Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:02Mahaba ang pila sa isang gasolinahan sa Congressional Avenue Extension sa Quezon City
00:08sa bisperas po yan ang panibagong mega oil price hike.
00:12Ayon po sa Department of Energy at mga oil company,
00:15hanggang 23 piso at 70 centimo ang taas presyo sa kada litro ng diesel.
00:22Sa gasolina, hanggang 16 piso at 60 centimo ang taas presyo.
00:28Hanggang 8 piso at 70 centimo naman ang posibleng dagdag sa kerosene.
00:32Utay-utay ang ipatutupad ng ilang kumpanya ng langis ngayong linggo.
00:38Iaanun siya na pa bukas ng LTFRB ang dagdagpasahe sa mga city bus.
00:42At noong weekend pa, umaaray ang mga pasahero ng mga provincial bus
00:46dahil naunan na silang nagpatupad ng dagdagpasahe.
00:50Saksi, si Ian Cruz.
00:56Napapaaray na ang mga babyahe dahil sa taas-pasahe sa mga provincial bus.
01:00Si Jessa Montilla na uwi sa Allen Northern Summer kasama ang kanyang anak.
01:05Hindi umabot na makabili ng ticket na 1,800 pesos pa lang sa PITX kahapon.
01:11Kaninang umaga, 2,035 pesos na ito.
01:15Medyo nag-adjust. May barko pa kaming babayaran.
01:18Hindi pa kasama yung ticket sa barko.
01:20Ang ilang bus driver inabisuhan ng kumpanya na posibleng magbawas ng biyahe.
01:26Ano ko lang sa operation manager namin.
01:31Maka parang magbabawas yata ng biyahe.
01:34Ang mga bus pa bagyo naman mula sa isang terminal sa Cubao, Quezon City.
01:39Mula sa dating 641 pesos na pamasay sa regular bus, 740 pesos na.
01:46Ang first class na dating 1,038 pesos, naging 1,139 pesos.
01:54Mabigat para sa istudyanteng si Keisha na lingguhan pa namang umaakit ng bagyo.
01:58Bukod sa everyday expenses, dumadagdag pa po yung increase dun sa bus.
02:04Ipinatupa ng dagdag pasahe sa provincial buses nitong Sabado, dalawang linggo bago ang Semana Santa,
02:10kung kailan inaasahan ang dagsa ng mga babayahe.
02:13Para makatipid, nag-ordinary bus si Lisa pa uwing Ginubatan Albay.
02:18Wala, talagang limit na ang magpamanila.
02:22Mahirap na.
02:23Bukas i-aanunsyo kung magkano ang taas pasahe sa city buses ayon sa LTFRB.
02:29Iba ang fair structure ng metro buses compared sa provincial buses.
02:34Iba rin yung expense basket ng provincial buses compared to the city bus.
02:40Hindi sila design. Pero sino mas magiging mataas? Provincial or city?
02:43Ah, hindi na natin bukas.
02:46Bago pa ang panibagong taas presyo sa petrolyo bukas,
02:50umaabot na sa mayigit isandaang piso ang kada litro ng diesel
02:53sa ilang gasolinahan sa Naga City at Libmanan, Camarines Sur.
02:58Bukas hanggang Webes, mamahagi ang DSWD ng 5,000 pisong ayuda
03:03sa 139,000 tricycle drivers sa Metro Manila.
03:0730 payout sites sa iba't ibang lugar ang tinukoy ng DSWD.
03:12Pusibleng salunis naman daw ang bigaya ng ayuda sa mga jeepney driver.
03:16At isusunod ang iba pang public utility vehicles.
03:20Kung kakailanganin, posibleng may bigayan muli ng ayuda mula sa pondo ng AICs
03:25o Assistance to Individuals in Crisis Situations.
03:29Ang instruction ng ating presidente, kailangan multiple times kung tumagal pa to.
03:35139,000 will cost the government around close, close to 700 million pesos.
03:41So nakahanda na yan.
03:42Inaayos na rin ang DOTR ang pagpapalabas ng 2.56 billion pesos na pondo
03:48para sa fuel subsidy ng operators at drivers ng public utility vehicles.
03:53Inaasahan ng DOTR na bagaman may ayuda at fuel subsidy para sa transport sector,
03:59may transport groups pa rin hihiling ng fare hike.
04:02Ang purpose kasi naman po ng fare hike is more of sustainability.
04:09To ensure na meron tayong transportation,
04:12we really have to strike a balance between approving and giving a fare hike
04:18and also the capability of our commuters to pay the supposed fare hike.
04:25Pinag-aaralan na rin daw ng DOTR ang paglulunsad ng libring sakay tuwing rush hour
04:30para higit na maalalayan ang mga commuter.
04:33Kinakausap na rin daw nila ang mga toll operator
04:37para pababain muna ang kanilang singil para makatulong sa publiko.
04:41Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo,
04:44may kinakasang nationwide strike ang grupong piston at mga kaalyadong grupo sa March 19.
04:51Muli rin nilang ipinanawagan ang pagbasura sa oil deregulation law.
05:08Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
05:14Apat ang patay sa malagim na disgrasya sa Angono Rizal.
05:18Saksi si EJ Gomez.
05:23Binabagtas na mga sasakyan ang Manila East Road sa Barangay San Isidro sa Angono Rizal
05:28pasado alauna ng hapon nitong linggo.
05:31Nambiglang, dumating ang isang pulang kotse.
05:35Nabangganito ang isang motorsiklo.
05:37Tumilapo ng rider at kanyang angkas.
05:39Dumiretsyo naman ang kotse sa isang panaderiya.
05:42Sa isa pang kuha ng CCTV,
05:44kitang umiwas ang isang paparating na jeep at napatigil din ang mga kasunod na motorsiklo.
05:50Naipit sa bumper ng kotse ang tatlong na damay na tao.
05:54Meron pa sa ilalim.
05:55Dalawang iba pa ang tumilapo naman sa bakery kung saan napunta ang nabanggang motorsiklo.
06:00Ako yung guard dito sa subdivision.
06:03Nung dumuan yung sasakyan,
06:05magbilis.
06:06Talagang mabilis.
06:08Biglang bumulusok pa ng ganun.
06:10Allegedly, nawala ng preno yung driver.
06:13Pabulusok pa baba.
06:14Hanggang sa magdire-diretso siya at nasalpok niya yung mag-boyfriend na nakamotor.
06:20Tapos dumire-diretso rin dun sa nakastandby at saka yung namimili dun sa bakery na dalawang bata.
06:26Sa lakas ng impact, nasira at nagka-UPUP ang bumper at unahang bahagi ng sasakyan.
06:33Nagkabasag-basag din ang windshield nito.
06:35Dead on the spot ang 69-anyos na babaeng homeless na nakatambay daw sa lugar nang mangyari ang aksidente ayon
06:42sa polisya.
06:43Isinugod sa ospital ang apat na iba pang biktima.
06:46Namatay rin kalaunan ang biktimang 15-anyos na binatilyo.
06:51Kagabi, binawian din ang buhay ang 26-anyos na babaeng rider.
06:55Nasa uwi rin kaninang madaling araw ang 23-anyos niyang kasintahan na kanyang angkas.
07:01Nakaligtas naman ang 13-anyos na binatilyo na nagtamo ng ilang bungi sa ngipin at mga galos.
07:07Labis ang hinagpis ng mga kaanak na mga sinawimpalad.
07:11Kwento nila, bumiyahi ang magkasintahan para sana dumalo sa isang birthday party sa bayan ng Tanay.
07:18Pero di na sila umabot sa kanilang destinasyon.
07:21Sobrang malapit po sa akin.
07:28Sobrang malaki po yung panginahin namin na wala na yung dalawa kasi sobrang mabait po yung dalawang.
07:34Yung mga bata pa po, may plano pa sila. Marami silang gusto gawin sa buhay ko.
07:39Kakamatay lang kasi ng nanay niyan.
07:42So, ang papa niya, senior citizen na, meron siyang one-year-old na anak.
07:48Ngayon, si Ella, biglang nawala, siya yung breadwinner sa kanila.
07:54Kaya parang ang bigat, mabigat.
07:57Inaresto ng polis siya ang 66-anyos na babaeng driver ng kotse.
08:02Sinubukan ng GMA Integrated News na kunan siya ng pahayag pero tumanggi siyang humarap sa kamera.
08:07Ngayon lang sabi niya na nawalan siya ng pre.
08:10No, hanggang sa, na out of control na siya sa kanyang minamanayong sasakyan.
08:14Nahaharap ang driver ng kotse sa reklamong reckless imprudence resulting in multiple homicide and serious physical injuries.
08:22Para sa GMA Integrated News, EJ Gomez, ang inyong saksi.
08:29Binalot ng abo ang ilang barangay sa Negros Occidental matapos maitala ang panibagong pagsabog ng Bulkan Kanlaon.
08:35Tumagal ng 30 segundo ang moderately explosive eruption ng bulkan kagabi.
08:41May mga naiulat na yung grass fire sa paligid ng bulkan.
08:44Sumunod ang ashfall o yung pagulan ng abo.
08:46At sa Negros Occidental PDR-RMO, apektado na ashfall ang tatlong lungsod at kitong bayan sa buong probinsya.
08:56Patay ang isang estudyante ng magliyab ang nakaparadang truck sa Iloilo.
09:00Saksi si Kim Salinas ng GMA Regional TV.
09:08Nabalot ng apoy at itim na usok ang harapang bahagi ng isang nakaparadang truck sa barangay inagdangan sa Zaraga Iloilo.
09:14Sa isa pang kuha, makikita kung paano dahan-dahan nilamon ng apoy ang iba pang bahagi ng truck.
09:21Hanggang sa dumating ang mga bumbero para apulahin ito.
09:24Ligtas ang dalawang crew na natutulog sa likurang bahagi ng truck matapos gisingan ng driver.
09:29Pero nasawi ang kasamahan nilang labing siyam na taong gulang at isang graduating student na natutulog naman sa harapan.
09:44Sa initial investigation, inutusan pa umano ng driver ang biktima na bumili ng sigarilyo bago ang insidente.
09:51Isa ito sa mga anggulong tinitingnan ng BFP.
09:54Ang electrical, ikadua ang possibility na may sigarilyo or something.
10:01Tapos ang ikatatlo, basi kung may foul play man, naging hungod.
10:05Ang origin of fire dira mismo sa iya, sa front seat mismo sa truck.
10:11Easy na ilalim na sa autopsy ang bangkay ng biktima.
10:14Madeterminate na kung may mga injuries na siya prior sa natabo.
10:19Tinatayang na sa 3 milyong piso ang halaga ng mga sound system na hindi pa inilalagay sa truck nang maganap
10:25ang sunog.
10:27Bigla namang huminto sa kalsada sa Sityo Dalaman, Barangay Bualan, sa Barira Maginanaw del Norte.
10:33Ang isang dump truck nang bigla itong lamunin ang apoy.
10:36Dahil sa laki ng sunog, damay sa sunog ang bahay na malapit sa pinaghintuan ng truck.
10:41Base sa investigasyon ng BFB, may karga ang truck ng mga drum ng crew do.
10:46Pero wala itong laman.
10:48Itatapon siya na ito sa bayan ng Parang.
10:50Kala ng mga residente na may laman yung drum kasi pumuputok daw.
10:55Yung pala ang pumuputok is yung mga tire ng tram truck.
10:58Tumakbo daw yung driver kasi nataranta at saka natakot na baka buntunan ng galit ng mga residente yung may ari
11:05ng bahay.
11:05Sa pahayag ng driver, nagkaroon ng short circuit sa battery ng truck.
11:09Yung short circuit ng kanyang battery, kaya medyo nag-apoy na yung battery.
11:14Medyo maaba-aba din na takbo niya na hindi niya napansin.
11:17Kaya yun, lumaki ng lumaki.
11:18Ayon sa BFB, pag-aari umano ng LGU Barira ang nasunog na truck.
11:22Wala namang naitalang nasugatan sa insidente.
11:25Kinukuhanan pa ng pahayag ang may ari ng nanamay na bahay.
11:29Bigla namang lumiyab ang isang barkong hindi na ginagamit na nakadaong sa Taguloa na Misamis Oriental.
11:35Tinitingnang sanhin ng BFB ang gasolina sa makina ng barko.
11:39Wala pang pahayag ang may ari nito.
11:41Para sa GMA Integrated News, ako si Kim Salinas ng GMA Regional TV, ang inyong saksi.
11:50Mga kapuso, maging una sa saksi.
11:53Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments

Recommended