00:00Pagawaan ng mga peking plaka at lisensya sa Recto, Manila, ni Raid ng CIDG.
00:06Limang tauhan ito, arestado. Si Ryan Lesiguez sa Sentro ng Balita.
00:14Natulala na lamang ang mga tauhan ng shop na ito sa Recto, Manila,
00:18nang salakayin sila na mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group or CIDG.
00:24Ang ordinaryong shop kasi na ito, na gumagawa ng picture frames at ilang pang-personalized items
00:29bagsakan pala ng peking plaka at lisensya.
00:33Ang mga peking plaka at lisensya, inabutan ng mga operatiba na nakalatag sa mga lamesa sa loob ng shop.
00:39Nag-ugat ang operasyon matapos na makatanggap ng tip ang PNP-CIDG.
00:43Para makumpirma ang iligal na gawain, nagsagawa ng test by ang mga autoridad.
00:49It is a syndicate actually. Yung nagkikita ninyo dyan na pakalat-kalat dyan sa Metro Manila,
00:54those are ano lang yun, kumbaga mga stores o tindahan lang o bagsakan lang actually.
01:01Pero yung mga pagawaan nito is either outside Metro Manila na may mga machines sila
01:07na dinuduplicate nila yung mga fake, I mean yung mga plate numbers.
01:13Ayon sa PNP-CIDG, naglalaro sa 300 hanggang 500 piso ang bentahan ng plaka para sa mga motor
01:19habang naglalaro naman sa 3,000 piso hanggang 5,000 piso para sa sasakyan.
01:25Mabilis din daw na ibebenta ang mga plaka sa kanilang mga parokyano
01:29dahil halos wala itong pinagkaiba sa orihinal na plaka at lisensya.
01:34Ang mga plaka at lisensya, maaaring i-order online.
01:38Hindi na rin kinakailangan pang i-claim ng personal ang plaka
01:41oras na matapos ang paggawa nito at may option ng door-to-door na delivery.
01:47So napakahirap i-trace ito at kung matuntun kung nasaan ito ginagawa.
01:51That's why pwede mag-order kahit Luzon besides Pindanao, they could just text them.
01:56Arestado ang limang katao na naabutan sa umano'y tindahan ng mga peking dokumento ng LTO.
02:02So usually yan ang mga ginagamit ng mga criminals
02:05pagka gumawa ng shooting incidents, robbery hold-ups and everything.
02:11So napaka-delikado.
02:12Mahaharap ang mga na-arestong suspects sa reklamang falsification of public documents
02:16at paglabag sa Motorcycle Crime Prevention Act at Land Transportation and Traffic Code.
02:22Ryan Lisigues, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
02:27Pindas!
Comments