Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang bigyan ng emergency powers si Pangulong Bobo Marcos para suspindihin o
00:07bawasan ng excise tax sa petrolyo.
00:09At sa gitna naman na epekto ng oil price hike sa iba't ibang industriya, pinag-aaralan ng price cap sa
00:15presyo ng imported well-milled rice.
00:18Saksi si Bernadette Reyes.
00:23Naglalagab-lab na apoy ang namataan malapit sa Dubai Airport sa United Arab Emirates.
00:29Ayon sa Dubai Media Office, nagkasunog matapos tamaan ang drone ng isa sa mga fuel tanks sa paliparan.
00:35Dahil dyan pansamantalang sinuspindi ang flights. Wala namang nasaktan.
00:42Mahigit dalawang libo na ang nasawi mula na magsimula ang mga airstrike na tumama di lang sa Iran at Israel,
00:48kundi pati sa iba pang bansa sa Middle East.
00:53Ang mahigit dalawang linggo ng sigalot, nagpasipa sa presyo ng langis sa buong mundo dahil maraming barko ang hindi makadaan
01:01sa Strait of Hormuz.
01:02Ayon kay US President Donald Trump, pitong bansa ang kinakausap umano nila para protektahan ng mga barkong dumaraan sa kipot.
01:11Sabi ni Trump sa isang social media post, sana ay magpadala ng mga barko ang China, France, Japan, South Korea
01:18at United Kingdom.
01:20Pero nagsabi na ang Japan na hindi sila magpapadala ng naval escort sa Middle East.
01:25Ang United Kingdom hindi raw sasali sa gera pero makikipagtulungan sa mga kaalyado para mabuksan ang Strait of Hormuz.
01:33Pag-aaralan muna ng South Korea ang kanilang susunod na hakba.
01:38Ang Department of Energy nag-aalala dahil habang tumatagal ang sigalot, posibleng tuloy pa ang pagtaas ng presyo ng langis.
01:4625% ng supply ng refined products o ang mismong diesel at gasolina sa Pilipinas, inaangkat mula sa China, na
01:54nagsabing hindi na muna sila magbibenta.
01:57Ayon sa DOE, kung hindi makuha sa pakiusap ang mga inaangkat ang bansa, may iba pang mapagkukunan pero mas mahal.
02:05China or other countries that have banned, they allow naman.
02:11Some have exemptions to the banning.
02:16And even worst case, if they do close their doors on export, there are other suppliers.
02:22Sa Kamara, probado na sa ikatlo at pinal na pagbasa ang House Bill 8418 o Panukalang Batas na magbibigay kay
02:31Pangulong Bongbong Marcos ng kapangyarihan suspindihin ang pagkolekta ng fuel excise tax.
02:37Sa Senado, nagkokos sa mga senador para pag-usapan ng emergency powers na hinihingi ng Malacanang.
02:44Isa sa pinag-usapan ay kung ia-adopt na lang ng Senado ang bersyon ng Kamara.
02:49Certified as urgent na rin ang Panukalang Batas na Layong Amyendahan, ang Biofuels Acts of 2006.
02:57Sa panukala, pahihintulutan ng Pangulo na maglabas na executive power para payagan ang pag-import ng biofuel components tulad ng
03:06bioethanol at biodiesel.
03:08Sakaling tumaas ng malaki ang presyo ng petrolyo sa bansa.
03:11At sa gitna ng epekto ng mega oil price hike sa iba't ibang industriya, kabilang ang presyo ng bigas,
03:20pinag-aaralan ng Department of Agriculture na magtakda ng price caps sa imported well milled rice.
03:26Tingin ko sa sitwasyon ngayon para hindi maapektuhan ng pala, may mga 50 siguro.
03:33Paalala ng Department of Agriculture, hindi dapat labis-labis ang taas presyo ng bigas na epekto ng pagmahal ng delivery.
03:41Dapat ang imported rice maximum, 48 to 50 lang yan sa sitwasyon ngayon.
03:47Pero meron nga kami nababalitaan na may nagsi 60, may nag 65 pa, may profiteering na nangyayari dyan sa bagay
03:57na yan.
03:57Tuloy rin ang mga programa tulad ng benteng bigas para sa piling sektor at pagbebenta ng mas abot kayang well
04:04milled rice.
04:05Pinuntahan namin ang iba't ibang mga bigasan dito sa Agora Market sa San Juan.
04:10Kadalasan, 52 pesos pataas ang kada kilo ng mga well milled rice.
04:14Pero may mabibili sa halagang 48 pesos kada kilo.
04:18Bahagi ito ng programa ng Department of Agriculture, katuwang ang Food Terminal Incorporated.
04:23Pero sabi ng grupong bantay bigas,
04:26Hindi siya significant para maibaba niya yung presyo ng bigas sa palengke.
04:31Dahil, again, nasaan ba yung 20 bigas?
04:35Nasa Kadiwa Centers.
04:36Dapat mag-infuse na sila ng mababang presyo ng bigas.
04:39Sa halip na price cap, i-price control na niya, lalong-lalo na yung bigas.
04:44At lahat ng mga pangunahing bilhin.
04:46Para sa GMA Integrated News, ako si Bernadette Reyes, ang inyong saksi.
04:52Mga kapuso, maging una sa saksi.
04:55Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments

Recommended