong may krisis sa langis, mas pinalakas daw ng pulisya ang kanilang pagbabantay laban sa iligal na bentahan.
06:05Actually, mayroon pa nga tayong mga namomonitor nito.
06:09At tuloy lang naman yung aming operation.
06:10In other provinces, mayroon pa rin kaming mga operation.
06:14Para sa GMA Integrated News, June Van Rasyon na Katutok, 24 Horas.
06:20Bagaman may mga makikinabang sa paghina ng piso contra dolyar, lahat apektado kapag nagmakalambilihin.
06:27Isa yan sa mga efekto ng gulo sa Middle East na binabantayan ng Banko Central.
06:32Ang mga pwede nitong gawin para alalayan ang halaga ng piso, tinutukan ni Maki Pulido.
06:41Kung tuloy-tuloy pa ang epekto ng gyera sa Middle East sa presyo ng langis sa world market,
06:47posibleng tuloy-tuloy ang paghina ng piso contra dolyar, ayon sa ekonomistang si Professor Emmanuel Leico.
06:54Habang nagmamahal kasi ang presyo ng langis, mas maraming dolyar ang kailangan.
06:59Kung mataas kasi ang demand sa dolyar pero limitado ang supply nito, tataas ang halaga nito.
07:05Hindi naman gumagalaw ang supply ng dolyar sa merkado, so mapipilitan kang bumili ng dolyar sa mas mataas.
07:13Kasi market nga e, bidding war yan. I need $100, sabi ni Company A.
07:21Sabi ni Company B, I also need $100. So naging $200 na ang demand.
07:28Pero ang supply mo ay nasa $150 lang. So parang kung ikaw ang nagbebenta ng dolyar, ay teka muna.
07:37Hindi ko inibibenta ng, hindi ko pa kakawalan ng dolyar ko ng basta-basta ganyan. Kailangan kumita rin ako.
07:43Okay, so yan yung petroleum price pressure sa world market.
07:50May mga paraan daw ang Banko Sentral ng Pilipinas para alalayan ang halaga ng piso.
07:55Isa rito kung magre-release ang BSP ng dolyar sa merkado para dumami ang supply.
08:01Pagka hindi siya nag-release ng dolyar sa merkado, talagang tataas yan.
08:07Pero gagawin ba ng BSP yan? Yan ang speculation.
08:11Sa April 23 pa ang Monetary Policy Meeting ng Banko Sentral.
08:15Pero binabantayan na raw nito ang epekto ng gera sa Middle East sa inflation at ating ekonomiya.
08:21Sabi ng BSP, nasa higit $113 billion ang kanyang Gross International Reserve as of February 2026.
08:30Tinitiyak daw ng reservang ito na may sapat na dollar liquidity para sa mga pangangailangan sa pag-angkat ng produkto
08:37at pambayad sa mga utang ng bansa.
08:39Katumbas daw ng dollar reserve ang mahigit 7 buwang halaga ng inaangkat na produkto at serbisyo.
08:46Para sa negosyanteng si Sergio Ortiz Luis, may mga winner naman sa pagbaba ng halaga ng piso.
08:52Tulad na lang daw ng mga pamilya ng mga OFW.
08:55Turismo dahil mas maakit ang mga turista kung mataas ang halaga ng pera nila.
09:00At local manufacturers dahil magiging mas mahal na ang imported.
09:04Pag ina-add-add mo yung mga nakikilabang sa mataas ang dollar,
09:09mas majority ang Pilipinos.
09:11Pero para kay Edgar Nalus na pinadadalhan ng anak na nasa Amerika,
09:16sa taas ng bilihin, halos walang epekto ang mataas na dulyad.
09:21Mataas nga yung palit, pero yung bibilhin mo naman, tumaas din.
09:25Pero kung mataas ang palit at yung mga bilihin natin, mababa,
09:28doon, doon ko pwedeng sabihin, makikinabang kami.
09:31Para sa GMA Integrated News, Makipulido nakatutok 24 oras.
09:37Nasagip ang walong menor de edad na ginagamit umano sa kalaswaan kapalit ng pera.
09:43Aristado ang dalawang nambubugaw umano sa kanila.
09:46At nakatutok si John Consulta, exclusive.
09:53Pagsalakay ng mga ahente ng NBI Special Action Unit sa bahay na ito sa San Andres, Maynila,
09:58agad nilang sinagip ang 6 na babae at dalawang nilaki, lahat mga menor de edad.
10:04Ito ay arrest ko rin ko.
10:05Kasi ma'am, ang makasaroon sa kwarto, ipaproseso kayo, pasok ko na kayo sa loob.
10:10Pasok ko na sa loob.
10:11Pasok ko na sa loob.
10:11Mga taga DSWD sila ha.
10:14Inaresto ang dalawang bugaw na nagdala sa mga menor de edad sa lugar.
10:18Sa human trafficking to, yung nag-i-involve sila sa sexual favors para magkaroon ng financial gain.
10:24Meron po silang parang mga group chat na kung saan,
10:27exclusive, nandun doon na kung sino yung mga potential clients nila.
10:31Medyo matagal na nila ito na ginagawa.
10:33Sa pag-iimbisigan ng NBI Special Action Unit,
10:36may natuklasan sila tukos sa dalawang inabutang bugaw sa kanilang operasyon.
10:41Ang mas nakakalungkot dito, yung parang pinakang pimp nila,
10:45yung nag-aalok is sa dalawaring na menor de edad.
10:49We will submit then to a psychological treatment
10:55and lahat ng assistance na pwede mabigay natin dahil mga minors nga itong involved dito.
11:00Ipapatawag ang mga magulang ng mga biktima
11:02para malaman kung paano nasama sa grupo ang kanilang mga anak.
11:05Naarap ang dalawang itinuturing na child in conflict with the law
11:08sa reklamong paglabag sa Expanded Anti-Trafficking Impressions Act
11:12na may parusang 20 taong kulong at 2 milyong pisong multa.
11:17Para sa GMA Integrated News,
11:19John Consulta,
11:21Nakatutok 24 aras.
11:23Doble na ang ipinoprotesta ng ilang transport group sa day 2 na kanilang tigil pasada.
11:29Bukod sa walang prenong oil price hike,
11:31kinonde na rin nila ang pagpreno naman ng Pangulo sa dapat ay taas pamasahe kahapon.
11:37Nakatutok live si Chino Gaston.
11:39Chino!
11:43Emil, pagbasura sa Oil Deregulation Law,
11:46pagbawi sa excise at value-added taxes sa mga produktong petrolyo,
11:50ang sigaw ng grupong sumugod dito sa Mendiola Bridge kanina
11:53para iprotesta ang anilay kawalan ng aksyon ng gobyerno
11:57sa walang patid na pagtaas ng produktong petrolyo sa bansa.
12:04Sa ikalawang araw ng Kilos protesta,
12:07nagmarcha ang grupong piston at iba pang rallyista
12:09mula Welcome Rotonda sa Quezon City tungong Mendiola Bridge sa Maynila.
12:14Paraan nila ito para iparating ang kanilang pagkadismaya
12:17sa pagsipa ng presyo ng krudo at gasolina sa bansa.
12:21Itong Wilga ay tuloy-tuloy na ilulunsan natin
12:25hanggat hindi binabasura ni BBM yung Old Regulation Law,
12:29hanggat hindi tinatanggal yung isa-isaka at saka yung bat,
12:33hanggat hindi iniro-rollback sa halagang 55 pesos per liter,
12:36ang presyo ng petrolyo ay tuloy-tuloy itong ating mga pagkilos.
12:40Hindi lang matatapos sa day 1, day 2, day 3,
12:43hanggat hindi nagbibigay ng klaro, malinaw at konkretong plano
12:48ang ating pamahalaan hinggil sa ating economic crisis
12:53na nararanasan ngayon, magpapatuloy ang ating laban,
12:57magpapatuloy ang ating pagkilos.
12:59Pumuesto at nagprograma ang mga ralista sa gitna ng panulukan ng Legarda,
13:03Recto at Mendiola, kaya hindi na makadaan ang mga sasakyan.
13:07Binatikos din ang grupo ang disisyon ng Pangulong Marcos
13:10na ipaliban muna ang pagtaas ng presyo ng pamasahe
13:13sa pampasaherong jeep at mga bus.
13:15Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Claire Castro,
13:18binabalansin ang gobyerno ang pagtulong sa commuters
13:21at sa sektor ng transportasyon sa gitna ng lumalalang krisis,
13:25bunsod ng gera sa gitnang silangat.
13:31Emil Pasado, alas 4 ng hapon ay tinapos na ng grupo
13:34ang kanilang programa dito sa May Menjola Bridge
13:36pero sabay iwan ang babala sa gobyerno
13:39na hindi ito ang kanilang huling kilos protesta
13:42para singilin ang anilay kawalan ng aksyon ng gobyerno
13:46sa gitna ng krisis.
13:48Emil.
13:48Maraming salamat, Chino Gaston.
13:51Natanggap na ng abogado ni Vice President Sara Duterte
13:54ang imbitasyon para sa pagdinig
13:56sa hinaharap niyang dalawang impeachment complaint.
13:59At kung dadalo siya, alamin sa pagtutok ni Jonathan Andal.
14:06Ito ang ipinadalang imbitasyon ng House Committee on Justice
14:09kay Vice President Sara Duterte
14:11para sa hearing sa dalawang impeachment complaint laban sa kanya
14:15Ayon kay Atty. Michael Powa, abogado ni Duterte
14:18natanggap na nila kahapon ng imbitasyon
14:20pero hindi pa raw nila ito na pag-uusapan ng Vice Presidente.
14:23Sabi ni Justice Committee Chair Congresswoman Jervie Luistro
14:26hindi nila pipilitin si Duterte na dumalo sa pagdinig
14:30na tinawag din niyang mini-trial.
14:32Ito pong mini-trial na ito
14:34we are using this for the better understanding of the Filipino people
14:38dahil pagkakaroon po ng presentasyon ng witnesses
14:43presentasyon ng mga evidence
14:44ng complainant at ng respondent.
14:47But again, let me state for the record, Egan,
14:49the full-blown trial will happen only in the Senate of the Philippines.
14:54Itinakda ng House Justice Committee
14:56ang hearing ng impeachment complaint sa apat na araw,
14:59March 25, April 14, April 22, at April 29.
15:04Paglilinaw ni Luistro,
15:05ang pwede lang mag-cross-examine sa mga iyaharap na testigo
15:08ay mga kongresistang miyembro ng Justice Committee.
15:12Hindi pwede si VP Sara,
15:13ang kanyang mga abogado,
15:14at kahit ibang kongresistang hindi miyembro ng kumite.
15:17Kung hindi sisipot ang bise,
15:20hindi rin daw uubra na ang abogado lang nito
15:22ang magpipresenta ng ebidensya para sa kanya.
15:25Hindi rin pwede ang mga kaalyado niyang kongresista.
15:28Para sa GMA Integrated News,
15:30Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Oras.
15:32Mga kapuso, ngayong palabit na ang tag-init kung kailan uso ang rabies.
15:38Hindi lamang sa aso dapat mag-ingat.
15:41Kung makagat, ingat din sa mga bakuna contra rabies
15:44dahil baka peke tulad ng mga napisto sa tagig.
15:48Ang resibo sa eksklusibo kong pagtutok.
15:54Sa loob ng halos isang taon,
15:57walang tigil na minanmanan ng resibo.
16:00National Bureau of Investigation,
16:02Dangerous Drugs Division at Food and Drug Administration
16:05ang isang reklamo na natanggap ng programa.
16:08May nagre-repak umano at nagbebenta
16:10ng mga hindi reyestradong anti-rabies vaccine
16:13sa isang bahay sa tagig city.
16:15Ano nakababahala kung kayo ang tatanungin
16:17kapag ka ito'y naiturok na sa tao?
16:21Hindi na ito mabisa kung gagamitin sa tao.
16:25Maliban sa mislabel dito, adulterated dito,
16:29it will cause a great or significant danger sa human health.
16:33March 19, silalakay na ng mga otoridad at ng resibo
16:37ang target location para kumpirmahin ang iligal na pagawaan.
16:42Pero ang mag-asabang seller,
16:44iginiit na original naman daw ang kanilang mga panindang bakuna.
16:48Hindi kami, sila nagbibinta.
16:51Pero kami magpipick up sa inyo.
16:54Sila rin talaga mga seller.
16:57Maabot pa nga kayo sa bangbang eh.
17:00Wala po ang post-order.
17:04Saan ba nga niyan?
17:05Sa India.
17:06Pinagpap po sa amin.
17:08Pero hindi sinagpo niyan, hindi po niyan fake.
17:11Natagpuan din ang iba pang mga klase ng gamot
17:13na posibleng pinepeke rin daw.
17:15Ayon pa sa mga otoridad,
17:17umabot na maigit 30 million pesos ang nalaga
17:19ng mga nasabat na peking bakuna.
17:21Buriin nyo kung makagat kayo ng kaso.
17:23Walang epekto yung...
17:25Hindi nyo ba naisip yun?
17:28Nang mapisto,
17:29dinala na ang mag-asawa sa NBI detention facility sa Pasay City.
17:33Nakakarap sila sa mga kasong paglabag sa RA 9711
17:36o the Food and Drug Administration Act of 2009
17:40at sa RA 8203
17:42o yung Special Law on Counterfeit Drugs
17:45ang buong ulat.
17:47Abangan sa Recibo
17:48sa susunod na linggo.
17:55Happy Friday, chikahan na mga kapuso!
17:58Star-studded ang Rak-Rakan 2026
18:01sa Gensan at Pasundayag 2026
18:04sa Coronadal City
18:05na pinasaya pang lalo
18:06ng cast ng apoy sa dugo
18:08at Born to Shine.
18:09May report si Efren Mamak
18:11ng GMA Regional TV.
18:18Moderno,
18:19malikhain
18:20at full of energy
18:21ang dance performances
18:23ng mga estudyante
18:24sa Rak-Rakan 2026
18:26na bahagi ng College Day celebration
18:28sa Ramon Magsaysay Memorial Colleges Incorporated
18:31sa mismong campus nito
18:33sa General Santos City.
18:34Isa na rin ito sa pasasalamat namin
18:36sa aming mga students
18:38on their achievements
18:39since so many months
18:40on the four corners of their classroom.
18:44Pero mas naging extra special yan
18:46nang makisaya
18:47ang cast ng kapuso
18:49psychological thriller
18:50and family drama series
18:52na apoy sa dugo.
18:53Nagandog ng song performance
18:55si Ashley Ortega
18:58Derrick Monasterio
19:04at L. Villanueva
19:08Nagbigay rin sila
19:09ng advice
19:10sa mga mag-aaralan.
19:11Mag-aaral kayo ng mabuti.
19:12Siyempre,
19:13okay lang
19:14mag-enjoy sa buhay
19:15pero like
19:16andito kayo sa school
19:17treat this as a place
19:18of learning.
19:22Nauulam mo ng utak
19:23bago ang puso.
19:24Yeah.
19:25Speaking of puso,
19:26kamos naman?
19:27One million percent happy.
19:30Basta i-balance nyo lang
19:32yung studies nyo
19:33tsaka yung pagbabarkada,
19:35yung social life nyo
19:37and studies nyo
19:37lagi nyo yan i-balance.
19:40Star-studded din
19:41ang pagdiriwang
19:42ng College Day celebration
19:43ng Ramon Magsaysay
19:44Memorial Colleges
19:45Marvel Inc.
19:47na isinagawa
19:47sa South Cotabato Sports Complex
19:49sa Coronadal City.
19:51Cast ng upcoming
19:52GMA Musical Drama Series
19:54na Born to Shine
19:55naman ang mga nakisaya roon.
19:57Kabilang dyan
19:57si na Michael Sager,
20:01Zephanie,
20:04at Olive May.
20:08Mula sa GMA Regional TV
20:11at GMA Integrated News,
20:13Efren Mamak
20:14nakatutok 24 oras.
Comments