Skip to playerSkip to main content
  • 4 hours ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong March 20, 2026

- Bahay na ginagawa umanong katayan ng aso sa Navotas, bistado; 3 suspek, arestado

- Huli-cam: Pusa, patay matapos hampasin ng kahoy ng isang lalaki sa Brgy. Holy Spirit

- All-time low na pagsadsad ng piso kontra-dolyar na P60.10 =$1, naitala kahapon

- Schedule ng pamimigay ng cash aid sa mga PUV driver sa susunod na linggo, inilabas ng DSWD

- Buhawi, namataan sa loob ng eskuwelahan

- PAGASA: 7 pangalan ng bagyo noong 2025, pinalitan dahil sa iniwang malawak na pinsala sa buhay at ari-arian

- Mag-ama, sugatan matapos masagi ang motorsiklo nila ng nag-overtake na ambulansiya

- Alyas "Danny" na 1 sa 3 Pilipinong espiya umano para sa China, na-recruit daw sa messaging app matapos mag-post online kaugnay sa part-time job // Alyas "Danny," nagpanggap na miyembro ng PCG; Kino-contact sa pamamagitan ng ibinigay na cell phone ng foreign handler // Impormasyon tungkol sa RoRe ng Phl Navy sa WPS, hiningi kay Alyas "Danny"// Alyas "Danny," palihim na kinuhanan ng impormasyon ang kaibigan niyang opisyal ng PCG // Relasyon ni Alyas "Danny" at kaniyang foreign handle r, nagkalamat nang banggain ng CCG ang BRP Cape Engano noong 2024 // Handler ni Alyas "Danny," nagpakilalang Korean national na nakabase sa U.S. // Alyas "Danny," nahuli noong June 2025 sa pamamagitan ng insider threat program ng g obyerno // AFP, patuloy na inaalam kung sino pang mga Pilipino ang posibleng bahagi ng spy network ng China

- Electric Vehicles Association of the Philippines: Demand sa electric vehicles, tumataas ngayong mahal ang langis

-Kuya Kim Atienza, tumulong sa netizen na naghahanap ng psychiatrist

- Phl Women's National Football Team, pasok sa FIFA Women's World Cup 2027

-Giant Calamay na may timbang na 1,867 kilos, tampok sa Tobacco Festival 2026

Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).

For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

đŸ“º
TV
Transcript
00:00Music
00:16Maka Igan, pasintabi sa mga nag-aagahan,
00:19bistado ang isang bahay sa nabotas na ginagawa umanong katayan
00:22na mga aso na ang karne binibenta umanong sa Divisoria sa Maynila.
00:27Arestado ang tatlong suspect na walang pahayan.
00:30May unang balita si Bea Pinlak.
00:36Kaawa-awa ang kalagayan ng asong nadatnan ng maotoridad na wala ng buhay
00:40at nakasabit sa banyo ng isang bahay sa barangay Bagong Bayan South Navotas nitong lunes.
00:46Ang katawan ng isa pang aso, duguan at nilalangaw na habang nasa sahig.
00:52Sa sakong ito naman, natagpuan ang ilan pang nakatay na parte ng katawan ng aso.
00:58This has been going on for a while.
01:00Yung report sa akin is hinuhuli nila yung mga dogs from Malabon, Kaloocan, Navotas
01:08and may mga contractual na pumupunta sa bahay nila at kinakakay sa bahay nila.
01:18Ang karaniwang target umano ng mga sospek, mga asong gala.
01:22Ang iba, posibling alagang aso dahil sa collar sa leeg.
01:27Ilang araw matapos isumbong sa pulisya,
01:30nahuli sa aktong nagkakatay ng aso ang 26-anyos na lalaki at kanyang asawa.
01:36Arestado rin ang isa pang babae na tinangkaumanong harangin ang pag-aresto sa mga sospek.
01:41Isa ang pinagahanap pa.
01:43Nakuha sa mga sospek ang ilang leash o tali ng aso at mga kutsilyong ginagamit umano nila sa pagkakatay.
01:52Base sa investigasyon ng pulisya,
01:54binibenta umano ng mga sospek ang karne ng aso sa Divisoria sa Maynila
01:58sa halagang 200 to 250 pesos kada kilo.
02:03Nakakulong ang tatlong sospek sa Navotas City Police Station.
02:06Nakaharap ang mag-asawang sospek sa reklamong paglabag sa Animal Welfare Act,
02:12Anti-Rabies Act, Food Safety Act,
02:14pati na rin sa pagpalag-umano sa pag-aresto sa kanila.
02:18Reklamong obstruction of justice naman ang inihain laban sa kanila umanong kasabwat.
02:23Sinusubukan pa namin kunin ang panig ng mga sospek.
02:26They said, yan na lang yung ano nila, means of livelihood.
02:31Nagbabala rin ang grupo sa banta sa kalusugan ng pagkain ng karni ng aso.
02:37There are health risks because that is not livestock.
02:42Pagtitiyak ng Navotas LGU,
02:45paiigtingin nilang pagpapatupad sa mga batas
02:48para maproteksyonan ang mga hayop at ang mga residente ng lungsod.
02:52Ito ang unang balita.
02:54Bea Pinlak para sa GMA Integrated News.
02:59Huli kam ang isa pang isidente ng pangaabuso sa hayop sa Cason City.
03:03Kita po sa CCTV na nasa gilid ng kalsada sa barangay Holy Spirit ang pusa.
03:10Ilang sandali lang, isang lalaki may hawak na kahoy ang lumapit at tinampas na ang hayop.
03:15Ayos sa pulisya, natagpon na lang na may ari ang alaga niya sa harap ng kalambahay na patay na.
03:21Maarap sa reklamong paglabag sa Animal Welfare Act, ang suspect na sumuko sa pulisya.
03:27Ayos sa QCPD, pinilaya siya matawas matanggap ang resolution mula sa Office of the City Prosecutor.
03:33Wala siyang pahayag.
03:34Tumagin rin muna magbigay ng pahayag ang pulisya.
03:39Hindi na raw nakakagulat ang pagsansad ng halaga ng piso kontra dolyar na 60 pesos and 10 centavos kada isang
03:47dolyar.
03:47Ay kay Philippine Exporters Confederation Incorporated President Sergio Ortiz Luis,
03:53ang mahalagaan niya hindi mabilis ang pagbagsak ng halaga ng piso.
03:57Kaya niya hindi naman ito magre-resulta sa iba pang inflation.
04:01Para naman kay Philippine Chamber of Commerce and Industry Chairman George Barcelon,
04:06ang pagsansad ng piso ay resulta ng mega oil price hike.
04:10Nababahala naman siya sa posibleng snowball effect nito sa iba pang bilihin na tutulak umano pataas sa inflation rate.
04:17May kapangyarihan ng Banko Sentral ng Pilipinas na kontrolin ang paggalaw ng halaga ng piso
04:22sa pamagitan ng pagbili ng dolyar o pagbenta nito mula sa dollar reserves ng bansa
04:26para hindi masyadong sumipa ang foreign exchange rate.
04:30Sa isang pahayag, sinabi ng BSP na batay sa Flexible Foreign Exchange Rate Policy,
04:35ang iniiwasan lang nila ay ang malakihang paggalaw ng palitan ng piso na maaring maka-apekto sa inflation.
04:45Magpapatuloy sa susunod na linggo pa mahagi ng 5,000 pisong cash aid
04:49ng Department of Social Welfare and Development o DSWD para sa mga public utility vehicle driver.
04:54Kung ngayong linggo ay para sa tricycle driver, sa Martes, March 24.
04:58Mga katanggap na rin ang mga Transport Network Vehicle Service o TNVS driver.
05:03March 25 naman ang mga jeepney driver.
05:06March 26 hanggang 27 ang mga delivery service rider.
05:10Abang Sabado, March 28 ang motorcycle taxi drivers.
05:14At sa lunes po, March 23, walang isasagaw ang payout na ayuda ayon sa DSWD.
05:25Pag-iingat muli ang ilang nating mga kapuso sa matinding init at alinsangan ngayong araw.
05:31Ayon po sa pag-asa ay posibleng umakyat sa 40 degrees Celsius ang heat index sa Cotobato City.
05:3638 degrees naman po sa Davao City habang 34 degrees Celsius ang posibleng heat index o damang init sa Pasay.
05:43Nasa extreme caution level yan mga kapuso na posibleng magdulot ng fatigue, ng heat cramps o kaya naman po ay
05:50heat exhaustion sa ilang nating mga kapuso.
05:52Lalo na po ang mga nakatatanda, mga bata, bontis o yung may mga comorbidities.
05:57Stray hydrated po mga kapuso.
05:59Samantala, isang buhawi ang namataan sa loob ng Mangaldan National High School sa Pangasinan.
06:04Maraming estudyante ang nagulat sa biglang pag-ihit ng malakas na hangin hanggang sa makita na nila ang pamumuo ng
06:10buhawi sa oval ng eskwalahan.
06:12Dahan-dahan din po itong nawala.
06:14Walang naiulat na nasaktan o napinsala.
06:17Ayon sa pag-asa, kariniwang nabubuo ang buhawi kapag nagtatagpo ang mainit at basang hangin mula sa itaas na kariniwang
06:24nagmumula sa malalakas na thunderstorm.
06:26Paalala po mga kapuso, stay safe and stay updated.
06:30Ako po si Anjo Perchera. Know the weather before you go.
06:34Parang mag-safe lagi.
06:35Makapuso.
06:37Na decommission o inalis na ng pag-asa ang 7 pangalan ng bagyo mula sa listahan noong 2025.
06:44Ayon sa pag-asa, kabilang dyan ang pangalang Crising, Emong, Mirasol, Nando, Opong, Tino at Uwan.
06:55Inalis na mga ito dahil nakapagtala ang mga nabangit na bagyo ng malawag na pinsala sa buhay at ari-arian.
07:01Simula sa 2029, papalit na ang mga ito ng mga pangalang Chico, Elias, Bagyawan, Nilan, Omar, Tala at Urbano.
07:14Sugatan ang magamang sakay ng isang motorsiklo matapos masagi ng ambulansya sa Araya at Pampanga.
07:20Nag-overtake ang ambulansya sa double solid yellow line sa Marangay, Mapalad.
07:25Dalawang tricycle ang umiwas. Hindi naman nakaiwas ang isa pang motorsiklo, kaya nasagi na ambulansya.
07:33Natumba magamang sakay nito.
07:35Pumalik naman ang ambulansyang nakasagi sa motor at isinakay ang mga biktima papunta sa ospital.
07:40Inaalam pa kung may sakay na pasyente ang ambulansya nang mangyari ang insidente.
07:45Ayos sa pulisya, nakalabas na ang ama sa ospital habang nagpapagaling pa ang labing isang taong gulang niyang anak.
07:51Nangako ang driver ng ambulansya na sasagutin ang gastusin sa pagpapagamot sa mga biktima.
07:59Kinuwento ng isa sa tatlong Pilipinong nahuli ng espia o mano para sa China kung paano siya nirecruit ng isang
08:06nagpakilalang Korea National na nakabase sa Amerika.
08:09Siniwalit niya rin kung paano siya nakakuha ng informasyon mula sa isang opisyal ng Philippine Coast Guard
08:14at informasyon tungkol sa mga raw remission sa West Philippine Sea.
08:24Sa isang secure military facility, nakilala ko si Alias Dani, isang sibilyan na may negosyo sa Palawan.
08:31Hindi sinabi kung ano ang tunay niyang pangalan at nakatakip rin ang kanyang muka.
08:36Pero isa siya sa tatlong na bistong Pilipino na nag-i-espia daw para sa China.
08:42Hawak siya ngayon ng Armed Forces of the Philippines.
08:44Kwento ni Dani, nakontak siya ng kanyang foreign handler sa isang messaging app noong 2024
08:50na nagpakilalang grupo ng mga journalist na nakabase sa US.
08:53Nagsimula ko sir dahil na contact nila ako by internet.
09:00Kasi nagpost ako sir doon sa, ag-a-apply ako sa job part-time.
09:06Then nakukan nila ako doon sir, nag-contact sila sa akin.
09:10Bale, nauna sila mag-contact by WhatsApp.
09:14Doon kami nagsimula mag-usap.
09:19May pinapagawa silang mga ganito na simula nagtatanong-tanong kung ano yung mga kagamitan
09:27ng Philippine Coast Guard, ng Navy, which is ano naman sa internet available.
09:36So madali lang po yung mga napapagawa nila.
09:39Hindi naman mahirap para sa akin.
09:41And kumikita rin ako.
09:43Lalong nagka-interes rao ang kanyang foreign handler
09:46nang magpanggap siyang miyembro ng Philippine Coast Guard.
09:48Taong 2024, binigyan siya ng cellphone kung saan idinadaan ang lahat na komunikasyon.
09:55Yes sir, yung cellphone lang sir.
09:57Cellphone na mayroong laman na games.
10:01Special games na kailangan ng code para mapasok yung mismong communication na andan sa game.
10:09Tapos yung communication na yun, pwede ka tumawag, pwede ka mag-text o ano?
10:13Yes sir, pwede tumawag, pwede mag-text, pwede mag-send ang files.
10:18Tapos ikaw lang nakabukas na?
10:20Ako lang nakabukas.
10:21Ano yung by fingerprint?
10:23By code.
10:24Nang lumalim na ang impormasyong hinihingi, pumalit daw bilang handler si Peter
10:29na naghahanap ng impormasyon tungkol sa Rotation and Resupply Mission o RORI ng Philippine Navy sa West Philippine Sea.
10:37Lumaki rin daw ang bayad.
10:38Ayaw niya sabihin kung magkano pero abot daw ito sa daang libong piso.
10:42Anong sinasabi naman itong mga elders mo ko nagbibigay?
10:47Bale sir, interesado lang sila sir sa RORI ng isyon, sa visit ng ibang bansa sa Palawan.
10:56Yung mga sir, lalo na yung ASEAN, yan yan sir yung mga interesado siya.
11:02So siyempre sir, hindi ko naman ano yun.
11:05Hindi ko alam talaga yun.
11:07So dahil nga sa malaki nga yung bibigay na pera, nagsimula na ako sir magkalkal ng mas malalim na impormasyon.
11:18Dahil dito, lumapit si Danis sa isang kaibigan na opisyal ng Philippine Coast Guard
11:22at palihim na kinuha na ng impormasyon sa pamamagitan ng pag-access sa messaging app at email.
11:28Dahil sa tiwal niya sa akin sir, nakuha ko yung account niya.
11:33Bali ang hundred sir, may dual messenger kasi.
11:37So pwede ka maglagi ng dalawang account.
11:40Kinuha ko, nakuha ko yung account niya.
11:43Bali, hawak ko yung cellphone niya para lumabas yung authentication, hindi niya makita.
11:48So dinidelete ko yun sir para di niya makita.
11:51So hawak ko yung cellphone niya?
11:52Yes sir.
11:53Hindi niya napansin?
11:54Hindi niya sir napansin.
11:56Nagkaroon ng lamat ang relasyon ni Danny at Peter
11:59ng Banggainang China Coast Guard at BRP Cape Enganyo sa Sabina Shoal.
12:03Ilang araw lang, matapos magbigay siya ng schedule at detalya ng raw remisyon.
12:08Sisingsisirao si Danny sa nangyari kaya nasingil niya ang kanyang foreign handler.
12:12Para sa akin hindi yung coincidence sir.
12:17Kasi nabigay ko yung details ng raw remisyon.
12:22Doon binangga nila yung ano.
12:25Tapos malaking halaga pa yung ibinigay niya sa akin.
12:29Siyempre sir, kung iisipin mo sir, asaglit yun sa kanya.
12:33Kasi hindi siya sir nagbibigay ng ganong halaga sa akin.
12:36Dahil nagalit ako, nagbigay siya.
12:39So hinala na.
12:40Tapos pumunta pa siya dito sir.
12:41Para pakalmahin si Danny, nakipagkita sa kanya si Peter noong December 2024
12:46ang inakala niyang Amerikano mukha raw Asian.
12:49Nagpakilala raw itong Korean National na nakabase sa US.
12:54Yes sir.
12:55Kasi nung bago kami sir mag-meet ni Peter,
12:59sinabi niya sa akin na it's okay na makipag-meet daw ako.
13:03Kasi hindi lang daw ako yung mga hirang sa goberno na may meet niya.
13:09Na parang gano'n din?
13:11Yes sir.
13:12Para mag-usap.
13:14Maso may iba siyang pamiting?
13:16Yes sir.
13:17December no, 2025?
13:19Yes sir.
13:19Tama ba?
13:20December 2024 sir.
13:21June 2025, nahuli si Danny ng mga otoridad sa pamamagitan ng insider threat program ng gobyerno
13:27para tuntunin ang mga security leaks.
13:29Ayon sa AFP, patuloy ang kanilang counter-intelligence operation
13:34para malaman kung sino-sino pang mga Pilipino ang maaring bahagi ng spy network.
13:39It doesn't mean pag may nailabas kami, yun lang ang alam namin.
13:44There are active cages ongoing as we speak right now
13:46that are designed again to unearth yung lawak ng network nila dito.
13:53Naglabas ng hotline ng AFP para sa mga tao kagaya ni Danny na maaring napasama
13:58o di kaya naiipit sa ganitong espionage operations.
14:02Ito ang unang balita.
14:04Chino Gaston para sa GMA Integrated News.
14:07Kayong napakataas ang presyo ng gasolina at diesel,
14:10tumaas ang demand sa electric vehicles ayon sa Electric Vehicle Association of the Philippines.
14:15Sabi ng EVAP, dahil sa dami ng nagtatanong at bubibili ngayon ng EV vehicles,
14:21ang dating tatlong araw na paghihintay para makakuha nito,
14:24umaabot na ng dalawa hanggang apat na linggo.
14:27May ilan namang TNVS driver lumipat na rin sa paggamaneho ng electric taxi.
14:32Sa kabila niyan, hamon pa rin ayon sa EVAP
14:36ang bilang ng public charging stations para sa mga EV.
14:40Target nilang umabot ito ng 7,300 sa 2028.
14:45Sa kayon, mahigit siyam na rakan pa lang ang public charging station sa bansa.
14:58Isang netizen na nangangailangan ng mental health support
15:01ang tinulungin din ni Kuya Kim Atienza.
15:03Nagpost sa threads ang netizen na nangangailangan siya ng psychiatrist.
15:08Nag-reply si Kuya Kim na may private message siya sa netizen
15:11sabay-sabing tight hug.
15:13Nagpasalamat ang netizen sa suporta ni Kuya Kim
15:15na hindi lang daw tulong pinansyal na binigay,
15:17kundi pag-asa na rin sa pinagdadaanan niyang silent battle.
15:21Bago yan, isang netizen din
15:23ang nakaranas ng labis na kalungkutan
15:25ang napasaya ni Kuya Kim
15:26matapos imbitahan sa TikTok Lock.
15:36Qualified na sa 2027 World Cup ang Philippine Women's National Football Team.
15:41Yan ay matapos sumatalo ng Team Pilipinas ang Uzbekistan sa AFC Women's Asian Cup play-in sa Australia.
15:48Natapos ang first half nang walang nakakaskor sa parehong panig.
15:51Pagdating na second half, nakadalawang goal ang Pilipinas.
15:56Hindi na nakabawi ang Uzbekistan hanggang makuha ng Pilipinas ang panalo.
16:01Ang pag-qualify ng Pilipinas sa FIFA Women's World Cup,
16:04ikalawang sunod na para sa bansa matapos ang debut ng kuponan sa torneo noong 2023.
16:12Hidig-hidig ka mabibitin sa kakanin goodness ng kalamay sa Kandon, Ilocosur.
16:19Nasa 10 meters ang lawag nito at may timbang na mayigit 1,800 kilos.
16:24Nagbisula itong giant color wheel ng iba't ibang flavors gaya ng classic, pandan, ube at pinat.
16:31Libri itong ipinakain sa mga residente at maging sa bisita.
16:35Sanda ang kakanin makers na nagtulong-tulong para mabui ito sa loob ng walong oras.
16:41Ang giant kalamay ay isa sa mga highlight para sa pagdiriwang ng Tobacco Festival 2026.
Comments

Recommended