Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

šŸ—ž
News
Transcript
00:00Ang isinusulong na pagbasura sa Oil Deregulation Law
00:03hindi lang para mapamura ang presyo ng langis
00:06ayon sa Ebon Foundation,
00:08kundi para sa transparency
00:10sa nagiging gastos ng oil companies
00:12na natatakda naman ang presyo ng mga produktong petrolyo.
00:16Ayon naman sa House Energy Committee at ilang eksperto,
00:19kailangang mangutang para mapamura ang presyo ng langis sa Pilipinas
00:23kumpara sa presyo nito sa world market.
00:27Balitang hatid ni Jonathan Andal.
00:32Bago ang 1998,
00:34gobyerno ang may kontrol sa presyo ng langis sa Pilipinas.
00:38Ang malakihang paggalaw ng krudo noon sa world market
00:40hindi agad ipinapasa sa mga lokal na gasolinahan
00:43at pinupunan muna ng Oil Pride Stabilization Fund
00:47o OPSF na itinatag noong 1984.
00:51Pinupundohan niya ng iba-ibang buwis sa langis,
00:53sobrang kita at savings ng oil companies.
00:56At kung sobrang mura ng pag-import ng langis,
00:59hindi agad ibinababa ang presyo nito sa lokal na merkado
01:02para ipunin at ilagay rin sa OPSF.
01:05Gayunman, lugi ito dahil sobra-sobra ang iminamahal ng langis sa world market
01:11at pinupunan ng subsidy mula sa kaban ng bayan o bulsa ng mga Pilipino
01:16na bago yan nang maisabatas ang Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998.
01:22Inalis sa gobyerno at binigay sa mga oil companies ang kontrol sa pagpipresyo.
01:27Dapat nakasunod yan sa world prices.
01:30Pero tingin ng ilan, kagustuhang kumita ng mas malaki
01:33ang nagdidikta ng kanilang presyo imbis na mismong gastos lang.
01:38Panawagan nila, ibasura ang Oil Deregulation Law.
01:41Hindi siya pwedeng iwan sa merkado, lalong-lalong hindi pwedeng iwan sa kamay ng mga negosyante
01:46na gagamitin ang lahat ng kanilang kapangyarihan para kumita.
01:51Ang transportasyon ng Pilipinas, 95.5% na nakadependes sa langis.
01:56Kabilang yan ang mga sinasakyan natin papuntang trabaho
01:59at yung mga nagde-deliver ng mga produkto.
02:02Hindi siya regular na nakalakal.
02:04Yung langis ay napaka satihikong produkto.
02:07Pero tanong ng House Energy Committee,
02:10saan kukuha ng pondong pampuno sa diferensya ng langis sa world market
02:14para mura pa rin ang presyo sa Pilipinas?
02:16Yung ating budget na yun na 6.9 trillion.
02:232 trillion o utangin pa natin.
02:26We are short of funding our national expenditure program.
02:29Para mura pa rin ang langis sa Pilipinas kahit mahal sa buong mundo,
02:33ipangungutang yan at babayaran natin.
02:36Kasi tayo babayad ng tax.
02:38Kung itataas yung tax para lang mabayaran yung mas mahal na langis.
02:43Which means na hindi mapagpatayo ng mga kalye, mga tulay, mga sekwela
02:51dahil napunta dun sa pagbayad ng utang.
02:55Gumaganaan niya ang oil deregulation dahil nagkukumpitensya ang mga kumpanya.
02:59Kaya nga may mga mas murang langis.
03:01Hindi naman daw laging may krisis sa Middle East para alisin ang oil deregulation.
03:07These things na mga extraordinary events like this,
03:10tatanggalin mo just for an extraordinary event like a war.
03:14Parang doesn't make sense.
03:16Ganyang extraordinary event ang bataya ng isinusulo ngayong bigyang kapangyarihan ng Pangulo
03:21na alisin ang excise tax.
03:23Pwede lang yan kung isang buwan ng $80 per barrel ang average na presyo ng langis.
03:27Pero sabi ni Sen. President Tito Soto,
03:30If they do not agree with some of the points that we will be including in the excise tax law,
03:37then we will be forced to push for the repeal of the oil deregulation.
03:44Kung maipapakita nila at mai-influensya nila sa pamamagitan ng kanilang pagbalangkas ng batas
03:52ang ating Pangulo, lahat po ng ikagaganda ng masa, hindi naman po tututulan ng Pangulo.
03:58Pinare-repaso na rin ang Energy Secretary ang oil deregulation loop.
04:01Not a full regulation, but to a certain extent, hybrid siya.
04:09In times like this, there has to be a certain control.
04:12But we want also to protect the interest of the public.
04:16Transparency rin lang naman ang gusto ng Ibon Foundation para makita talaga ang gastos ng oil companies
04:21mula sa pagbili ng krudo hanggang sa pagproseso nito papunta sa mga gas station.
04:26Nirequest na namin yan sa gobyerno.
04:29Nirequest na rin ang action namin sa mga oil companies dati pa.
04:32Hindi nila nire-reveal ang pricing nila kasi proprietary.
04:35At under the oil deregulation law, tinanggal ng gobyerno ang kanyang otoridad na i-demand na isa publiko yun.
04:42Maling akalaan nila na isipin ang deregulation ay tungkol lang sa pagpako sa halaga ng langis sa world market.
04:49Pwede rin silipin kung sobra-sobra na pala ang kita ng mga kumpanya.
04:53Kumpara sa totoo nilang gastos, bagay na nawala nang ipasa ang oil deregulation law.
04:58Ang laki ng epekto sa presyo ng bilihin, sa handak buhay na napakaraming Pilipino.
05:03Para may transparency tayo lahat.
05:06Because I do believe, if people understand the pricing and they are confident about the pricing,
05:13then they will accept the price.
05:16Kung mahal man yan, eh mahal talaga siya.
05:18Kung mura, mura siya.
05:20But we need to revisit.
05:22Jonathan Nandal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:25Music
05:26Music
Comments

Recommended