Skip to playerSkip to main content
  • 13 minutes ago
Dating DPWH Usec. Bernardo, humarap ngayong araw sa pagdinig ng Sandiganbayan; Bernardo, idinetalye ang umano’y pagtanggap niya ng pera mula kay dating Rep. Zaldy Co | ulat ni Rod Lagusad

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Humarap na yung araw sa Sandigan Bayan si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo
00:07para dumalo sa pagdinig ng maanumalyang flood control projects.
00:12Dito isinalaysay at inisa-isa ni Bernardo kung paano siya nakatanggap ng pera
00:18kay dating Congressman Zaltico, si Rod Lagusad sa Sentro ng Balita, live.
00:26Trixie sa pagsalang ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo
00:30sa nagpapatuloy na pagdinig ng Sandigan Bayan kaugnay ng flood control projects
00:34ay idinitali nga ang mga perang kanyang natanggap umano mula kay dating Akubicol Representative Zaltico.
00:42Sa naging pagharap ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo,
00:46isa sa mga state witness sa isyo ng flood control projects
00:49sa pagdinig ng Sandigan Bayan 6 Division sa kasong malversation,
00:53kaugnay ng umano yung substandard flood control projects sa Now One Oriental Mindoro.
00:57Sinabi nito ang kanyang mga umano yung natanggap na pera
01:00mula kay dating Akubicol Representative Zaltico.
01:03Kabilang na dito ang umano yung natanggap niyang tiksampung milyong pisong halaga
01:06na ang balato sa loob ng tatlong taon mula umano
01:09kay dating DPWH Mimaropo Regional Director Gerald Pakanan
01:14na isa sa mga akusado sa kasong ito.
01:16Ayon kay Bernardo, nangyari ito mula taong 2023 hanggang 2025.
01:21Anya, naka-sealed paper bag ang mga ito pero hindi nga minsan nakita
01:24na mismong si Pakanan ang nagbigay nito.
01:27Dagdag ni Bernardo, nangyari ang pagbibigay tuwing ikatlong quarter ng naturang mga taon.
01:32Nang tanongin ng korte kung ang umano yung ibinigay na pera ay bahagi o prosyento,
01:36ayon kay Bernardo, hindi na siya nagtanong at ibinigay na lang umano sa kanya ang pera.
01:40Naitanong din kay Bernardo na sa pagbigay ng pera ay may instruction
01:44o kung may dapat ba siyang gawin.
01:46Anya, natakot siya kaya ito kanyang tinanggap, lalo't maaari siyang maging balakid sa mga ito.
01:52Bukod dito, sinabi rin niya na nakatanggap umano siya ng TIG 40 million pesos na halaga
01:57sa taong 2023 at 2024 habang 20 million pesos naman sa taong 2025.
02:03Anya, si dating DPWH, Bulacan 1st District Engineering Office District Engineer Henry Alcantara,
02:09na isa na rin sa mga state witness ang nagbigay nito sa kanya,
02:12kung saan sinabi nito na ito ay galing umano kay ko.
02:15Aking kay Bernardo, walang particular na instruction na ibinigay sa kanya patungkol dito.
02:20Anya, kung hindi niya ito tatanggapin, siya ay mapapahamak.
02:23Bago pa man simulan ng cross-examination sa pagdinig ngayong araw,
02:26ay tinutulan muna ng depensa,
02:28ang pagtestigo ni Bernardo dahil anila ay irrelevant at imaterial ang testimonya niya sa kaso.
02:34Sa kabila nito, pinayagan ng korte na sumalang sa witness stand ang dating undersecretary.
02:40Sa isinagawang pagtatanong ng abogado ni Pakanan,
02:43ilan sa mga kinumpirman ni Bernardo ang kanilang professional relationship ni Saldico sa nakalipas na sampung taon.
02:49Matatanda ang isinangkot ni Bernardo sa mga pagdinig sa Senado SICO
02:52sa listahan ng mga opisyal ng gobyerno na umano'y kumukubra ng kickback sa flood control projects ng pamahalaan.
02:59Trixie sa naturang pagdinig ay na-excuse na rin bilang witness si dating DPWH Undersecretary Bernardo
03:05at sa Webes o sa darating na Webes naman ang susunod na pagdinig sa naturang kaso.
03:10At yan muna ang latest mula dito sa Sandigan Bayan.
03:12Balik sa inyo.
03:14Maraming salamat, Rod Lagusan.
03:16Maraming salamat, Rod Lagusan.
Comments

Recommended