00:00Wala pong bagyo ha, pero ilang lugar sa Central and Southern Luzon ang binaha dahil sa walang tigil na ulan.
00:12Balitang hatid ni EJ Gomez.
00:19Mabagal ang daloy ng trapiko sa Almeda Highway sa Naga Camarines Sur.
00:23Baha kasi sa kalsada dahil sa malakas na pagulan.
00:27Tuloy-tuloy raw ang pagulan doon ng dalawang oras,
00:29kaya mabilis na binaha ang lungsod.
00:33Sa Iriga Camarines Sur, abot baywang ang baha.
00:37Matapos sa pagulan na tumagal ng halos isang oras,
00:40humupa na ang ulan pero mataas pa rin ang baha sa lugar.
00:43Abot tuhod ang tubig sa Iriga City Centro.
00:48Ganyan din ang eksena sa Lipa, Batangas.
00:50Pahirap ang makatawid ang mga maliliit na sasakyan,
00:53kaya ang iba, nag-uter na lang at naghanap ng ibang madaraanan.
00:56Ang ibang motorsiklo naman, pumarada muna sa gilid ng kalsada at nagpatila.
01:03Matinding traffic din ang naging epekto ng pagbaha sa Calamba, Laguna.
01:07Hindi kasi madaanan ang ilang lane sa pangunahing kalsada dahil sa tubig.
01:10Hindi naman madaanan ang isang spillway sa San Antonio, Quezon dahil din sa baha.
01:16Humarang paroon ng mga sanga ng punong kahoy.
01:19Natanggal din kalauna ng mga nakaharang at nadaraanan na rin ang lugar,
01:23ayon sa San Antonio Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
01:26Malakas din ang buhos ng ulan sa Malolos, Bulacan.
01:33Naging pahirapan turoy ang pagbiyahe sa mga motorista, lalot halos zero visibility na sa kalsada.
01:39Mabagal din ang daloy ng trapiko roon.
01:41Ayon sa pag-asa, pinaghalong epekto ng trough ng low-pressure area at hanging habagat
01:46ang nagpaulan sa Southern Luzon.
01:48Localized thunderstorm naman ang nagpaulan sa Bulacan.
01:51EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments