00:00Walang tubig! Yan ang reklamo ng ilang atagamuntinlupa dahil halos araw-araw daw na humihina o nawawala ng tulo ang
00:07kanilang mga gripo.
00:08Ang paliwanag ng Maynilad sa Balitang Hatid ni E.J. Gomez.
00:16Problemado si Madeline, residente ng Barangay Putatan sa Muntinlupa.
00:20Kasama sila sa mga nawalan ng supply ng tubig alas 11 kagabi.
00:24Basis sa abiso ng Maynilad, babalik ang supply alas 2 ng hapon ngayong araw.
00:29Labing limang oras yan na walang tubig sa kanilang barangay.
00:33Ayon sa ilang residente roon, halos araw-araw nilang dinaranas ang problema sa tubig nitong nakalipas na dalawang linggo.
00:40May mga estudyante kami na siyempre kailangan nilang maligo, kailangan sa pagluto.
00:47Walang tubig, as in walang running water na para maglinis, para mag-ayos.
00:55So ang hirap, talagang napakahirap.
00:59Sa barangay poblasyon, malaki raw ang epekto sa hanap buhay ng may-ari ng kainan na si Annaline.
01:05Pahirapan daw ang pag-iigib ng tubig.
01:07Kaya napipilitan silang bumili ng mineral water para sa pagluluto.
01:11O kaya'y hindi na raw muna sila nagtitinda.
01:13Araw-araw, tamisan, halos kalating araw, wala kaming tubig.
01:19Misan yan, hindi na kami nagtitinda dahil nga,
01:21ang hirap mag-iigib, wala kaming,
01:24ang ka-iigib taas, pipili pa kami ng tubig.
01:26Eh ang mahal-mahal ng mga pilihin ngayon.
01:28So paano pag hindi nakapagbukas o nagtinda?
01:30Walang tinda, wala kita.
01:32Ayon sa barangay, halos isang buwan na raw nakararanas ng water interruption ang kanilang lugar.
01:37May hirap po mam kasi magugulat ka walang tubig,
01:40hindi alam kung saan kukuha ang tubig.
01:41Sa aming pagkatrabaho, pagtanggap ng mga kliyente,
01:45eh nahihiya po kami dahil siyempre po, walang tubig,
01:50wala naman po kami magawa.
01:51Nagbigay na po ng babala ang mayor dahil sa araw-araw nga po
01:56walang supray ng tubig ang Maynilad.
01:58Eh nahihirapan po ang aming mga residente.
02:03Minsan po talagang nagpupunta na po sa barangay.
02:06Nagre-reklam po.
02:07Limang barangay sa Muntinlupa ang nakararanas ng mahina o hanggang sa walang suplay ng tubig,
02:13kabilang ang alabang, bayanan, poblasyon, putatan at tunasan.
02:18Sa isang pahayag, sinabi ng Maynilad na biglang nagbago ang raw water quality sa Laguna Lake
02:23dulot ng malakas na hangin ngayong amihan season,
02:26kaya apektado ang pag-supply nila ng tubig.
02:29Kailangan daw ng operational adjustments sa treatment facilities ng Maynilad.
02:33Ginagawa na raw ng kumpanya ang mga hakbang para maibalik sa normalang supply ng tubig.
02:38May mobile tankers din daw na dinedeploy para sa mga residente ng mga apektadong lugar.
02:44EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments